I Just Thought... ♥(one shot)

1.5K 46 29
                                    




Ako nga pala si Paula.


Kasama ko nga pala ang kabarkada kong si Ate Mae para sa ipinadalang gamit ni Tito Eduardo at dalhin sa isang meeting place sa Makati.


I'm really excited talaga para makausap ang tito. At kasama nito si Mama.


Nagmamadali na kami ni Ate Mae.


Habang nasa kalye, may nakita akong isang napakagwapong lalaki na katapat ko sa daan. Pero nasa kabilang side siya ng kalye. Nagtataka ako nang biglang sumagi ang napakaamo nitong mga mata sa akin.


At ilang saglit pa'y ngumiti ito. Nakangiti ito sa akin.


"Gosh. Sis. Mukhang mababaliw na yata ako."


"Bakit naman ate? Buti nalaman muh ng maaga..hihi." -ako.


"Che! May gwapo. Oh gosh. Is this heaven? Ang ganda ko!" -Ate Mae


Ang kapal ng mukha ni Ate Mae. Akala naman niya na siya ang tinitingnan eh hindi naman. Ako yata!


"Ako ang tinititigan niya no! Baliw!"


"Uisstt...'wag ka ngang maingay. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao eh."


"Ang gwapo. Ang puti. Ang tangos ng ilong. Ang lalalim ng mga mata..."


"Shhh....Tumahimik ka nga! natutunaw na ko eh."


At hindi ko pa rin tinigilan ang pagtitig sa lalaki. Nakangiti pa rin ito sa akin. Mukha yatang tinamaan na ito sa kamandag ko. Ang ganda-ganda ko talaga.


Mas lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ko.


"Hindi ko maintindihan. Is this the crazy litle thing called love?"


"HUH?? ANONG pinagsasasabi mo diyan Paula?"


"Gosh!" napansin kong papalapit nang papalapit ito sa akin. Kinabahan ako. Nanghina bigla ang mga tuhod ko. Totoo ba ito? At nakangiti pa rin ito. At sigurado na talaga akong sa akin siya nakatingin.


Kinalabit ako ni Ate Mae. Mukhang mahihimatay na rin ito sa mga nangyayari. Ang gwapo talaga. At bigla nalang akong kinilabutan nang humigpit ang katawan ko. Gosh!


Niyayakap niya ako!


"Tayo na." at nagsitayuan ang mga balahibo ko nang marinig iyon. Pipigilan ko sana siya. Kaso, chance na 'to!


"Sis..." narinig niya ang bulong ni Ate Mae. Nagpaalam na ako rito. Mukha namang naiintindihan niya ang sinenyas ko.


Mga ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa isang lugar na para sa akin ay isang date. I'm just like a princess. at heto na kami sa isang napakagandang restaurant na napupuno ng mga bulaklak. Ang table na iyon ay napupuno ng mga kandila at kasabay pa ng nakakainlove na tunog ng violin.


Kumain kami.


Nagkakwentuhan. But, is this just a dream? Hindi totoo na 'to. He is the guy. The guy who will grow old with me.


Ilang saglit pa.


Tumayo ito at hinawakan ang kamay ko. Inalalayan niya ako. "Bakit?"


"Hindi mo lang alam kung gaano kita kagustong kausapin. You're like an angel."


Niyakap niya ako. Wait. Kami na yata ah.


Pero sandali.


"Edward!" isang boses ang narinig ko mula sa likuran. Ang gwapo ng pangalan. I feel like I'm Bella na talaga. Natigil ang sweet moments namin nang lumingon ito.


Lumingon na rin ako. Pero paglingon ko, laking gulat ko nang makita si Mama. Nakatingin ito sa akin.


"Oh ano? Nagkausap na ba kayo?" -Mama.


"Ha? Ma, bakit ka nandito?"


"Pupuntahan kayo ng tito mo." -Mama.


"Sinong tito? Ma? Nandito na si Tito?"- lumingon-lingon ako sa paligid. Ngumiti ako kasi makikita ko na si Tito.


"Eh sino pala 'yang nasa harapan mo? Siya ang tito Eduardo mo! Ang tito mo na lagi mong ka-chat sa facebook.. 30 palang 'yan at excited ka na talagang makita. Mahal na mahal ka niyan, balak ka pa ngang ampunin niyan 'nung sanggol ka pa eh."-Mama.


"Ha?" napalingon ako sa taong kayakap ko lang kanina. Teka, siya ba ang sinasabi ni Mama na tito ko?


"Hi Sweetie! Ang cute-cute talaga ng pamangkin ko!" pinisil niya ang mga pisngi ko.


So, ang mga nangyari kanina, pang-tito-pamangkin lang 'yon?


"Kiss your Tito!" -sila.


"Tito?" -ako. Gusto ko na yatang mahimatay.




~~...>_< ...BASAG...>_<...~~


I Just Thought... ♥(one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon