Chapter 9:Choco what?

3.2K 62 0
                                    


Camille pov

Hay salamat! Tapos narin ang trabaho.

Palabas na ako ng RestoBar ng biglang may humawak sa braso ko.

" Rome ikaw pala, bakit?"tanong ko.

" Sabay na tayong umuwi"nakasmile niyang sabi.

" Sige ba"

" Sabay din kami!!"

Pagtingin ko sila Maxi, Yna, Brenda at Alicia.

" Sige tara na!"masaya kong sabi.

The more the merrier!

" Kaasar"

Napatingin ako kay Rome ng bumulong siya.

" Ano chocolate? "tanong ko sakanya.

" Wala chocolate, tara lakad na tayo"sabi niya ng nakangiti saakin.

" ehem, walang forever"sabi ni Maxi habang naglalakad kami.

" Ang chaka mong bakla"sagot ko sakanya kaya naman napatawa sila.

"Edi ikaw ng maganda"maldita niyang sabi.

Ngumiti naman ako ng pagka tamis tamis.

" Alam ko na un, matagal na since birth pa"nakasmile kong sabi.

Totoo namang alam kong maganda ako simula ng bata pa ako eh.

" K whatever"simpleng sagot ni Maxi sabay irap saakin.

" Hahaha! Talbog ka no Maximo"tumatawang asar ni Yna kay Maxi.

"Shatap!"sigaw ni Maxi kay Yna, napatawa naman kami sa pag aalburoto ni Maxi.

Ayaw na ayaw niya kasing tinatawag siya sa totoo niyang pangalan, ang bantot daw kasi ng Maximo.

"Pfft! Ahahaha Galit na si Maximo"pang aasar lalo ni Yna.

" Naku Yna tigilan moko baka majombag kita jan"pikon na sabi ni Maxi.

" Ahahaha tumigil kana Yna baka hindi kana sikatan ng araw sige ka"pananakot ni Alicia kay Yna.

" Hahaha!! Edi wow"sagot ni Yna at ngumisi kay Maxi.

" Maximo David"dugtong ni Yna.

" Letche ka Yna Pena!!"sigaw ni Maxi at binato si Yna ng Bag niya.

Tawa lang naman kami ng tawa sa kalokohan nilang dalwa.

Naku! Hindi lilipas ang araw na hindi sila nag aasaran, kumbaga aso't pusa sila, kaya di na ako magtataka kung isang araw lalaki na si Maxi at si Yna pa ang makatuluyan niya.

I'm Married to a Scary Mafia BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon