This is an original story.
People, places or events that are similar to others are purely coincidental.
All of the matters written and shall be written are all fictional.
My Nineteen-Year-Old Daddy
Written by: CaraMariaUna
All Rights Reserved | 2012
***
Chapter 3 – Mommy's First Heartbreak
"HONEY?" sabi ni Drei habang lumalapit silang mag-ama sa babae. "Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba di ka na babalik dito? Ba't nandito ka ngayon?"
"Wala akong choice. Di ako kayang pag-aralin ni tatay. Kaya naisip ko na baka . . ."
Kinakabahan si Drei sa kung ano man ang sasabihin niya. Baka kasi kung anong kalokohan na naman ang naiisip nito.
"Baka ano?"
"Baka pwede akong maging working student?"
"Ano?"
Working student? Alam niyang graduate na siya. At kakasabi pa nga lang ng tiyuhin niya na maayos naman ang lahat kaya't nagtataka siya sa mga ikinikilos ng pinsan niya.
Oo, pinsan niya ang babaeng nasa tapat ng bahay nila. Honey Angelica ang pangalan nito ngunit ayaw niya sa Anne na ang ibig sabihin ay Angelica kung kaya't Honey ang tawag niya dito.
"Sige na kuya, ako ang maging yaya ng anak mong si –" Binaling naman ng babae ang attensyon niya sa bata at tinanung ito. "Ano nga pala pangalan mo baby?"
"Andy po."
"Pwede akong maging yaya ng anak mong si Andy kuya. Gusto ko kasi talaga mag-aral kaya please? Gawin mo nalang akong working student."
"Akala ko ba ayaw mo dito?"
"Eh? Wala akong choice kuya. Kahit na ayaw ko dito kasi di kasing fresh dun sa probinsya, at least dito makakapag-aral ako."
Alam ni Drei na front act lamang ito ng pinsan niya. Kung kaya't mas mainam na mamaya na lamang niya tanungin kapag wala na ang anak.
"Oh siya sige. Pumasok na tayo ng malaman mo na kwarto mo."
"Yey! Thank you insan! Kaya mahal na mahal talaga kita eh!"
"Binola mo pa ako. Nga pala Andy, anak. Eto nga pala ang Tita Anne mo. –"
"Sus, ba't pag ikaw Honey? Ayaw mo lang talaga siya maalala kasi magkapangalan kami." sabat naman ni Anne na tila inaasar ang pinsan niya.
BINABASA MO ANG
My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]
Novela JuvenilSa murang edad pa lamang ni Drei na NINETEEN ay meron na siyang apat na taong gulang na anak na si Andy. Maituturing na masaya na siya sa buhay niya ngayon kasama ng anak niya. Pero paano kung may isang taong magbalik mula sa nakaraan niya? How will...