Chapter 3

3.9K 85 4
                                    


Tinupad nga talaga ni Ford ang sinabi niya. Dahil kinabukasan ng nakalabas na ako ay agad niya akong pinakasalan. Tanging sila Jamie at sila Stella lang ang bisita. Nagulat pa nga sila dahil hindi nila inaasahan ang mga pangyayari.

Nandito ako ngayon sa bahay ni Ford, no it's a mansion. Masyado itong malaki at kapag wala kang kasama ay baka maligaw ka. Nakakainis lang dahil napapayag  niya akong tumira dito. Napakayaman talaga nila Ford. Hindi na talaga ako magtataka.

“Ayos ka lang?" Nagulat ako nang biglang pumasok si Ford sa kwarto namin. Yup, you read it right? Our room. He decided to share room with me since just like what he said, it's normal because we're now married.

At maya't maya tuwing uuwi siya sa mansyon nila ay palagi niya akong kinakamusta. Hindi ko alam kung masyado ba talagang paranoid ang lalaki na ito o ano. Hindi naman ako magbibigti.

“I'm okay. Ilang beses mo na nga bang tinanong 'yan ngayong araw? Ah, tama! Limampung beses na." May pagkasarkastikong sabi ko.

“Cleya.." banta niya.

“Look, Ford. Please, huwag ka namang kasing masyadong overreacting. Hindi ako magbibigti or what, okay? Naiirita na talaga ako sa kakatanong mo. Hindi ako baldado, buntis ako." I stated with annoyance.

He then sighed.

“Cleya, you know I'm just concern." I sarcastically laugh. 

Masyado na kasing nakakainis. Tapos pinipigilan niya pa ako sa pagtatrabaho. Argh! Iyon na nga lang ang past time ko.

“Concern? Kung concern ka, edi sana hinayaan mo kong magtrabaho!" I shouted.

“Teka, paano naman napunta doon iyong usapan?!" Hinawakan niya ako sa braso ng tinalikuran ko siya. Inis ko siyang sininghalan at hinawi ang kamay niya.

“Don't touch me! Hangga't hindi ka pumapayag na magtrabaho ako ulit, huwag mo akong kakausapin! Get out of my sight!"

Dali-dali akong pumasok sa banyo at napasandal sa pintuan. Naiinis ako dahil pakiramdam ko ay wala na akong kwenta. Alam ko namang maselan ang pagbubuntis ko, pero kasi! Ah, basta!

Ang hirap ipaliwanag.

--

Napakamot ako ng ulo. Lumabas lang ako saglit sa kwarto namin, naka-lock na iyong pintuan. Hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ng babaeng 'yon. Aaminin ko medyo naiinis ako, pero wala akong magagawa. Hindi ko naman pwedeng sabayan ang galit niya. Tapos gusto niya pa talagang magtrabaho. Damn! I can't believe na napakasalan ko ang babaeng ito.

Oo, aaminin ko na napilitan ako dahil sa sitwasyon na 'to. I got Jamie's sister pregnant, at hindi ko naman kakayanin na hindi ito panagutan. At saka isa pa, walang kasalanan ang bata. Ayokong mapahamak siya.

“Cleya! Open the door!" I hissed, but no one answered.

I massage my temples, stopping myself from bursting into anger. Huminga ako ng malalim at saka kinuha iyong susi sa isa sa mga kasambahay.

Nang buksan ko na ito, dapat ay sesermunan ko siya ng makitang tulog ito. Napailing na lang ako at naglakad palapit sa kanya. Tss. Mukhang tulog na nga talaga.

Tinabihan ko ito at tinitigang maigi. May pagkakahawig sila ni Jamie. Iyon nga lang mas mukhang maamo ang mukha ni Jamie kaysa sa kanya.

I kissed her forehead at saka ito kinumutan.

“Sleep well, my wife." I whispered.

--

I opened my eyes when I felt something wrapped around my waist. Muntik na akong mapatalon sa gulat nang makita ko sa harapan ko si Ford. What the hell is he doing here?! And hugging me?

Once Upon A MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon