Chapter 1: Snow White and the Seven Dwarves
Jinx’
Akala ko hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon na makita ang umaga. Magdamag kaming nakakulong sa editing room at sobrang napiga ang utak ko kakagawa ng manuscript. Tandang tanda ko talaga nakagawa na ako, pero lintik lang! Wala pa lang na save sa ginawa ko.
Bagay nga talaga sa akin ang pangalan ko. Jinx ang ibig sabihin ay malas. Oo, malas talaga ako. Malas ako sa lahat ng bagay. Malas sa school na pinasukan. Malas sa course na kinuha. Kung may swerte man sa buhay ko ay ‘yung kahit may kaya lang kami sa buhay masaya naman ang pamilya namin.
Minasahe ko ang leeg ko habang tinitignan ang natapos na manuscript. Approval na lang ni Ma’am Vegas ang kailangan nito at pwede na namin gawin ang animation. Wala naman talaga akong hilig sa ganito, pero nang magtagal tagal na rin, nahiligan ko na. Nakakapagdrawing din naman kasi ako rito ng mga gusto kong i-drawing, pati masaya sa feeling kapag nagugustuhan ng mga manonood ang ginagawa mo.
Tinapik ko ang tulog na tulog na si Jhen. “Oy, uuwi na ako.” Naalipungatan ito at tinignan ako. “Pakitignan muna ‘yungmanuscript bago ako umalis. Baka magkaproblema na naman, e.”Tumango ito at lumipat sa computer na gamit ko. “Si Take na saan na?” Tanong ko.
Nagkibit balikat ito at sinabing, “Hindi ko alam, umuwi rin ata kagabi.” May kinalikot siya ng konti sa computer bago ako tuluyang hinarap. “Okay na ito, ako na magsesave baka kung ano na naman ang mangyari, e.” Tinanguan ko na lang siya at nagpaalam na.
Habang naglalakad sa hallway, inangat ko ang braso ko at inamoy amoy ang kili-kili ko. 24 hours na kasi akong hindi naliligo dahil nga hindi pa ako nakakauwi simula kahapon. Buti na lang hindi pa ako nangangamoy. Mabago pa rin kahit papaano.
Napahinto ako sa paglalakad nang may makita akong babae na nakahiga sa isa sa mga table sa student plaza. Nilapitan ko ito at tinignan kung humihinga pa. Buhay pa naman, umaangat kasi ‘yung tiyan niya, e. Pinagmasdan kong maigi ‘yung babae. Parang kilala ko siya. Siya si… Sphinx?
“Hoy! Ano’ng ginagawa mo d’yan?!” Napalingon ako sa magkabilang gilid ko. Wala akong nakitang nagsalita. Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko. “Aba, loko ‘to ah!” Napatingin ako sa bandang ibaba ko. May tao pala.
“Uy! Ikaw ba ‘yung nagsasalita?” Gulat na tanong ko sa maliit na tao sa harapan ko.
Tinignan niya ako ng masama at humalukipkip siya. “Ano’ng ginagawa mo kay Sphinx?” Naniningkit ang mga mata niya.
“H-huh? Wala naman. Tinitignan ko lang kung buhay pa siya, akala ko kasi ano, e.” Umatras ako nang konti at tinignan ng maigi ang kausap ko. Maliit lang talaga siya. Mga hanggang hita ko lang. “E, sino ka ba?” Tanong ko, pinaninkitan ko rin siya ng mga mata.
“Ako si Grumpy, taga bantay ni Sphinx habang natutulog siya.” Umakyat siya sa isa sa mga batong upuan at tinignan kung ayos lang ba si Sphinx. “Sigurado ka bang wala kang ginawa?” Nakataas na kilay na tanong nito.
“Wala nga, ano naman ang gagawin ko sa kanya?” Painosente kong tanong. Inismiran niya lang ako at bumaba na siya sa kinatatayuan niya. “Grumpy, sa snow white and the seven dwarves ba kinuha ang pangalan mo?” Medyo kinakabahan kong tanong.
“Hindi. Joselito totoo kong pangalan. Si Sphinx lang ang nagbigay sa akin ng Grumpy.” Medyo tinagilid niya ang ulo niya at tumango. Napatingin ako sa likuran ko, may isa na namang maliit na tao na dumarating. Ay hindi lang pala isa. Isa, dalawa, tatlo… Anim pa na maliit na tao ang dumating. “Saan ba kayo nanggaling?” Nagtatakang tanong ni Grumpy.
“Si Sir kasi ilang beses pinaulit sa amin ‘yung long jump kanina sa P.E parang nang-aasar. Tsk.” Hinawi ako nang nagsalita kaya medyo napaatras ulit ako. “Sino ka naman?” Mataray na tanong sa akin.
BINABASA MO ANG
Sphinx ☆ Jinx
Storie d'amoreSphinx - an inscrutable person who keeps his thoughts and intentions secret Jinx - a person believed to bring bad luck to those around him. Paano kapag ang pinakamisteryosong babae sa eskwelahan niyo ay nakasalubong ang lalaking nag dadala daw ng...