*Camille Pov*"Bat di kita makontact?" tanong ni Marie habang nakabusangot saakin.
"wala akong cellphone" busangot kong sagot.
"Ha? bakit nasan ung Cellphone mong mumurahin?" takang tanong niya.
"Kinuha ni Halimaw" busangot kong sagot.
"Sinong Halimaw? ung sa beauty and the beast ba?"
"Tanga! ikaw si beast diba naghahanap ka pa ng kalahi mo" pang aasar ko.
"Gaga! at ano ikaw si beauty kapal mo" pang aasar din niya.
"oo ano angal ka! patapon kita sa bermuda triangle eh"
Nagpout pa siya akala mo naman bagay niya, eh mukha naman siyang pato.
"Pangit mo"
"Gaga! Sino bang halimaw ang tinutuloy mo?"
Pang iba niya ng usapan.
"Edi ikaw joke, Si Spencer Kurt nga, kulit sinabi kona kanina eh"
simple kong sagot habang kumakagat sa bananaque na binili ni nanay Sa labasan.
"si kuyang pogi? paano naging halimaw un, bulag ka talaga no"
Umiiling niyang sabi.
"Gaga! Halimaw naman talaga yun eh hindi mo lang alam"
Sagot ko at nagpatuloy sa pagkain Sa bananaqueng hawak ko.
"Sinasaktan ka ba?"
"Hindi naman"
"eh bakit halimaw tawag mo sakanya?"
Tanong niya at pinakatitigan ako.
Oo nga no bakit nga ba halimaw tawag ko sakanya? wala nman siyang ginagawa kundi ang ikulong lang ako sa kulungan este sa mansyon niya.
"Wala lang, kalimutan mo na nga lang ung sinabi ko samahan mo nalang akong pumunta sa Switney Restobar"
Sabi ko pagkaubos ko sa bananaque at agad na uminom ng tubig.
"Bihis lang ako"
Sabi niya at tumayo.
"Bakit nakahubad kaba?"
"Gaga! Magpapalit ako ng damit kasi mukha akong dukha sa suot ko"
Sabi niya with roll eyes pa, akala mo naman kinaganda niya.
"Mukha ka namang dukha kahit magpalit ka pa eh"
Nakapout kong sabi kaya naman tinignan niya ako ng masama .
"Chaka mo! magbihis kana dalian mo. Bago ko pa maisipan na palakarin ka palabas ng nakahubad"
Nakangisi kong sabi kaya naman nagmamadali siyang pumasok ng kwarto.
"Sama talaga ng ugali mo!!" sigaw niya mula sa kwarto.
"Gusto mong makita kung ano ang totoong masama ang ugali Marie"
May banta kong sabi kaya hindi na siya sumagot pa.
Paglabas niya ay agad na akong tumayo at pumunta ng kusina
"Nay alis na po muna kami ni Marie" paalam ko at yumakap kay nanay Celia.
BINABASA MO ANG
I'm Married to a Scary Mafia Beast
ActionCamille Ayala isang babaeng reketera ng Manila, tindera ng isda sa palengke tuwing umaga at waitress naman sa gabi... Spencer Kurt Dawson isang lalaking kinatatakutan ng sangkatauhan, misteryoso sa mundo at isang pinuno ng mga Mafia... Paano kung ma...