" Reason "
" If you still love that person,
Do everything to get her/him back . . . "*****
Dred's TOV
Dahil gumulo sa isip ko ang bagay na sinabi ng secretary ko.
Napagpasyahan kong paimbistegahan si Leah.
Oo Leah ang pangalan ng babaeng hanggang ngayon. Mahal na mahal na mahal na mahal ko pa rin.
Iniwan ko sya noon ng mag-isang lumalaban. Iniwan ko sya ng hindi nagpapaalam at Iniwan ko sya hindi dahil sa hindi ko na sya mahal kundi dahil kailangan.
Naaksidente kami noon dahil sa kagustuhan naming tumakas mula sa mga magulang nya.
Ayaw kasi nilang pumayag na magpakasal kami. Oo hindi ako tanggap ng family ni Leah.
Well nung una OO. Pero magmula ng mamatay ang Dad ko. Dun na sila nagsimula na laging tumututol.
Twing lalabas kami ni Leah laging limitado pati pagkikita namin laging may oras.
Bawat ginagawa namin dapat alam nila.
Dalawa lang naman ang nakikita kong dahilan kung bakit sila biglang nagkaganun e.
Una, dahil sa nalaman nila ang sakit ko.
Pangalawa ay dahil nalulugi na ang company namin.
Pero hindi alintana sa akin kung gusto O ayaw nila sakin dahil si Leah naman ang pakikisamahan ko. Si Leah naman ang mahal ko.
Kaya nga nagpropose ako. Para patunayan na karapat-dapat ako sa anak nila kaso hindi sila pumayag. At gusto na nila kaming maghiwalay.
Hindi namin gusto ni Leah yun kaya nagdesisyon kaming magtanan at nangyare nga ang dahilan ng paghihiwalay namin.
Hindi na ko nagpakita sa kanya after namin maaksidente dahil sinisisi ko din ang sarili ko. Pero hindi lang yun.
Wala din akong magawa dahil kung hindi ako lalayo o kung hindi ko sya iiwan. Ipapakulong ako ng mga magulang nya.
Syempre sinisisi nila ko sa nangyare sa anak nila.
Nacomatose kasi si Leah habang ako galos lang ang natamo.
Halos bugbugin ako sa galit ng papa nya at pagsalitaan ng masasakit ng mama nya.
Hindi ko makakalimutan yung sinabi ng mama nya.
" Bakit nabuhay ka pa? "
" Umalis ka na dito! Huwag na huwag ka ng magpapakita samin. Kung hindi. Ipapakulong kita kasabay ng pagbaksak ng company nyo. "
" Mangako ka! "
" Huwag mo ko subukan dred! Alam mo kung ano ang kaya kong gawin! "
" Kaya umalis ka na sa buhay namin. Sa buhay ng anak ko tutal muntik na syang mawala dahil sayo! "
" ALIS! UMALIS KA NA! "
Hindi ako basta umalis. Nagawa ko pang magmakaawa pero wala. Hindi tumalab.
Isa pa, iniisip ko yung company at si mom. Ang company na lang ang nag-iisang ala-ala kay dad. Hindi pwedeng mawala yun.
Kaya pinili kong lumayo at magsikap. Dahil ipinangako ko sa sarili ko na babalikan ko sya.
At ngayon, handa na ko. Handa na ko sa pwedeng mangyare.Handa na kong harapin sya o sila dahil kahit ipakulong nila ko kaya ko ng magpiyansa.
Kaya ko na syang ipaglaban!
Pero ang tanong . . .
..
.
.
.
Kailangan nya pa ba ko?At
MAHAL NYA PA BA KO?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
To be continue . . .
YOU ARE READING
I Still Love You
RomanceThis story is about LOVE that has a boundaries. LOVE that couldn't forget after so many years. LOVE that ends because of just one mistake. and LOVE that fooled them to be apart. Would they say " I STILL LOVE YOU " when their LOVE finally went throu...