[15] Solved by the Triad

135 5 3
                                    

Rave's PoV

Huh? Anong sinabi ko?

Kahit demonyo sila hindi nalang magpatayan para may kapayapaan?

Sorry, occupied ako masyado eh!!

Nandito kami sa kwarto. Si Ivy ay parang inaanalyze ang death poem habang si Vernon ay may iniisip. Ako naman ay nakasalampak sa kama, nakatingin sa phone ko.

"Paano kung may hidden code iyan?" Biglang tanong ni Vernon at napatingin ako sa kanya, well kaming dalawa ni Ivy.

"Possible." Maikling sagot ni Ivy at tumayo ako sa kama, naglakad papunta sa dalawa at tinignan ang papel.

I focused my sight on the paper. Iginala ko ang mata ko ngunit wala talaga akong mahanap na ibang clues or hints. Aish.

Nagconcentrate ulit ako pero this time ay mabuti. Nagulat ako dahil may nakita ako sa pinaka-upper left ng death poem na ito. May bakat ng writings doon na hindi ko maintindihan.

Kinuha ko ang pencil na katabi lang ng death poem pero pinigilan ako ni Ivy.

"Anong gagawin mo?" Seryosong tanong n'ya.

"May nakita lang ako, susubukan kong ishade." Tumango nalang s'ya at hinarap sa akin ng mabuti ang death poem.

Shinade ko ang pinaka-upper left at may naiwan ngang writings doon. Diniinan siguro ito ng culprit para may clue kami.

Nung matapos kong ishade ay napasimangot ako, may kadugtong pa pala.

Shinade ko ang upper middle ng papel at nagulat ako ng basahin ko iyon ng malakas.

"Every sentence has a first word." Sumabay sa basa si Vernon at Ivy at mas lalo akong na-occupy.

"What? Clue ba 'to o madiin talaga ang pagkasulat ng killer? As in may bago s'yang sinulat bago ito?" Naiinis na mga tanong ni Vernon. I just shrugged pero bumuntong hininga s'ya.

"Mm-hmm. Siguro sinadya n'ya yung unang sulat." Si Ivy. Nagtaka naman ako.

"Eh, bakit naman isasadya n'ya 'yan? Para mas madadalian tayo sa paghuli ng culprit?" Ako naman ang nagtanong.

"It's a clue, Rave. Pero oo, madadalian tayo sa paghuli. Kung sino man ang taong iyon, he or she is warning us na huwag s'yang saktan o gawin ng masamang bagay. If there's a killer, kailangang lumayo but you can also kill that killer." Mahabang sagot ni Ivy at naging 'O' ang bibig ko at tumango ng apat na beses.

Now tinititigan ko ang clue, na parang nagstestaring contest.

Tapos naman ay binasa ko ulit ng mahina ang poem.

Napatakip ako ng bibig nang malaman ko na kung sino ang culprit.

"K-Kilala ko n-na." Napalunok ako ng tinignan ako ng dalawa.

"Spill." Napalunok ako ng sabay nilang sinabi iyon.

"A-As you can s-see. May f-first word talaga sa isang sentence. Eh ang p-poem na ito ay s'yempre m-may sentence. So, kung b-babasahin mo yung every first word ng anim na sentence na i-ito ay...

THIS-GIFT-IS-FROM-HER-SISTER." Sinabayan ako ng dalawa at napangiti si Ivy habang nag'yes' naman si Vernon.

"Very well Rave! Sa kapatid n'ya ito! So meaning she's the culprit!!" Masayang tugon ni Vernon at napakamot nalang ako ng batok.

"Very well, indeed. Like a detective like Vernon and me." Pagrarhyme ni Ivy at napatawa nalang kami sa inasal ngayon ni Ivy.

"Good job Triad Hell Souls. This case is closed at iiwasan nating ang kapatid ni April." Triad Hell Souls?

"Triad Hell Souls?" Biglang tanong ko ulit. First, may KCE. Second, yung Shadow Chaos Anarchy. Then third, Triad Hell Souls! Ano pang meron sa mundong ito!?

"Three Hell Souls to be exact. Ayun ang tawag sa ating tatlo." Nakangiting tugon ni Ivy at napatango nalang ako.

"Parang gusto kong patayin yung kapatid ni April." Si Vernon. Napatingin kami sa kanya.

"Why?"

"Kasi... yung w-war." Biglang natakot si Vernon habang si Ivy ay dumilim ang mata, biglang naging red ulit ang mata n'ya.











Ano bang meron sa war?
































Malamang patayan, alangan namang magtatae doon? *tampal ang noo*

***

Short update ba ito? 'Di ko alam kasi gurang na ako eh! Nyahahaha!!

Ano kayang war ang sinasabi ni Vernon?

ABANGAN!~

(P.S: Ang susunod na chapter ay PoV ni Vernon. Kaya maghanda na kayo. Hahaha~)

His Angelic Demon (Author On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon