[10] Training

120 6 1
                                    

Rave's PoV

"Bawal." Nagulat ako nung lingunin ko ang boses na 'yun ay...

"Yaaaah!!" Nahulog ako dahil nasa pinakamataas na dulo ako ng bleachers ng masalo ako ni...

NI HELLXARD!!

NG NAKABRIDAL STYLE AKONG BUHAT AT NAGMUMUKHA S'YANG GROOM KO!!

O.O

(/w\)

Kanina lang ay nasa harapan ko lang s'ya. Tapos mas mabilis pa sa pagdaan ng ilaw ay sinalo n'ya ako dito sa baba.

Tumingin ako sa kanya habang nakatingin s'ya sa akin ng malamig.

Ang lakas ng tibok ng puso ko...

Dahil sa pagkahulog ko ay malakas ang tibok ng puso ko halos marinig ko na o sa sinalo ako ni Hellxard??

/(>o<)\

UWAAAAAAH AYOKO NAAAA!!

"U-Uhmm." Sunod-sunod na ang paglunok ko tapos tinayo ako ng dahan-dahan ni Hellxard.

"Tss. You should be more careful." Malumanay na sabi n'ya at halos 'di ko marinig ang mga sinabi n'ya dahil malakas pa rin ang tibok ng puso ko. Parang mga kabayong tumatakbo o parang engine ng kotse.

"T-Thank y-y-you..." I stuttered and he nodded with his famously cold expression.

"P-Pero bakit b-bawal..?" Nauutal pa ding tanong ko.

"YOU have some training to do." WHAAAAAT!?

"Eh kung m-magtretraining ako eh s-sino naman y-yung traine--"

"Tss. Ako."

O____O

WHAT THE HELL!?

"Eh anong itretraining ko aber?" Naging mataray na sagot ko at mas lumamig ang ekspresyon ng mukha n'ya.

AND SO MY CHILLS!

"About your protection--"

"OOOIIII!! ANONG PINAGUUSAPAN N'YO D'YAN EH SA KANINA LANG NAHULOG SI RAVE!?" Sigaw ni Vernon na pinutol ang mga sinasabi ni Hellxard. Naka-upo pa din sila ni Ivy sa taas kaya sumigay s'ya ng sooobrang lakas!!

Punyemas 'to si Vernon. Ang sakit sa tenga.

"MAUNA NA KAYO SA DORM! MAY PUPUNTAHAN LANG AKO!!" Sigaw ko din kay Vernon at nagthumbs up pa ang loka habang nakangiti ng nakakaloko.

Anong meron dun?

Pero saglit...

PARA SA PROTECTION KOOOOO!?

Anong meron din d'yan?

Biglang pabirong umubo si Hellxard kaya nilingon ko s'ya.

"As I was saying, it is about your protection." Naging mala-question mark ang mukha ko.

"Tss. Didn't they tell you?" Nanatiling nagtatanong ang mukha ko.

"Tell me, what?" Nakapamewang na tanong ko at napangisi s'ya.

"I'll tell you later." Napanguso ako dahil sa kuryosidad ko.

Sinenyasan n'ya ako na pumunta sa gitna ng battlefield.

Nung nasa gitna na kami ay nagkaharapan kami.

"Test one--" Pinigilan ko s'ya.

"Tell me first, why do I need to practice?" Nakakunot na tanong ko.

"Test one." Nakakunot-noo at mariing sabi n'ya. Kaya lumunok ako ng dalawang beses.

"See that training dummy? Punch and kick it like you have the anger." Turo n'ya sa floating dummy at lumapit ako doon.

Naalala ko si Zonrox kaya...

...nagjab, hook, roundhouse kick, double sweep at tumayo ako ng sobrang bilis, sinabayan ng talon at in-uppercut ko ito ng may flame particles ito na may halong shadow.

NATANGGAL YUNG ULO!!!!!

O_____O??

Dalawang tanong lang.

Una, saan ko pinagaralan itong mga punches and kicks!?

Pangalawa,

SAAN NANGGALING ANG SHADOW AT FLAME PARTICLES NA NAGMULA SA 'DI KO INAASAHANG UPPERCUT?

"Good. Test two." Napalingon ako kay Hellxard habang nakablock position ang mga kamay ko.

HINDI KO MAIINTINDIHANANG ANG MGA NANGYAYARI NGAYON!!

x_____x

"Learn the defense moves." Kumunot ang noo ko.

Napalingon ulit ako sa dummy tapos biglang naging ala-fighter ito.

Nagmukhang Ryu ito!!

Amp!

T.T

"Start." Utos ni Hellxard sa dummy at sumugod ito sa akin at nagsimulang isuntok ako pero umiwas ako.

Akala n'yong madali sa akin ito ah!! Noooo, hindiiii!!!

Sisipa yung dummy nang tumalon ako at nagmala-flying kick ako kaya naman natumba yung kalaban ko na parang robot.

?___?

"Level five." Biglang utos ni Hellxard kaya umangat ang paa ng dummy at tumalon patayo.

*craaack~*

Tumunog yung leeg nito dahil tinabingi yung ulo gamit ang kamay.

T________T

Biglang sumugod ulit ito kaya natakot ako. Ang ginawa ko nalang ay umatras ng onti habang dinidipensa ang sarili ko.

"Bakit ba ang hirap!?" Sigaw ko kay Hellxard habang umiiwas ng todo. Medyo nakakaramdam ako ng pagod sa sarili pero yung dummy ay wala lang.

"Knock it down and it'll stop." Sabi n'ya habang nakatingin sa amin na naglalaban lang.

Nag-iisip ako ng paraan para patumbahin ito. Ang weakness ay sa ulo dahil may target na nakapinta doon. Pati pwede itong matanggal. Sa limbs ay hindi pero alam kong may posibility na matanggal ang limbs kapag maayos ang paglaban ko. Pero target ko talaga yung ulo.

Akmang susuntok ito ng hawakan ko ang fist nito at pina-ikot ng todo para namang tumalikod ito habang hawak ko ang kamao.

Tinumba ko ito gamit ang tuhod ko na tinulak ang likod nito. Nung nakahiga na ay hinila ko ng malakas yung kamao at nakatapak ang kaliwang paa sa likuran nito, dahilan para umangat ang ulo at sinipa ko ng sobrang lakas na natitira sa akin na gamit ang kanang paa ko at natanggal ito.

Pagkatapos ay napangiti ako, binitawan ang kamay at lumapit kay Hellxard. Worth it talaga yung pagod--

"You're skills is from the God of War. Ares." Maikling sabi n'ya at napamangha ako, bilog na bilog yung bunganga.

"Biyaya ng langit. Your skills is so rare. Six people only have that skill and now including you." *Q*

"How did you know?" Parang ayoko na mag-english. Nakakaregla ng ilong.

"Learned that a year ago."

"Now. Bakit mo ako pinapatraining?" Pumantay ang kilay n'ya.

"Because killing is legal..."


His Angelic Demon (Author On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon