Naglalakad ako ngayon kasabay si Fiel.
Nang malapit na ako sa school nagtaka ako kung bakit hanggang ngayon kasunod ko pa rin si Nerd.
"Teka nga lang. Sinusundan mo ba ako?"tanong ko.
"Huh? Ikaw? Susundan ko? Hindi ba pwedeng dito din yung daan papunta sa room ko?"
Haba nun ah. Tinatanong ko lang naman kung bakit ako sinusundan eh.
"Eh ano bang grade at section mo?"Tanong ko na naman.
"Grade 12 Section Newton."sabi nya habang nakangiti.
Eh? Pano yun? Hahaha. Korni. Peri teka? Grade 12 section Newton??! Edi classmate ko pala sya.
"Ganun ba? Hehe. Tara na pala. Classmate pala tayo eh. Hehe"sabi ko habang natatawa. Okayy?? pahiya ako nun eh.
"Sige"
Naglakad na muli kami.
Nasa harap na kami ng pinto ng humarap ulit ako sa kanya.
"Kung dito rin yung section mo. Bakit walang pinakilalang transferee kaninang morning class?"curious ako eh.
"Ah hehe kasi late akong nagising kanina eh. First day ko pa naman pero late. Hayss"sabi nya habang nagkakamoy ng ulo. May kuto kaba pre?
"Ah. Kaya pala"tipid kong sagot.
"Ahmmm Ms. Enriquez and Mr. Morales?"
Natuon ang atensyon namin ni Fiel sa tumawag samin.
Ooppss. Nakatingin na pala sila samin.
"Oh. Bakit ngayon afternoon class ka lang pumasok Mr. Morales? Go back to your sit Ms. Enriquez and Mr. Morales please introduce yourself here."
Tinapik ko si Fiel bago ako pumunta sa upuan ko.
"GoodLuck"pampalakas-loob kong sabi na ginantihan nya ng ngiti.
"Good Afternoon. I'm Fiel Morales . Nice to meet you."
Napansin naman ni Sir na hindi na nagsalita si Fiel kaya pinaupi nya na to sa likod ko.
Hoy! Hindi yung mismong likod ko ah. Kundi sa likod ng inuupuan ko. Hahaha Sorna. Minsan may pagkaloka-loka talaga ako.
Habang naglalakad si Fiel nagsilabasan na naman ang mga echosera. Pwe!
Nubayan! Kala ko pa naman pogi yun pala Nerd lang.
Maganda ka te? Maganda?Tsk..
Right girl panigurado madadagdagan na naman ang kampon ni Nerdy Queen.
Putek! Bakit nadamay na naman pangalan ko?!!!
Imbes na pogi eh nerd ang dumarami. Like eww!Gosh
Gago kayo ah.!Sarap nyong sipain papuntang Sun.!! Para masunog na kayo mga impakta.!!!
Nakayuko nalang na umupo si Fiel. Malamang narinig nya yung mga pinagsasabi ng mga Aswang.
Haha!Don't worry Fiel. Akong bahala sayo!.
Nagsimula na ang klase kaya ito ako.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Queen
Teen FictionNahiligan ko lang magsulat ng Teen Fiction about sa mga Nerd. Wehehehez Please read my story. Arigato,gamsahamnida,Xiexie.Hehehez :)