Chapter 1

3 0 0
                                    

                  Harlene Enriquez

                                ***
"Alam mo kung sino yung tanga? Oo ako yun. Ang tanga ko kasi hindi ko alam na lahat pala ng ipinapakita mo sakin ay peke. Hindi totoo. Ang galing mong umacting. Ano best actor ka na ba?"

Naririndi ako sa bunganga ng isa kong classmate dito sa room habang dakdak ng dakdak.Mga sira talaga, Nagawa pang kunan ng video.

Aga-aga eh.

Oh,taray ni ateng. With matching emotions and hand gestures pa. So sino ang artista sa tingin nyo? Sya o yung lalaking tinutukoy nya?

"Pero salamat narin dahil sayo alam kong nagmahal ako ng tunay kasi nasaktan ako. Alam mo ba? Ang hirap—"

"Shut up."

Ngayon nasa akin naman ang atensyon. Nice Harlene panibagong gulo na naman ang kakaharapin mo ngayon.

"Hoy Nerdy Queen panira ka talaga. Kita mong nag-eemote ako dito eh tapos bigla kang sisigaw ng SHUT UP."

"Eh sa nakakarindi yang bunganga mo. Pati tuloy laway mo tumatalsik na. Kung gusto mong mag-emote aba huwag dito. Dun ka sa lugar kung saan nararapat ang mga bitter na katulad mo."

"You're really a bitch,huh!"

"oh yes I am."I said

"Arggghh. Bwisit ka"

Umalis na si Girl pagkatapos nyang mabwisit sakin. Palaban ata to.

"Harlene,our nerdy queen what happen?" Tanong sakin ng isa kong alagad este isang member sa club namin. Ang Nerdy Club.

"Uh. Don't worry about me. I'm fine.Btw nasabihan nyo naba yung ibang member ng club na bukas ay meeting tayo para sa donation ng mga  books next week."

Magkakaroon kami ng Book donation next week. Yan ang inasign na project sa club namin.

"Yes Harlene. Nasabi ko ng kailangan ay 4:30 nasa club room na ang lahat ng members."Dana said. Sya ang Vice President ng club. Ako naman ang President pero ang tawag nila sakin ay Nerdy Queen.

"Thanks."

Umalis na si Dana kaya tahimik na naman ako dito sa upuan.

I am Harlene Enriquez the Nerdy Queen. Gaya ng nasabi ko kanina meron kaming club kung saan nagsama-sama ang mga Nerd. Pero iba kaming mga nerd sa campus na to.

Hindi kami yung tahimik pero medyo lang. Gets nyo? Syempre mahilig kami sa mga libro. Ang itsura namin? Sige na May malaki kaming salamin,nakabrace,pero yung buhok namin hindi naman buhaghag  yung iba lang, tapos yung uniform namin hindi naman ganun kahaba.

Nasa school kaya kami ng mga mayayaman. At ito pa, hindi kami scholar dahil mayayaman din kami.

Ang mga member din ng Nerdy club ay hindi mahina. Palaban din kami.

Minsan nararanasan namin ang ma api. Kesyo bakit daw kasi may club para sa mga nerd eh hindi naman daw yun dapat sa campus.Chuba chuba blah blah blah.

Dumating narin ang  first teacher namin ngayong afternoon class.

"Good Morning Class."

"Good Morning Maam Reyes."

"Ok please take your seat."

Our subject for this time is AP or Araling Panlipunan. I don't know why are the other person did'nt like this subject. Ano bang meron sa AP at sinasabi nilang ang boring.

The Nerdy QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon