Sphinx ☆ Jinx

926 16 2
                                    

Prologue:

Noong unang panahon, sa isang malayong lupain ay may isang magandang prinsesa. Nakakulong sa isang mataas na tore. May isang dragon na nagbabantay sa prinsesang ito upang hindi siya malapitan ng kung sinu-sino man. Sa loob ng tore kasama niya ang kanyang pitong duwende na nag-aalaga sa kanya. Sinusuklay ang kanyang mahabang buhok, binabantayan ang kanyang kristal na sapatos— na nawawala ang isa at ginagamot ang sugat sa kanyang hintuturo na nakuha ng prinsesa nang matusok siya ng isang karayom.

Mahimbing na natutulog ang prinsesa at naghihintay sa pagdating ng kanyang magiting na prinsipe. Prinsipe na may lakas loob para puksain ang dragon. Prinsipe na magliligtas sa kanya. Prinsipe na gigising sa natutulog na prinsesa. Prinsipe na may dala nang nawawalang kristal na sapatos.

“Ano’ng shit ‘yan Jinx? Mamaya na ang deadline para sa manuscript na hinihingi ni Ma’am Vegas!” Walang ganang tinignan ng binata ang babaeng halos maputol na ang litid sa pagtili sa kanya.

“Jhen, ang sabi mo gumawa ako ng manuscript na pwedeng ihanay sa Disney,” sagot ni Jinx sabay turo sa monitor ng computer. “Ayan, na ang hinahanap mo.”

Hinatak ni Jhen ang patilyo ng binata at sinabing, “Jinx, ipanglalaban natin iyan sa contest. Alam mo ba iyon? Hindi natin kailangan niyang pinagsama-sama mong fairy tale.” Pinanggigilan niya ang patilyo nito bago tuluyang binitawan. “Mapapagalitan na naman tayo nito eh. Puro kamalasan ka talaga,” inis na sambit nito.

Napangiwi si Jinx sa sakit na dulot ng ginawa ng babae sa kanya. “Ito naman hindi na mabiro, nakagawa naman ako ng maayos.” Binuksan nito ang isang folder sa computer at may binuksan na isang file. “Ito na, pakiedit na lang kung may gusto kang baguhin, mauna na ako.” Paalam nito.

Minamasahe ni Jinx ang kanyang leeg habang naglalakad sa corridor ng kanilang eskwelahan. Natapos na naman ang isang nakakabagot na araw niya sa nakakabagot na paaralan na kanyang pinapasukan. Isa siyang digital arts student, ang gusto niya sana ay architecture ang kuhanin ngunit ayaw ng nagpapaaral sa kanya. Kaya wala siyang nagawa.

“Sana makagraduate na ako, lagi na lang ganito,” sambit niya sa sarili.

“Tabi!”

Hindi na nagawang umiwas ni Jinx sa babaeng nakabungo— bumungo sa kanya. Huli na nang marinig niya ang sigaw nito. Pareho na silang nakasalampak sa sahig. Tumayo siya at inalalayang tumayo ang babae. Mahaba ang buhok nito at natatakpan ang mukha.

“Miss, ayos ka lang?” Tanong niya dito na may halong pag-aalala. Medyo malakas din kasi ang pagkakabagsak nilang dalawa.

“Uhm. Oo,” sagot nito sabay hawi sa kanyang mahabang buhok.

Hindi na nakuhang magsalita ni Jinx dahil sa kanyang nakita. Maganda ang babae at ngayon lang siya nakakita ng ganito kagandang babae sa tana ng buhay niya.

“Ikaw ba, okay lang?” Tanong nito Jinx. “Uy, kuya,” untag niya rito.

Napakusut-kusot ng mata si Jinx at saka tinignan ulit ang babae. “Ako si Jinx,” wala sa loob na sabi niya. “Ano’ng pangalan mo?” Napaatras ng konti ang babae. Tila ba natakot sa binata. “Sorry.” Mabilis na hingi ng paumanhin ni Jinx.

“Ah. Ayos lang,” sabi nito sabay yuko. “Nakita mo ba ‘yung sapatos ko?” Sabay silang luminga-linga. “Hindi bale na nga, baka na hubad sa akin kanina habang tumatakbo ako.” Tumingin siya sa binata at ngumiti. “Salamat pala, Jinx.”

Naglalakad na palayo ang babae nang maalala ni Jinx na hindi nito binigay ang pangalan. Hinabol niya kagad ito at hinarang.

“Ano’ng pangalan mo?” Medyo hingal na tanong niya. Napataas ang kilay ng babae. “Sorry, gusto ko lang malaman.”

“O-okay.” Umatras ulit ng konti palayo ang babae. “A-ako si Sphinx, okay na?” Tila nangangatog ito kaya lumapit si Jinx dito. Agad naman siyang tinulak ng babae. “O-okay lang ako. Sige, mauna na ako.”

Hindi na sinubukan sundan ni Jinx ang babae, hinayaan na lang niya itong mawala sa paningin niya.

“Magkikita pa kaya kami?” Tanong ni Jinx sa sarili niya.

“Bago mo isipin ‘yan, Jinx,” napatingin ang binata sa nagsalita. Sinalubong siya ng salubong na kilay ni Jhen. “Ulitin mo muna ang manuscript mo.” Hinatak na nito ang buhok ng binata pabalik sa editing room nila. “Kahit kailan ka talaga ang malas malas mo!” Gigil na sabi nito.

“Sorry na!”

A/N: Sorry first time ko sa 3rd person's POV kaya pagtiyagaan niyo na. Sorry. Ajujujuju. Expect slow update katulad sa ibang story ko. Medyo madami akong ine-edit dahil sa pagself-pub. :)

Sphinx ☆ JinxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon