Prologue

12.7K 143 2
                                    

Agad akong napatayo sa pagkakahiga nang may marinig akong napakaingay na tunog. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang pananakit ng buong katawan ko. Unti-unti ay inilibot ko ang aking paningin.

Doon ko lang napagtanto na wala ako sa aking kwarto. Inilibot ko ang paningin ko at nadako ito sa aking sarili. Agad kong hinitak ang kumot na bumabalot sa aking hubad na katawan. Hindi ko alam pero para akong namutla nang makita kong may bahid ito ng dugo.

Napapikit ako nang mariin at inalala ang mga nangyari kagabi. Damn. Ang sakit ng ulo ko. Nasaan ba ako?

"Gising ka na pala." Nadako ang tingin ko sa lalaking kakapasok lang sa kwarto na ito.

Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan siya. Tama! Nagkita nga pala kami sa bar and... Halos manlaki ang mata ko sa naaalala. I bit my lips when a sudden memory flash on my mind. We kissed! And in my memory, I initiated the kiss! Shit! I winced in pain when I felt my head throbbing. I really can't remember what exactly happened at all. And why I end up here, in bed, naked.

"Why am I here? Anong ginawa mo sa akin?!" Naiinis na saad ko at lalo pang binalot ang katawan ko ng kumot.

Nakita ko ang pagnguso niya, kasabay ng pag-iwas ng tingin.

"I-I'm sorry. Wala ako sa sarili. Lasing kasi ako."

Napapikit ako nang mariin. Damn it! I just gave my virginity to this jerk! Bakit ba puro na lang kamalasan ang nangyayari sa akin? Sa buhay ko?

"You know, what? I hate you! Umalis ka muna, please." Inis na usal ko. Tumango ito at agad na lumabas ng kwarto.

Napasapo na lang ako ng aking noo. Bakit ba kasi naglasing ako? Gusto kong maiyak dahil masyado akong naging pabaya. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Wala na. Hindi ko naman na maibabalik pa.

Dali-dali akong tumayo at kinuha ang damit ko na suot ko kagabi na maayos na ngayon na nakatupi. I feel sore down there, but I didn't mind. Mabilis akong nagbihis at nag-ayos ng mukha. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang mukha niya.

"I'm sorry," pambungad niya.

"Look, Ford, wala ka nang magagawa. Hindi naman na natin maibabalik. J-Just act as if nothing happened na lang. Aalis na ako." Naglakad na ako paalis doon, ngunit hindi pa man ako nakalalayo ay hinawakan na nito ang kamay ko. Agad akong napatingin doon.

"I'm sorry, Cleya. Hindi ko sinasadya." Hinarap ko siya at agad na binawi ang kamay ko.

"Look, Ford, it's not a big deal to me. So, please? Tigilan mo na ang kakahingi mo ng tawad na para bang ako pa ang nakakuha ng virginity mo."

Yumuko ito. Napailing na lang ako at naglakad na paalis doon.

"Virgin pa naman talaga ako." Napahinto ako sa pahabol niyang sinabi.

Imposible! Huwag kang maniniwala sa kaniya. Paawa effect. Sa itsura niyang 'yan? Fuckboy! Mukha lang siyang malakas na kumain, pero isa siyang malaking fuckboy!

Lumabas na ako sa unit niya. Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas ako. I'm really insane. Sa dinami-dami ng mabibigyan ko ng virginity, bakit ang lalaki pang iyon?

Napailing-iling na lang ako. Kung ano man ang nangyari rito, mananatiling dito na lang. Right, Cleya. Kaya dapat kalimutan mo na siya at kung ano mang nangyari nang gabing iyon.

--

"Cleya! Are you listening?" Nabaling ang tingin ko kay Atty. Lovel.

"I'm sorry, what again?" Napailing ito at agad na inayos ang suot niyang salamin.

"Ang sabi ko, hindi maisasalin sa pangalan mo ang kompanya hanggang hindi mo pa napapangasawa ang ipinagkasundo sa iyong tao ni Mr. Tao. Iyon ang nakasulat dito sa last will ng tatay mo." Napasimangot ako sa sinabi nito. Si Dad talaga, kahit kailan gusto akong pinahihirapan.

Once Upon A MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon