Chapter III

386 19 1
                                    

Saglit siyang napatulala sa mukha ni Alex at ibinaling ang paningin sa pagkain.


She eyed the foods na parang pang tatlong tao ang dami.." Hindi ko kayang ubusin yan."


"Lance said na patabain ka namin. Kainin mo na yan kesa masayang."


"Kakain ako pero hindi naman lahat yan. Tulungan mo naman ako."


"No, thanks. Busog ako."


Nakasimangot na kumain siya habang si Alex ay nagbabasa ng script. Bigla niyang naalala na dapat pala kasama nito si Eric.


"Nasaan nga pala si Eric?"


"Beatriz is back. Kailangan niyang salubungin ang girlfriend niya."


Biglang nalaki ang mata nya sa narinig.. at kahit hindi aminin ay bigla syang nakaramdam ng panghihinayang.


"G-Girlfriend? May girlfriend si Eric?"


"Kasasabi ko lang diba?" Masungit na sagot ni Alex.


"If he has girlfriend, paano na si Rica?"


Nag-alala siya tuloy sa kaibigan niya but somewhere, deep inside her, broke. Hindi na lang niya pinansin iyon at itinuon sa pagkain ang atensyon.


"Don't worry, Kara. Marami pang lalaki diyan."


"Duh. As if naman may gusto ako sa kanya."


"Sino bang nagsabi na may gusto ka sa kanya? I'm just telling." he said grinning at her..


Napangiti siya dito. He's maybe masungit pero mabait din naman ito. She grins at umupo sa tabi nito.


"E ikaw? May girlfriend ka na?"


"Abala lang yan sa pag-aaral kaya wala,"the he looked at her suspiciously." At wala akong planong manligaw o magka-girlfriend, anytime soon. Kaya wag ka nang umasa."


" May sinabi ba akong interested ako sayo? I'm just asking."


Lalo itong napasimangot at napatawa siya ng malakas. Habang tumatawa, biglang isinubo sa kanya ni Alex ang burger. Napangiti ito ng makita ang mukha niya na namumula na. Nabilaukan siya dahil sa laki ng nakain niya kaya inabot nito ang coke.


Nagulat silang dalawa ng biglang umubo si Lance at nasa likod nito si Eric. Napaayos tuloy siya ng upo at ininom agad ang coke.


"Mukhang nagiging close na kayo, guys. That's good. Since mukhang ok na si Kara, tara na magpraktis ng seryoso."


"Sa labas na lang ako maghihintay. Baka mainip si Bea eh."


Love Art (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon