Chapter 1

2 1 0
                                        

"Wooooh! Idol!"

Napahinto ako sa ginagawang 360 body round at tinignan ng masama ang isang asungot.

" paykkyu tol'! Andun na eh! Gagawin ko na sana yung bagong tricks ko. Umepal ka lang na gg ka."

Umupo ako sa bmx ko habang nasa harap ko si brix na naka upo rin sa bmx nya. Itong asungot na to, nakakalintek lang talaga ito. Laging dumadating sa maling oras.

"oyy, malapit na next competition mo ah"

Alam naman pala nyang malapit na nanggugulo pa sya.

" oo,. Kaya kung ako sayo lumayas ka na dito nang ako naman ay makapag practice ng bago kong tricks"

Inayos ko na ang pwesto ko at handa nang magparampa ulit, hinihintay ko na lang ang sasabihin ni Brix ng hindi na ako pahirapang palayasin sya. Asungot kasi talaga eh.

" gege na, manunuod kami ng barkada. "

Umayos na rin sya ng pwesto nya at umarangkada na patalikod,pero bago yun may pahabol pang salita ang asungot.

" go bebegirl.haha"

Tuluyan na syang umalis matapos yun.

Aystt! Ewan ko ba! Bad trip! Bat kasi nauso pa yung salitang yun eh?

Yun na yung pinaka common na salita ang ipapang inis nila sa akin. Bebegirl?Pakk! San ba nagmula yun?

Ginulo ko ng bahagya ang buhok ko. Nawawala na naman ako sa focus dahil sa pagkabadtrip ko. Ito talaga yung dapat kong iwasan eh, ang mabadtrip ng mabilisan. Ewan ko ba, basta simula nung nag grade 8 ako lagi na lang ako nababadtrip. For no reason, mababaliw na ata ako.

Ipinalikod ko ang mahaba kong buhok at nagsimula ng pumidal habang naka tayo sa bmx, mas masarap mag bike lalo na pag nahahanginan ang buhok.

Binilisan ko ang pagpidal ng malapit na ako sa first obstacle sa practice place ko,

first obstacle ay tatlong malalaking hams na magkakatabi,  at hindi naman ako katulad ng iba na pagkarating sa hams at magbabawas ng bilis para hindi tumalsik, mas binilisan ko lalo ang pagpidal hanggang sa makarating ako mismo sa first obstacle,

Malakas ang impact sa likurang gulong,peeo hindi yun naging haldlang sa akin, ng marating ko ang huling hams ay itinaas ko ang unang bahagi ng bmx ko para magmukhang tumalsik, mabilis na sumunod ang pag apak ko sa mismong upuan ng bmx kaya naman nagmukha akong nakatuwad sa ere habang hawak ang bmx ko. Sa mismong paglapag ng bmx ay naka ayos na muli ang pwesto ko at handa na sa sunod na obstacle,

Second obstacle ay isang nakabundok na matigas flywood.

Binilisan ko ulit ang pagpidal at ng nasa second obstacle na ako ay nabilis kong narating ang tuktok nito, habang nasa tuktok ay nakalutang rin ng bahangya ang bmx ko habang tumalon ako mula rito at inikot ang body nito para sa 360 body round, at sa pagpatak ng ng bmx sa dulo mukhang bundok na obstacle ay naglanding ang bmx ko habang nakatayo parin ito.

At ang huling obstacle, para itong sa skating park, yung pinaka common na obstacle duon na parang hugis U.

Binilisan ko muli ang pagpidal

Nang makarating ako sa obstacle ay huminto ang paa ko sa pagpidal.

Lintek! Anong nangyayari?! Tumigas bigla ang pidalan! Shit di to pwede.

Tuloy tuloy sa pagsulong ang bike ko.

Hindi ako pwedeng tumalon, lintek! Wala nang choice!

Parang nag slow motion ang lahat para sa akin ng lumipad ang bike ko kasama ako ng marating ko ang dulo ng obstacle!

Bat ngayon pa!

"a-ouch"

Naramdaman ko ang pagtama ng ulo ko sa body ng bike.

Hindi ko maigalaw ang katawan ko, hindi ko magawang igalaw man lang kahit isang daliri ko.

Unti-unting nanlalabo ang mga mata ko,

Bago tuluyang mawala ang ulirat ko sa sarili ay may naaninag akong isang lalaki sa harapan ko.

Black Out
--------------_-------_-----------------_--_----

A/N: hi!😁first story ko po ito. Sorry po kung nasyadong lame, i need your comments para malaman ko kung maayos lang po ba o kung talagang kailangan ng improvements😇please be honest po. Matatanggap ko po kung anong magiging opinyon nyo. Maraming salamat sa pag babasa😇😄

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tricks Of Our HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon