Starting Over Again

51 3 0
                                    

Hindi ko ito pinlano , pero mukhang tinulungan ako ng pagkakataong makipagkaibigan kay Ynna. 

Nalaman kong magkalapit pala kame ng bahay ni Ynna . 

Kaya madalas kame ang sabay na bumababa ng jeep , mas malayo nga lang ang sakanila kesa samen . 

Startting that day, sabay na rin kameng sumasakay ng tricycle kahit nauuna akong bumaba sa kanya . 

May kaya ang pamilya nina Ynna pero hindi naman ako nahirapang makasundo sya . 

" Kailangan mo na bang umuwe ? " tanong sakin ni Ynna isang araw bago kame sumakay ng jeep kasama ang iba ko pang kaklase . 

" Hindi pa naman . Baket may gusto ka bang puntahan ? " tanong ko naman . 

" Nag - aaya kase sina Abigael at Chase na magmall . Kung gusto mo sana sumama . " sabay ngiti nya pa . 

" Sure :) " ngiti ko naren . Malapit lang naman ang mall na yon sa bahay namin kaya okay lang .

By the way bestfriend pala ni Ynna si Abigael . Hindi nga lang sila nagkakasabay umuwi dahil hamak na malayo ang bahay nina Abby .

Nandito na kame sa mall , Grabe ! Wala kameng ginawa kundi magtawanan dahil sa mga panlalait ng prangkang si Chase sa mga stall sa mall . 

Maliban saming apat , kasama rin namin ngayon si Jasmine . May bibilhin daw kase sya dito kaya sumama na sya samen . Hindi naman namen inakalang magkakasundo kameng lima . 

" Dapat siguro bumuo tayo ng grupo naten eh . HAHAHAHA xD " idea ng kumakaeng si Abby .

" Go ako dyan ! Anong name ? " singit naman ni Jasmine . 

" Alam ko na ! 'Tear Here ' ? " suggest ni Ynna habang nakatitig sa chichiryang kinakain nya . 

" Nice one ! Sige yun nalang " panggagatong ko .

Simula non , lagi na kameng nasa mall every friday . 

Tuluyan ko na ngang nakilala si Ynna . Wierdo siya kung minsan pero naiintindihan ko naman .

Kumalat naren ang issue sa pagitan namen ni Ynna . Wala naring tigil ang pang-aasar samen ng mga kaklase lalo na sa tuwing sabay - sabay kaming sumakay sa jeep tuwing uwian . 

" Guys , ganto ahh . dapat mahuling sumakay si Ynna at Cyrone tas siguraduhin nateng sila yung magkatabi ha ? Tapos saka natin siksikin . " instruct ni Chase na napakalakas naman .

Pero kahit narinig ko yun , okay lang naman . Gusto ko rin namang makatabi si Ynna . Dahil sa pagkakaibigan namen nahuhulog narin talaga ako sa kanya .

Sa ngayon , aminado akong higit na nga sa pagkakaibigan namin ni Ynna ang turing namen sa isa't - isa . Pero wala pa naman sa plano ko ang ligawan siya .

Ayoko munang magmadali . Ayoko nang maulit ang nangyari noon . Ayoko nang magsisi ulit .

INLABABO UNIVERSITY <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon