CHAPTER 4
[Abby's POV]
*Lunch break*
Sobrang dami ng tao ngayon sa school canteen.
Kasabay ko ngayong maglunch si Aicka. Remember yung girl na naki-seat sa table ko? Yeah, siya nga 'yun.
Simula nung araw na ma-encounter ko yung bakulaw na'yon, nakapagtatakadahil isang linggo na ang lumipas ngunit ni anino niya hindi ko na nakikita. Nagsawa na siguro? Well mabuti na din 'yun atleast matatahimik na ang buhay ko.
"Hey, what's wrong,bakit hindi mo ginagalaw food mo?"
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang biglang nagsalita saharap ko si Aicka, waring nagtataka.
"Ah eh, may naalala lang ako. he-he." at muli na akong bumalik sa pagkain ko.
"Ahmm, Oo nga pala, gusto sana kitang i-invite next saturday, kasi birthday ko na.
"Wow, talaga? Ayos 'yan!"
"Hehehe. pwede ka bang pumunta?"
"Ah eh ano e.. Titignan ko muna kung makakapag-leave ako nun, Kase kung hindi mo naitatanong nagpapart time job ako."
"Oh, ganun ba? Pero I'll wait for you pa din. :)"
"Ahmm, sige I'll try my very best para makapunta."
Birthday niya na pala next saturday. Naku naman, sana makapunta ako. :)
- - - - - -
Maagang natapos ang klase ko kaya naman agad akong nagdiretso sa shop kung saan ako nagpa-part time. Pagdating ko nang shop, bigla akong hinarangan ng guard na siyang ipinagtaka ko. Hindi naman bago yung guard. Infact, matagal na itong nagtatrabaho dito sa shop at kilala niya ang lahat ng empleyado dito na regular na and including me na kahit part time at baguhan pa lamang.
"Manong, Ano hong problema? Bakit ayaw niyo akong papasukin?
"Pasensya na po ma'am, bawal na po kayong pumasok sa loob, utos ni sir."
"Ho? Sino hong sir?"
"Si sir paul po, ang sabi niya nagresign na daw kayo."
"Huh? Nagresign? Ako? Teka hindi pa ako nagre-resign at hinding hindi ko gagawin 'yon, kailangang kailangan ko ng trabaho ngayon. Anong pinagsasabi niyo, manong guard?"
"Eh pasensya na po talaga ma'am, sinusunod ko lang ang ipinag-uutos ni sir. Ayoko ding mawalan ng trabaho."
Muling nanumbalik ang nagu-umapaw kong galit nang maalala ko ang pamba-black mail saken nung kupal na'yon. Gusto niya talaga ng gulo huh? Pwes, bibigyan ko siya. I will give him my sweetest revenge. >:D
Agad akong sumugod sa lugar kung saan pwede ko siyang makita, at nagtagumpay ako, natagpuan ko siya sa isa sa mga bakanteng kwarto sa building ng Arts and Science Museum.
Nakita kong nagulat siya saaking presensya, kaya't bigla niyang pinahiran at idiniin ang mga daliri sa kanyang mga mata.
Huh? Umiiyak siya?
Muli siyang tumalikod ng tingin sakin at humarap at finix ang mukha nito into a mischievous face.
"Why, hello there my dear. Hindi ko inaasahang magkikita muli tayo. What a coinsidence, right?."
"Bakit mo ako tinanggal sa trabaho ko? Alam mo bang trabaho ko na lang ang inaasahan ko bukod sa scholarship ko? Nang dahil sa ginawa mo para mo na rin akong pinatigil sa pag-aaral, alom mo ba 'yon?"
Wala na akong pakialam pa sa mga taong nakakakita sa ami n. Sagad na talaga ang pasensya ko sa lalakeng 'to. Hindi ko na kayang pigilan pa. Gusto kong magwala!
"Sinabi ko naman sayo, hindi kita titigilan hangga't hindi ka naghihirap ng husto. In case lang na nakakalimutan mo ang atraso mo sa'kin." Ngiting-aso niyang salabong sa'kin.
"Gusto mo talaga ng laban hah? Pwes,pagbibigyan kita!"Pagmamatigas ko pa din sakanya na kahit sa loob-loob ko ay gusto ko ng sumuko.
"Well, it's your choice. Wina-warning-anlang kita. Wala pa ito sa kaya kong gawin. You'll see it."
BINABASA MO ANG
She's dating my Ex-boyfriend
Teen FictionHer name's Abbyl Grace Montes, a first year college. Nakapasok sa isa sa mga kilalang exclusive school, Through her scholarship, bukod kasi sa naka-avail siya eh isa rin siya sa mga nag-top na nakakuha ng mataas na marka sa entrance exam. One day n...