Pansamantalang Ligaya

31 6 0
                                    

For those who got "fooled"
X
-----------------

Kailan?
hanggang kailan ako aasa,
na ika'y muli kong mahalikan,
na ako'y mahal mo pa,
na ika'y muling mahagkan,
teka nga,
minahal mo nga ba talaga?

Kung tatanungin kung ako'y susuko na,
ang sasabihin ko lang ay "Kakayanin para sa'yo sinta,"
Kahit sabihan mo na ako'y isang tanga,
dahil ako 'tong nagmamakaawa,
tatanggapin ko kahit anong pasakit ang ipadama,
pagka't mahal kita

Lahat ay gagawin ko,
masalba lang ang relasyong 'to
Lahat ay gagawin ko,
bumalik lang tayo sa dating tayo

Naakit sa iyong mapupungay na mga mata,
nahulog sa iyong charismang dala,
nagpauto sa iyong mga salita

Akala ko ikaw na,
na ikaw na ang nakatadhana,
pero mali naman pala,
pagka't landian lang ang hanap mo sinta

Ika'y naghanap ng pampainit sa iyong gabi,
kaya ako'y namalagi sa iyong tabi,
akala ko ika'y nagbago na,
na natutunan mo ng mahalin ako,
katulad ng pagmamahal ko sayo,
pero ang hanap mo lang pala,
ay pansamantalang ligaya

Words Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon