CHAPTER 5
[Abby's POV]
Pakiramdam ko, anytime tutulo na lang bigla ang mgaluha ko. Ano bang kasalanan ang ginawa ko't pinaparusahan ako ng ganito? Talaga tinotoo niya ang mga banta niya sa'kin.
Sa pagkawala ng trabahoko, para na rin akong tinanggalanng karapatang mabuhay. Pagod na pagod na akong makipaglaro sakanya. kailan niya ba ito ititigil?
Nagpasya na akong umuwi nalang muna dahil pakiramdam ko, magco-collapse ako sa sobrang pagod at gutom.
Pagkadating ko ng bahay, agad sumalubong sa'kin ang mga mukhang hindi maipinta ng aking mga magulang.
"Nay,may problema po ba?" Tanong ko sa nanay ko na may pagaalala.
"Anak, ang tatay mo, tinanggal na siya sa kanyang pinagtatrabahuhan." Malungkot na tugon nito sa aking tanong.
"Pero, ba--"
"Masyado na raw akong matanda. Wala na daw akong kakayanang magtrabaho pa."
Hindi ko na naituloy pa ang pagtanong nang biglang magpaliwanag si tatay.
Si tatayay isang factory worker sa pagawaan ng mga tsinelas. Siya na lang ang nagtatrabaho sa aming pamilya sapagkat si nanay ay may malubhang sakit kaya wala na siyang kakayahang makapagtrabaho pa. Lima kaming magkakapatid, ako ang panganay at ako na lang din ang nag-aaral dahil may tiwala silangako ang makaka-ahon sa kanila sa kahirapan.
Pero paano na, nasa trouble ako ngayon, hindi nila alam na wala na akong part time, tapos ngayon pa na natanggal na din sa trabaho si tatay.At itong maliit na bahay na ito na aming tinitirahan ay malapit na din kaming paalisin.
"Argh!" Sa sobrang inis at pagkalugmk ko, hindi ko na alam pa ang gagawin.
*KINABUKASAN*
Matamlay akong pumasok sa eskwelahan. Ramdam ko na din ang kanina pang pagkalam ng aking sikmura. Tulala akong nagdiretso sa aking klase at umupo ako sa isa sa mga bakanteng upuan doon. Wala sa sarili akong nakikinig sa aming propesor, ni hindi ko na nga siya maintindihan, hanggang sa mag dismiss na ito ng klase.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta since wala na nga kong part time diba? Napabuntong-hininga na lamang ako at naupo sa isa sa mga bench ng school garden, saka isinubsob ang ulo ko sa aking tuhod. Mariing dinama ang pagka-lugmok. Isa-isang nagsipatakan ang malalaki at mabibigat kong luha mula sa aking mga mata.
Nasa kalagitnaan ako ng aking page-emote nang maramdaman kong may umupo sa kabilang side ng upuan. Agad akong napa-angat ng ulo at automatic na umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at nanlisik ang aking mga mata sa nakita.
"Ang kapal din naman ng pagmumukha mong mapakita pa, ano?"
Lumipas ang ilang minuto ngunit wala akong narinig na kahit na anong sumbat mula sakanya. Nakatitig lamang siya sa'kin na animo'y sinusuri ang aking kabuuan. Bingi ba siya o ano?
"Ano naman ang tinitingin-tingin mo jan, huh?" Mukhang wala ito sa mood upang makipagbangayan.
Nakaen neto?
"Kahit pala anong tapang ng isang tao, in the end, Iiyak at iiyak pa din ito." Simple niyang sagot.
Biglang nag-init ang mukha ko hindi dahil sa galit kundi sa pagkapahiya. Bigla naman itong tumawa ng mahina na laloko namang ipinagtaka.
"Ano bang problema mo? Hindi ka pa ba masaya na nakikita mo 'kong nahihirapan?" Ayaw kong magpakita ng kahit anong kahinaan sa harap niya. Ayokong isipin niya na ganun ako kahina para magpatalo sa kanya.
"Actually, I'm not satisfied enough. Gusto pa kitang pahirapan lalo."
Pagkasabi niya no'n, bigla siyang tumayo at lumapit sa aking pwesto. Lalo ko namang ikinabigla nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at biglang bumulong malapit sa aking tenga.
Teka anong binabalak nito?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"PWEDE BA KITANG MAGING GIRLFRIEND?"
O_O HANODAW?
BINABASA MO ANG
She's dating my Ex-boyfriend
TeenfikceHer name's Abbyl Grace Montes, a first year college. Nakapasok sa isa sa mga kilalang exclusive school, Through her scholarship, bukod kasi sa naka-avail siya eh isa rin siya sa mga nag-top na nakakuha ng mataas na marka sa entrance exam. One day n...