Kinabukasan ...
Mukhang late darating ang first-period teacher namen dahil sa mga bisitang darating dito sa school . Wala pa kase sya hanggang ngayon at naguumpisa nakong mainip :3
Tumunganga nalang ako sa kawalan , wala parin kase ang seatmate kong si Ynna kaya wala pa kong pwedeng makadaldalan .
Ooooppss. May naapakan ata ako . Hindi tae ah XD . Notebook ! Shemayy , nadumihan ko ata . Patay ako sa mayari neto . Hindi kase familiar ang design ng notebook kaya hindi ko ren alam kung kanino .
Dinampot ko yung notebook at binuklat para malaman ko kung kanino kaso dahil sa katuligan ngayong umaga ay backpart ang nabuksan ko .
"Cyrone-My Knight in Shining Armor ?" Halos maibulong ko pa kung ano ang nabasa ko . Diary ata toh ? Maliban sa notebook nya , mukang naapakan ko rin ang privacy rights nya .
Sa sobrang pagkabigla ay naisara ko nalang ang notebook nayon at pinatong sa upuan ni Ynna . Grabe ? Malamang galit na galit na saken ang mayari non dahil sa status namen ni Cyrone ngayon .
Napalingon nalang ako kay Cyrone kasama ang mga kaibigan nyang nagtatawanan .
"Good morning Jhess . Kala ko late nako buti nalang late din si sir" andito na pala si Ynna .
For description , Maganda si Ynna . Rich kid den kase ang luka . Maputi sya at sakto lang ang height .
Sabay kameng napatingin sa notebook na pinatong ko sa table nya .
" Ahh , nakita ko to kanina . Naapakan--- " Kukunin ko palang ang notebook pero bigla nya yong hinablot saken .
"Akin yan ! Binasa mo to ?" napakunot ang noo ni Ynna ng automatic nang sinabe nya saken yon .
"Huh ? Hindi noh , Syempre hindi." tumingin nako sa ibang direksyon para hindi nya na mapansin ang pagsisinungaling ko.
"GOOD MORNING CLASS . Sorry I'm late , andami ko pa kaseng inasikaso sa event dun sa auditorium . Sorry class ." pambungad na bati ng teacher namen .
Haaayyy :0 Naligtas ako dun ahh . Hindi na naman inungkat pa ni Ynna kung meron talaga akong nabasa sa diary nya .
Halos buong araw akong lutang at tulala sa klase sa kakaisip sa nabasa ko .
"Sobrang weird" nasabe ko nalang bigla .
"Yes. Ms.Padilla ? Is there something weird sa math problem na pinasosolve ko ?"
"Ah nothing ma'am . Sorry po" aish ,, tama na nga ang kapraningang ito .
Sa sobrang paranoid ko ay ni hindi ko na namalayang math class na pala namen ngayon.
All this time, akala ko walang conflict samen ni Cyrone pero meron pala ...
Pero siguro naman maiintindihan naman ako ni Ynna :)
_______________________________________________
Lumipas ang mga araw at hindi parin ako nakakapagdesisyon sa panliligaw saken ni Cyrone .
"HAHAHA . Feeling masyado noh? HAHAHA"
"Asa naman syang magiging sila noh ? HAHAHA"
Rinig kong usapan ni Ynna kasama ang mga friends nya habang papunta ako sakanya para makipagusap tungkol sa group project namen .
"Ahh . Ynna ... " bulong ko sa likod nila .
Natigil ang usapan nilang lahat at napatitig silang lahat saken . So hindi naman obvious na ako ang topic ?
"Meeting daw tayo sa project naten ?" tanong ko .
"Ahh sige susunod ako " nakangiti nya namang sagot saken .
Napadalas ang mga araw na naramdaman kong hindi na maganda ang pakikitungo saken ni Ynna at ng mga kaibigan nya .
Si Cyrone nanaman ba ? Tss .
Kahit sa tuwing tumatabi ako kay Cyrone ay ramdam na ramdam ko ang nakakatusok na mga tingin nila sa likod ko .
Binging-bingi narin ako sa mga pekeng tawang naririnig ko mula sakanila . Mga parinig na kahit hindi ako siguradong akin ay inaangkin ko na .
Ganito pala ang pakiramdam ...
Sinubukan kong dalangan ang pagtabi ko kay Cyrone nang tumigil na sila at tuluyan nang mamatay ang issueng namamagitan samin nina Ynna .
OO. Ang duwag ko diba ? Ni hindi ko nga magawang sabihin kay Cyrone ang lahat dahil ayoko na syang madamay pa .
Kung alam ko lang na sa ganito hahantong ang lahat . Sana hindi ko nalang binuksan ang notebook na naapakan ko isang umaga .
Edi sana hindi ko nalang nalaman ang HD ni Ynna kay Cyrone .
At sana hindi kame magkakasira dahil lang sa lalaking gusto ko .
I surrender .
Pagod na ko sa ganitong set'up . Hindi ko inakalang ganito pala kacomplicated ang love .
Akala ko naman simpleng landian lang ito kung saan lagi kang masaya pero hindi pala .
Simula nung araw na iyon ay hindi ko na muling nilapitan at kinausap si Cyrone .
Alam kong napakadaya ko dahil umaalis ako nang hindi nya alam ang dahilan .
Pero basta , ayoko na talaga .

BINABASA MO ANG
INLABABO UNIVERSITY <3
Teen FictionThis story is based from a true experience. Ang mga characters sa storyang toh ay totoong nageexist. Weird ang plot pero ito ay sadyang nangyari. Naganap ang mga kalokohang ito sa loob ng apat na sulok na classroom namin. Hope you enjoy the story I...