Friendzoned

71 8 6
                                    

For those who experienced the "Parang Meron" feels

X

—————————————————
Ano ba talaga?
Mahal mo ba,
o sweet ka lang talaga?

Ako 'tong si tanga,
bigla-bigla nalang umaasa
Isipin mo man na akoy' feelingera,
pero nagmamahal lang naman ako, diba?

Nahumaling sa iyong mapupungay na mga mata,
Kinikilig sa'yong paghawak ng aking kamay,
Nahuhulog sa iyong matatamis na salita,
Pag-ibig ko maari kong ialay

Pero nabigo ako,
nakilala ko ang totoong nagmamay-ari sayo,
Ako'y ipinakilala mo bilang bestfriend mo
Naalala ko hanggang dun lang pala tayo

Nagkunyaring masaya,
hindi sinabi na mahal kita
Umalis ako bigla,
natatakot sa nagbabadyang mga luha

Isinisi lahat sa mga kumikinang na tala,
Tinanong kung bakit ang puso'y napakatanga,
Ako'y hindi nanigurado,
kung ano ba talaga tayo

Mahal kita,
kaya'y lalayo nalang ako sinta,
Isusuko ko na ang armas ko,
sa labang alam ko ako ang talo

Words Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon