Chapter 1

6.2K 83 2
                                    


Taas noo akong naglakad papasok sa restaurant na pinag-usapan namin ni Ford. Nakangiting binati ako nang waiter.

"Any reservation, Ma'am?" tanong nito sa akin.

"May kasama ako. Naghihintay na siguro sa loob." Tumango ito at nilahad ang kamay niya papasok.

Hindi ko na ito pinansin at pumasok na. Inilibot ko ang paningin ko at hinanap ng aking mga mata si Ford. Itinaas niya ang kamay niya at nginitian ako. I mentally rolled my eyes at agad na lumapit sa kaniya.

"Good afternoon, kumain ka na? Wait lang." Hindi na niya ako hinintay na makapagsalita at itinaas ang kamay para makatawag ng waiter.

"Anong gusto mong kainin?"

Napalunok ako ng tiningnan niya ako. Hindi naman siya panget. Actually, mukha nga siyang may lahi. Saka sa pagkakaalam ko ay may ari sila ng isang sikat na magazine. Doon nga ata nagtrabaho si Suz kaya sila nagkakilala.

"Hey," pagtawag nito ng atensyon ko.

"Ha? What I mean what did you say?" I asked, spacing out.

"Ang sabi ko, ano bang gusto mong kainin?"

"Anything will do. Saka isa pa, hindi naman ako magtatagal." Hindi niya ako pinansin at nagsabi na ng o-order-in. Medyo nainis ako dahil hindi niya ako pinansin.

"Ford." Pagtawag ko ng pansin. Tumingin ito sa akin at niluwagan ang suot na necktie nito.

"Look, alam kong hindi ka pa nakakapag-move on sa kapatid ko. Saka isa pa, hindi ko naman pinagsisihan na nawala ang virginity ko. Kaya please lang, Ford. Tigilan mo na ako. Ayokong maging rebound girl mo or what you called it. Please, tigilan mo na ako." Sumimangot ito sa akin at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. Saglit akong napatingin doon, nagdadalawang isip kung babawiin ito o hindi.

"Who said na mahal ko pa si Jamie?" Umiling ako at binawi ko ang kamay ko sa kaniya. You're not a good liar, Ford.

"It's all written on your eyes, Ford. The way you look at her yesterday. You still love her, am I right?" I mockingly said. He sighed because of what I said.

"Listen, Cleya. What if I got you pregnant? We didn't use any protections that time. Are you even on pills?" Napaisip ako doon. Tama siya. Paano nga ba kung mabuntis ako? Wala kaming ginamit na kahit anong proteksyon.

I bit my lips as I felt my hands on my stomach. If that happens, what will I do?

"Saka isa pa, hindi ba kaya ka naglasing dahil kay Dale? Hindi ka pa nakaka-move on sa kaniya? Pwede naman siguro nating i-try, hindi ba? You can use me and I can use you. Please?"

Hindi ako nakapagsalita. He's right. Kahit sabihin ko pa sa sarili ko na hindi ko na mahal si Dale, hindi ko pa rin maipagkakaila. I still love him. His suggestion is tempting, but I will never use someone just to move on. That will just bring more problem instead.

"I'm not using pills, but I can assure you that I am not pregnant. One more thing, Ford. Ang love hindi 'yan pinipilit. Kusang dadating at mawawala 'yan. Siguro tama ka na hindi pa ako nakakapag-move on kay Dale, pero dadating din iyong panahon na makakalimutan ko siya at sana ikaw rin. Huwag kang manggamit ng ibang tao para makalimot."

Tumayo na ako at naglakad paalis doon. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang mga salitang iyon, pero tama naman ako. May tamang panahon para makapag-move on.

--

"Cleya, thank you talaga! Thank you!" Napangiwi ako nang yakapin ako ng mahigpit ni Jamie. Mahina ko siyang itinulak sa inis. Why is she hugging me suddenly? What's with this gal?

Once Upon A MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon