For those who saw their self worth and for those who gave way for the "friend"X
—————————————————Pinakawalan kita,
hindi dahil ako'y nagsawa naPinakawalan kita,
'di dahil kalinga ko'y wala na
Pinakawalan kita,
dahil kailangan mo nang maging
masayaSinabi mo "Babe, kaibigan ko lang siya",
pero kitang-kita sa pagkislap ng iyong mga mata,
May iba naPilit na tinago ang inggit,
sa iyong pangako ako'y kumapit
Kinumbinsi ang sarili,
na walang masamang mangyayariPinilit ko itago ang selos ko,
sa tuwing nakikita kong magkasama kayo
Pero nung nakita ko ang inyong matamis na pagtitinginan,
Alam ko na kayo na ay nag-iibiganNiloloko mo lang ako,
kung sasabihin mong mahal mo pa ako
Mahal kita,
kaya itigil na natin ito, sinta
Pinili kong pakawalan ka,
kesa kumapit pa
Pinili kong lisanin ka,
kesa ipaglaban ka
Pinili kong iwanan ka,
para bigyan kayo ng tyansa
Pinili ko ang sarili ko,
kesa malunod sa ilusyong
"Tayo"
Pinili kong makita,
ang aking halaga
BINABASA MO ANG
Words Left Unsaid
Poetry"Different Poems, Different Stories" *Pictures from Pinterest*