Chapter 29

1.4K 50 23
                                    


Camille Pov

" You've brought a bitch" wika nung tita ni Kurt habang nakatingin saakin.

"But It wasn't Spencer who brought you here Untie"

Lahat kami napatingin sa bagong dating.

Ang ganda niya. Isang babaeng sexy at maputi tapos ang ganda niyang manamit ung dumating. Lumapit siya kay Kurt at humalik sa pisngi.

Napataas ang kilay ko habang nakatingin dun sa magandang babae. Sino kaya ito? Bakit nanghahalik?

"Lieann" mahina ngunit seryosong wika ni Kurt.

"How have you been brother?" nakangiti wika niya.

"Good"simpleng sagot ni Kurt at hinawakan ang kamay ko mula sa ilalim ng mesa.

Napatingin saakin ung magandang babae at lalong lumawak ang ngiti niya at lumapit saakin.

"I'm Katharina Lieann. Younger sister of Spencer" nakangiti niyang wika habang nakalahad ang kamay.

"You should translate it. She can't understand you. Poor woman" nakangising wika nung Uncle Geo.

Nakita kong sumama ang tingin ni Katharina dun sa Uncle Geo bago binalik ang tingin saakin na ngayon ay nakangiting muli.

Inalis ko ang hawak ni Kurt sa kamay ko at tumayo. Nakangiti kong hinarap ung magandang babae .

"Hi! I'm Camille Dawson. You're older brother's wife"nakangiti kong wika at tinanggap ang kamay niya.

Nagulat ako ng bigla siyang tumawa ng malakas at niyakap ako.

"Oh god! I like you!!"malakas niyang wika habang tumatawa parin.

Pagkalas niya sa yakap ay nakataas ang kilay niyang tinignan sila Uncle Geo.

"You're saying something Uncle?"nakangisi niyang tanong kay Uncle Geo na wala ng kangiti ngiti sa mga labi at nakakunot ang noo.

"pfttt hahahaha!" nagulat ako sa malakas na tawa ni Draco habang nakatitig saakin.

"Sit down"mahinang wika Kurt. Umupo si Katharina sa isang available pang seat sa table namin. Okay! Ang tahimik.

"You surprise me"nakangiting wika ni Draco habang nakatitig saakin.

Tinignan ko siya pabalik ng hindi kumukurap. Ngumiti ako bilang sagot sa sinabi niya.

Siya ang umiwas ng tingin at nakipag usap dun sa uncle Geo.

"Bathroom"bulong ko kay Kurt.

"Lavender" seryosong wika ni Kurt.

"Yes my lord" magalang na sagot ni Lavender at tumayo. Nakangiti at nahihiya akong tumayo.

"Hey where are you going?" nakangiting tanong ni Katharina.

"Bathroom"simpleng sagot ni Lavender at Nagbow kay Katharina.

Kumaway naman ako kay Katharina na ikinatawa niya. Agad akong sumunod kay Lavender ng lumakad na siya paalis.

Lavender Pov

I got so scared when Milady Katharina came.

She is a woman that is very hard to please.

She is indeed Spencer's biological younger sister. They have that superior aura around them.

Napatigil ako at nilingon si Camille na nakasunod saakin habang nagtitingin kung saan saan. Nagulat ako sa ginawa niya kanina. They insulted her knowing that she can't understand english. When in fact she really can understand and communicate using the universal language fluently. Nakakashock. Hindi siya pumatol sa mga insultong sinabi nila sakaniya pero nagawa niyang sumagot ng magpakita ng totoong ngiti si Milady Katharina At malaman niyang kapatid ito ni Spencer.

Napatigil si Camille sa paglalakad at napatingin saakin.

"Weird" mahina niyang wika. Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang magkabilang braso niya.

"Anong problema?" nagtataka kong tanong.

"Ha? Wala hehe" nakangiti niyang wika.

"Naiihi na ako" mahina niyang sabi kaya naman napangiti ako. She's so innocent to be here.

Hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa restroom sa second floor.

"Dito lang ako" wika ko. Tumango naman siya at nagmamadaling pumasok.

Umupo ako sa couch na malapit sa Bathroom. Bale nakatalikod ako sa door ng Bathroom. Kinuha ko sandali ang phone ko at sinilip ito.

Camille Pov

Naglalakad palang kami ni Lavender papuntang bathroom ng may maramdaman ako na parang may mali hindi ko lang alam kung ano yun.

Pagdating sa bathroom agad akong pumasok kasi ihing ihi na talaga ako. Na tango nalang ang naging sagot ko kay Lavender Impakta.

Agad akong umihi at ng matapos ay nagpunta ako sa sink upang maghugas ng kamay. Natigilan ako ng may makita akong nakasulat sa salamin na kulay pula. Lipstick?

' There is something hiding in the dark. Is it the PRESENT or the PAST? '

Ha? Ano daw? Nakabig letter pa talaga ung present and past. Laro ba to? Ano kayang price ? Hehe.

Muntik na akong mapasigaw ng biglang mamatay ang ilaw. Napahawak ako ng madiin sa sink at naiiyak na napaupo sa sahig.

Natatakot ako. May brown-out ba? Bakit ngayon pa? Hindi ako takot sa dilim. Ang kinatatakot ko is kung ano ung nasa dilim.

"Kurt" naiiyak kong wika. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa gilid ko at ang footstep ng taong pumasok. Paano niya nabuksan ung pinto eh nilock ko yun ng pumasok ako.

Madilim din sa labas means brown out nga talaga. Nasaan si Lavender Impakta?

"death" napatingin ako sa likod ko ng marinig ko yung bulong. Dahan dahan kong inalis ang kapit ko sa sink at niyakap ang sarili ko.

"Blood" malamig na bulong muli mula sa likod ko. Napapikit ako at pinigilan ang sariling mapasigaw at mapaiyak sa takot. May multo ata dito!!!

Napatigil ako sa panginginig ng may maramdaman akong tumayo sa harap ko at may malamig na bagay ang nakatutok sa ulo ko.

Ano yun? Yelo?

" The world will be drown ..... By blood"

Napapikit ako ng madiin at napapikit. Natatakot ako. May multo dito sa bathroom.

"Interesting" bulong ng isang malamig na boses ng lalaki mula sa aking harapan.

"Sino ka? Hindi ka naman multo diba?" Mahina kong tanong habang dahan dahang minumulat ang aking mga nakapikit na mata.

Narinig ko ang malamig at mahina niyang pagtawa.

"No I am not" sagot niya.

"Hay salamat!" Nakahinga ng maluwag kong wika.

"But I will make you one of them"wika ng tinig nung lalaki.

"Eh pwede ba yun?" nagtataka kong tanong. Ramdam ko parin ang malamig na bagay na nakatutok sa ulo ko.

"Wanna try?" mahina at malamig niyang wika .

Narinig ko na parang may ginawa siya dun sa bagay na nakatutok sa ulo ko.

"Past or present?" tanong ng boses ng lalaki muli.

Hindi na ako nakasagot ng biglang parang gumaan ang lahat. Ang huling narinig ko ay ang tunog ng pagputok ng baril at tuluyan na akong nawalan ng malay.

****

Hello!😊

I'm Married to a Scary Mafia BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon