Ang Munti Naming Klase :)

143 6 0
                                    

" Im only up when you're not down ,

don't wanna fly if you're still on the ground .

It's like no matter what I do .

You drive me crazy half the time ,

the other half I'm only trying to let you know that what I feel is true .

I'm only me when I'm with you "

"Aaaarrrggghhh" sabay patay ko sa cellphone kong kanina pa nagaalarm .Sanay akong gumigiseng ng maaga pero hirap na hirap akong bumangon ngayon kahit tanghali na . 

Exam namen ngayon sa school kaya maswerteng half-day lang ang pasok . Yeah , whole-day ang regular ng pasok namen . Saya diba ? -__-

Bago pa ako makatulog ulet , bumangon nako . Kumaen.naligo at nag-ayos narin ako para maiwasang malate .

" Ellai , ayusen mo ang exam mo ahh " bilin ni mama bago ako umalis . Ayan nnaman si mama sa 'ayusen' na yan kahit ang meaning naman nun ay 'taasan'. PRESSURE nenemen :3

Umalis nako ng bahay bago magpatuloy ang mama ko sa talumpati nya tungkol sa pag-aaral . Lagi nya naman kaseng sinasabe na kesyo ayaw nyang matulad kame sakanila ni papa . Pero kelangan pa bang imemorize yan ?

Dahil may kalayuan ang INLABABO UNIVERSITY mula sa bahay namen , kelangan ko pang sumakay ng jeep para makarating don . Kung iniisip nyong private school ang pinapasukan ko , pwes nagkakamali kayo !

Sumakay nako ng jeep at tumunganga muna habang tinatahak ko ang traffic sa kalsada . Para di sayang sa oras , hayaan nyo muna kong magpakilala sainyo hanggang sa makarating ang jeep nato sa school .

I'm Ellaiza Marie Salazar , 3rd year high school student ng INLABABO UNIVERSITY . As I've said earlier , public school lang ang pinapasukan ko .Pero ibahin nyo ito sa ibang high school .

Maliban sa mas mahabang class hours, mas marami rin ang subject na tinetake namen . Dahilan kung bakit kailangan naming magpalakihan ng eyebags at magparamihan ng hikab tuwing klase .

Binubuo ang klase namin ng iba't-ibang personalities . Nakapagtataka nga kung pano kame nagkasundo sa ganong lagay . Makikilala nyo ang mga taong tinutukoy ko sa pagpapatuloy nyo sa storyang ito :)

Mamaya ko nalang sila ipapakilala sainyo bago pa tuluyang lumampas ang jeep nato sa destinasyon ko :)

~~~

Pagpasok ko sa classroom, marami'rami naren ang classmate kong nakapasok .Ang alam ko exam ngayon pero mukhang mas nageenjoy silang magpakabusy sa ibang bagay .

May grupo ng mga girls na walang kasawa'sawang pagusapan kung gaano sila nagkakandarapa sa ONE DIRECTION at CHICSER .Sila yung mga taong inuubos ang oras nila para alamin ang bawat detalye ng pangaraw-araw ng mga idolo nila .

Kaya kung may negative comments ka tungkol sa 1D&Chicser, Lumayo-layo ka na !

Kung may girl group , syempre may boy group den . 

Hindi rin papahuli ang mga grupo ng mga kalalakihang hindi na nagkaroon ng ibang topic maliban sa DOTA ! Sila yung madalas na walang maipasang requirements kinabukasan . 

Kaya kung ayaw mong makarineg ng mga terms tulad ng GONDAR at FIRSTBLOOD , pwes oras na para maghanap ka ng ibang makakaibigan .

Meron din namang grupo ng mga kababaihang laging topic ang mga classmates namin . Pag nakasama mo sila , dun mo malalaman ang mga baho at sikreto ng mga tropa mo . Sa madaling salita , sila yung mga CHIS-- ahh basta kayo na ang humusga !

Pero kung meron mang dapat na iwasan, yun ang grupo ng mga LAKAS'TRIP. Sila kase yung paniguradong sisira ng mga maliligaya mong araw para sakanila naman yung mabuo. Dito rin nabibilang ang mga pangunahing suspek ng pagpapaiyak ng mga iyakin sa klase .

Abnormal man ang komposisyon ng klase namin, ehh wala kameng magagawa yan ang gulong ng buhay eh !

KEME LANG SYEMPRE ! Sasaya ba naman ang klase kung wala sila ?

~~~                                            

INLABABO UNIVERSITY <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon