Pretending Boyfriend Part 2

272 8 0
                                    

Chapter 9

Jan POV

Nang makarating kami sa bahay sakto ding dumating ang mga bata at naglaro muna sila sa labas bago pumasok ng bahay.

Bakit di pa kayo pumasok?tanong ko.

Sabi po ni tatay lumabas muna kami sagot ni shinggo at nag laro na sila

Pumasok kami sa bahay at nakita naming bumaba mula sa kwarto ang magulang ni Barbs.

Nay/tay mano po sabi ni Barbs at nagmano siya sa magulang niya.

Mabuti at umuwi ka na.sabi ni nanay luisa

Napansin kong nakatitig ang magulang niya sa akin.

Bakit po?  

Bakit ganyan kayo makatingin?may nagawa ba siyang masama?

Hmm...wala naman,pagod lang kami!sagot ni tatay edu.  

Ah,Jack tawagin mo na nga sa labas ang mga bata ng makapagbihis na at magluluto na rin ako ng makakain.

Opo nanay luisa.

Nagtinginan sila at nagulat ng tawagin kong nanay ang nanay ni barbie.

Tama ba ang dinig ko sa tawag mo sa asawa ko ay,Nanay?

Opo masama po ba,tatay?

Ay syempre hindi,maganda yan gusto ko yan para pagnagpakasal na kayo ng anak ko eh sanay
ka nang tawagin kaming nanay at tatay.

Tatay naman anong pinagsasabi mo diyang kasal!galit na sabi ni Barbs.

Haha,sige na tawagin mo na ang mga bata,My future son in law

Tatay tumigil ka na!sabi ni barbs na hiyang hiya sa sinasabi ni Tatay edu

Lumabas na ko at tinawag ko ang mga bata.



Barbie POV

Pumunta si Nanay sa kusina upang magluto ng Pritong Manok,si tatay naman ay naglapag ng pinggan sa lamesa.

Anak?tawag ni Tatay

Bakit po?

Aminin niyo na,hindi kami magagalit

HUH?Aaminin ang alin?

yung...wala

Dalahin na kaya kita sa mental tatay?kung ano-ano pinag sasabi niyo eh!


Jan POV (5 days later)


Dumating ang araw ng linggo,nakipag kita ako kay erick upang kunin ang pekeng ducumento na pinagawa ko sa kanya,pagkatapos ay haponna at sinamahan ko si Barbs bumili ng cake para sa mga kapatid niya  dahil birthday nila Shinggo at shaira.

Pumunta kami sa Goldilocks upang bumili at pili niyang bilihin ang chocolate overloade na mahaba at 400 pesos,babayaran na sana nya ito ng magkulang ang pera niya

Ay ma'am kulang po ito,400 po ang bayad at 365 lang po itong bayad niyo?

Huh?naku pano ba yan kulang wala na kong pera

hindi ako nagsalita pero dinukot ko ang wallet ko at kumuha ako ng 40 pesos at iyon ang ibinigay ko para sa kulang,nagulat si Barbie ng ibayad ko ang 40 pesos at nagkatinginan kami.

Thank you :) 

Your welcome 

Ah Ma'am/sr sukli niyo po five pesos

Ikaw na kumuha?sabi ko kay Barbie

Ngumiti siya at kinuha niya ang sukling 5pesos

Paglabas ng goldilocks ay sumakay kami ng taxi pauwi,pagka dating sa bahay ay hindi ko inaasahan na magkukulang din ang bayad ko sa taxi,nagbayad ako ng 85 pesos pero

Ay kulang po ito 90 po ang bayad

Huh?bakit ang mahal?

Eh dalawa po kayo at malayo pa yung pinaghatidan ko sa inyo

Ah...Tumingin ako sa pera ko pero puro buo ito."naku wala na akong barya!"Sandali lang po sabi ko at piliy akong naghahanap ng barya sa bulsa ko.nang biglang iabot ni barbie ang kulang na limang piso sa manong driver

Manong ito po ang kulang

Kinuha ng driver ang bayad at umalis na ito.


Salamat sabi ko na napangiti sa kanya

Wala yun,so patas na tayo binayaran mo yung kulang ko kanina at binayaran ko naman ang kulang mo ngayon Nakangiting sabi niya 

Hindi ako sumagot pero nakangiti kami sa isat-isa :)


Barbie POV

Masaya kaming pinagdiwang ang kaarawan ng kambal kong mga kapatid ngayong oras na ito kahit na maliit lang at hindi kagandahan ang cake na binili ko sa kanila ay masaya parin sila.

Anong wish niyo shaira at shinggo?

Ako wish ko sana Magkaboyfriend na ikaw ate

Shaira naman!!!Ang pangit naman ng wish mo sagot ni shinggo

Oo nga naman shaira!sagot ko

Bakit ikaw ba ano ba wish mo?

Ako wish ko sana maging boyfriend ni ate si Kuya Jack hahahaha

Naku Shinggo isa ka pa!huwag nga ako yung anohin niyo dapat mag wish kayo ng para sa inyo noh

Oo nga naman shinggo at shaira dapat para sa inyo ang wish niyo sagot ni tatay

Oo nga tama!

kasi yang ate niyo at si Jack mag boyfriend na yan

Tatay naman eh!

Bakit hindi pa ba?hindi ba nanliligaw si Jack tanong ni nanay

Tatay at nanay,magkaibigan lang po kami ni Jack

Kaibigan o ka-ibigan?

ahf...tarana nga kumain na tayo ng cake kung ano-ano pinag sasabi niyo!

kumuha kami ng cake at kumain pero kahit sa pag kain ng cake ay hindi ko maiwasan na mapatitig kay Jack lalo na at nakikita ko siya na ngumingiti  dahil sa kakulitan ng mga kapatid ko

Sabi nila KAPAG MASAYA ANG TAONG MAHAL MO AY MASAYA KA DIN,noong oras na iyon nakita ko siyang masaya at feeling ko masaya ako dahil masaya siya "umiibig na ba ako?"isang tanong na nabuo sa isipan ko.



Chapter 10



Kinaumagahan hindi pumasok si Tatay sa trabaho dahil masama ang kanyang pakiramdam.Kumakain kami sa bahay habang naguusap tungkol sa Love life ko!

Anak Dapat mag Bf ka na para pag ikaw naman ang nagkasakit eh may magaalaga sayo,tulad  ko may lagnat ako ngayon at inaalagaan ako ng Nanay mo

Nanay taga-alaga ang gusto niyo para sa akin hahanap na lang ako ng Katulong o caregiver iyon sigurado magaling mag alaga,hindi Boyfriend!

Anak bakit ba ayaw mo pa mag Bf tanong ni Nanay

Nanay pare-parehas lang ang mga lalaki noh mga paasa,pafall at manloloko galit na sabi ko at biglang napahawak sa dibdib si tatay

Tumayo siya at biglang hinimatay,nagkagulo kami ng makitang inatake sa puso si tatay 

Ikaw kasi Ate eh galit na sabi ni Shaira

Bakit ako?

Sabi mo lahat ng lalaki manloloko eh lalaki din si Tatay eh!

Sorry!!!sabi ko

binuhat  ni Jack si tatay at Dinala namin si tatay sa malapit na hospital


Parents POV

Pagkadala nila sa Hospital kay Edu kinausap ni Jack at Barbie ang doctor samantalang si luisa ay nasa tabi ni Edu na nakahiga sa kama ng hospital.

Hoy tigil mo na yan tulog tulugan mo!sabi ni luisa 

Pero hindi pa din dumilat si Edu kayat tumayo siya at sinampal ito

Aray!!!

Tigil mo na 'yang  tulog-tulugan mo nasa labas yung mga bata

Ano ayos ba ang acting ko??

Ayos,pang best actor!

Sa tingin mo mapapaamin na natin sila?

Tignan natin mamaya

Pumasok na sila barbie,jack at ang mga bata

Oh Tatay mabuti gising kana


Anong sabi ng Doctor?

Wala eh hindi kami sinagot ng tama,tinanong namin anong sakit mo ang sabi huwag daw muna namin siya istorbohin!

Anak,may aaminin ako sabi ng tatay

Ano yon tatay?

Meron akong sakit sa puso,malala na

Ano!!kailan pa?bakit di niyo sinabi sa akin

Dahil ayaw kong magalala ka at gusto ko magka boyfriend ka at makita kang ikinakasal bago pa ako mawala,at saka naisip ko baka pag nagka boyfriend ka maghimala ang diyos at mawala ang sakit ko kaya nga pinipilit ka namin ng Nanay mo na may Boyfriend na

yun po ba ang dahilan malungkot na sabi ni Barbie

Oo anak

Sige po aaminin ko na po may Bf na po ako


Jan POV

Sige po aaminin ko na po may Bf na po ako sabi ni Barbie na ikinagulat ko nalungkot ako nang marinig ko iyon pero na palitan ng pagkabigla ang naramdaman ko ng marinig ang kasunod ng kanyang sinabi,susubo sana ako ng mansanas sa bibig ko ng mapahinto ako sanarinig ko.

May Boyfriend na ako,at si JACK PO iyon

huh?Napatingin ako kay Barbie at naka tingin din siya sa akin

Tingin na nagsasabing sumakay na lang ako sa kanya

"Ako"mahina pero gulat na sabi ko

Mag Bf kayo?sabi ko na eh kasing pogi ko talaga tong batang toh kasi type mo sa lalaki yung mga kasing ng tatay mo eh

Opo siya nga po,diba jack,diba!

Kung ganon Jack ito ang sasabihin ko sayo Huwag mong lolokohin at sasaktan ang anak ko kundi,nakita mo ba yung itak ko sa bahay itataga ko sayo yun

Ah opo,haha ikaw talaga mali ah ganda mo noh hahaha!

hahaha,ang gwapo ng pandi ko noh haha

Mali,Pandi ano yon?

Pandisal po dami niya kasing pandisal daig pa yung bakery

Ano naman yung Mali,Jack?

Mali,maliit hahaha

Nanlisik ang mata ni Barbie sa pagtitig sa akin ng sabihn ko iyon ."Umayos ka!"bulong niya

Kinagabihan umuwi na kami ng bahay kasama si Tatay edu,na unang pumasok ang mga bata at ang magulang ni Barbie sa Bahay at kaming dalawa ay na iwan sa labas.

Jack,sorry ah Okay lang ba sayo na mag panggap na Bf ko?kung hindi sasabihin ko na lang sa kanila ang totoo

Ah hindi,Okay lang baka mamaya atakihin pa ang tatay mo eh at saka-(hinawakan ko ang kanang kamay niya)pasasalamat ko na rin ito para makabawi sa kabutihan mo.

"At para mapalapit pa ako ng husto sayo"sabi ko sa isipan ko

Salamat Jack,huwag kang mag alala hindi tayo magtatagal sa pag papanggap gagawa ako ng paraan para palabasing nag break tayo

Hindi ako sumagot,ngumiti lang ako at pumasok na kami sa Bahay.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Abangan ang Chapter 11-chapter 12

I'm Stupid,I'm In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon