Chapter 1
August 9, 2001.
Tim Bolt's POV
"some rumors are spreading that Tak Dae Organization are planning to kill all of the children of famous Secret Agents from some well-known Organization to win the battle for the future..." binuksan ko ang TV kung saan balita ang bumungad sa akin. Hindi ako ganoon makafocus sa balita dahil nagc-concentrate ako sa inaayos kong weapon.
"Kailan ka ba maaayos!?!" Para na akong sira ulo dito -- tinatanong na yung ginagawa kong isang armas na tinatawag ngayong Laser Gun. Kanina pa kasi akong umaga nandito at ginagawa ito.
Ako lang naman ang mag-isa sa Secret Laboratory House. Kaya kahit anong gawin ko ay pwede. Tinanggal ko na ang gloves ko, oo naka gloves ako dahil masyadong mahalaga ang armas na ito. Tinanggal ko ang gloves ko dahil napagod na ako mag ayos at mag dikit ng kung anu-ano sa Laser Gun na 'to. Ilang beses ko na kasing inulit ulit buksan ang gamit na 'to pero wala pa ring nangyayari.
*Kring-Kring!*
Narinig kong may tumatawag sa telepono kaya't sinagot ko ito.
"Mr.Bolt, any update about the weapon?" Ilang segundo din akong di nakasagot sa tanong niya dahil wala pa naman talagang update sa weapon.
"...a-ayos na. Gumana na nga eh. Wala ng problema!" Sagot ko. By the way, si Mr. Leigwitz ang tumatawag sa'kin, isa sa pinaka mataas sa Piacular Secret Agent Organization.
"Good. Let's meet up tomorrow and ibigay mo na sa'kin ang weapon, okay?" Sabi niya sa kabilang linya ng telepono.
Lagot!
"M-Mr. Leigwitz, would you mind if next week ko nalang ibigay?" Tanong ko, pinagpapawisan na ako. 'Pano na 'to!? Baka patayin ako dito kapag sinabi ko ang totoo.
"Next week!? Masyadong matagal iyon, Mr. Tim." Marahan akong napapikit.
"W-what if in the day after tomorrow? Dalawang araw nalang, nagkaroon kasi ng kaunting problema dito sa Lab." Palusot ko. I just need some time. Matatapos ko din 'to. Tiwala lang.
"Okay, fine. 2 days, deal." at ibinaba na niya ang telepono. Nakahinga naman ako ng maluwag doon. Nainitan ako at kailangan ko ng hangin kaya naman binuksan ko ang mga bintana dito upang makapasok ang sariwang hangin galing sa labas.
Nagpahinga lang ako saglit sa upuan ko, ilang segundo palang ako nakakapag pahinga nang may marinig akong kumaluskos sa bintana. Dahan-dahan akong lumapit sa bintana upang tignan kung ano ang mayroon sa labas.
Nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong batang babaeng umiiyak. Agad naman akong lumabas upang lapitan siya.
"Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras, iha?" Hindi siya sumagot at patuloy pa din siya sa pag-iyak. Maliit lang siya, lumuhod ako hanggang mapantayan siya at upang makausap ng maayos. "Nasaan magulang mo?" tanong ko pero patuloy pa din ang pagiyak niya.
Akala ko nagiisa lang siya dito pero akala ko lang pala yun. "Ungaaaaa!" nagulat ako nang may narinig akong sanggol na umiiyak kaya agad kong hinanap kung saan nanggagaling ang pag ngawa na iyun.
Nahirapan akong hanapin ang sanggol kasi sabay silang umiiyak ng batang babae.
"Shh, tahan na. Tahan na. " saad ko sa bata habang hinahanap ang sanggol.
Hinanap ko ang sanggol sa bandang halaman at nakita ko siya sa isang malaking basket. Binuhat ko iyon, at tinitigan ng mabuti ang sanggol. Nagulat ako nang tumigil siya sa pag iyak.
BINABASA MO ANG
PIACULAR : The School of Secret Agents.
Боевик6 girls who grew up in the world full of agents will meet their ultimate challenge that will change their lives. How can they survive their mission outside of the Piacular? How can they survive the dealing of the people outside their world? We are...