[One-Shot] Wedding Booth

873 11 3
  • Dedicated kay KiaSsel and 6-Turquoise (SY 2013-2014)
                                    

W E D D I N G    B O O T H   ♥

"Ano kasing meron bukas?" tanong ni Zera sa di ko kilala. Basta classmate namin ata yung kausap nya. Si Zera? Classmate ko din. Di naman kasi ako nag abalang tumingin. Busy ako nagddrawing.

"Tignan ko muna sa calendar."  Si Quennethe to, hula ko. Wow, may calendar na dala sya?!  

"Black Friday!"  Si Ate Hazel to! Ang bitter ni Ate! Pinagpalit kasi sya sa mas maitim sa kanya eh.  Sa April pa yun eh, yung Black Friday. Ay galing ko, alam ko! Akala nyo ah! Matalino kaya ako! 

"Friday." I tell you, this is—Too sarcastic. (wow, english) Joke. Si Ate Angela this! 

"Food day! Ohyea." Takaw naman neto. Ay, si Michael the monkey to! Ang pinaka poging unggoy na makikita mo sa buong Planet of the Apes! Ma-drawing ko nga to minsan.

 "Death anniversary ni St. Valentine at ni Cupid." Si Krishna ata to, tangkad ng boses eh, Wow, alam nya yung death anniversary ni St. Valentine? Galing! Yung Black Friday, alam ko. Pero yun, bat hindi? Teka. Wait. Sabay namatay si St. Valentine at Cupid?

"Sportsfest t-shirt bukas. Di P.E" Sportsfest t-shirt pala yung isusuot bukas! Buti sinabi ni Ely. Thanks to you! Baka P.E t-shirt nasuot ko, ma-office pa ko eh. Takot ko nalang sa principal's office. Oo, sa principal's office. Hindi sa principal. Ganda kaya nung principal namin!

"Red day." 

"Meron ka?"

"Panira ka eh!"

Alam ko na tong pinag uusapan nila. Masyadong off-topic! Tsaka parang girls' talk? Makaalis na nga lang!

**

"Uy! Patulong!" Lumapit sakin si Kiara na may hawak na pera.

"S-Saan?"

"Sa canteen! Bili tayo!"

"Libre mo ko?" tanong ko.

"De noh!" Tapos lumayas.

Wrong move. (wow alam nya yun!)

"Bat nilayasan ka ni Kiara?" tanong sakin ni Ezekiela habang kumakain ng Chips ahoy. At bago ko sya sagutin sa tanong nya, syempre humingi muna ako nung kinakain nya. Para masaya!

"Para masaya, para mayor!" sabi ko at nilayasan ko naman sya. Para masaya, para mayor!

**

"February 14, 2014?" pagkabasa ko sa date na nakasulat sa board.

"Halata ba?" AY hindi naman eh. Tanga ni Quennethe!

"Akala ko ba March na? Gagraduate na tayo, diba?" Si Nerdy Raphael ng isang one shot story ni author na 'Lithium". Nagpplug daw eh.

"Gagraduate ka ba?" sabi ni Idan na dinidribble yung bola ni Tyron.

"Oo naman noh! I did not make any mistakes! I'm not like you!" tapos nag walk out ako. Pinuntahan ko nalang si Brandon sa labas na kumakain ng Nachos. Ay hindi sya yung kumakain ng Nachos nya. Si Michael, Krishna at Keith yung kumakain.

"Don, penge!" kumuha agad ako nung Nachos. Wala nakong pake kung di nya ko bibigyan. Kuha kuha nalang. Sarap kaya kumain.

Nom nom nom. Sarap nung Nachos eh. 

Nakita kong kumakanta si Bam at si Krishna. Actually, narinig ko.

"Salve~"

"Reeeeegiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinaa~"

"La la la la, la la la, la la la la la, la la la,"

"Pum pum pum pum, Pum pum pum pum~"

"Oh Danny boy, the pipes the pipes are"

"Ariyariyariya, ariyariyariya, oriyoriyoriyo, oriyoriyoriyo, skitaditaditadoor, skitaditaiditadoor" sumabay si Quennethe.

"TAMA NA!!!" sigaw ni Leila. Ayun, sumabog na.

"POSITION!!" sigaw ni Ms. B.

"Position? Nasa army ba tayo?" dinig kong sabi nung student sa kabilang seksyon na di ko kilala. I mean di ko tiningnan.

Nagpractice na kami ng sayaw. Easy lang. Wala ng kailangan alalahanin.

**

*KRIIIIIIIIING!!*

OA ng bell eh.

"Turquoise, labas na!" sigaw ni Ms. B na dahilan ng biglang pagtayo nung mga zombie na nakared na tulog na sina Kiara, Zera, Ezekiela, Krishna, Keith at Leila na pinapaypayan ni Clarissa.

Nagpunta na kami sa gymnasium. May mga booths dun. Ano ano pa. Yung iba, nasa auditorium, may concert na nagaganap dun eh.

Ano namang gagawin namin dito? Why so boring?

Nilapitan ako ni Sir Dayrit na may hawak na kulay red at pink na baboy na stuff toy.

"Bat nandito ka? Asan mga kakalasi mo? Bat mag isa ka?"

"Sir, 3 questions, 1 answer. Boring dun."

"PAGING! Paging!"

Nababaliw na talaga si Tyron. Andun sya sa may Dedication booth, hawak hawak yung mic. Sinasabayan nya yung kung ano mang kantang tumutugtog. 

"Pinapatawag ka ni Ms. B." biglang lumapit sakin si Raphael.

"Bakit?"

"Ewan."

Hinila nya ko papunta sa ewan ko. Ewan eh. Basta nagpahila nalang ako. 

WAIT. Realization hit me. Sa wedding booth?! Tell me this is not freaking happening! WHY.

"Ano gagawin dyan?!"

"Chill. Wala lang yan. Di ka naman magpapatuli dyan eh. Kita mo namang wedding booth." sabi ni Tyron sa mic. Talagang sa mic pa eh!

"Susuot mo lang yung paper clip na finlip. At Kiara mo isusuot yon." sabi ni Krishna na mukhang drug pusher na nerd na gangster na tomboy sa tabi ni Leila. Nakabraid kasi sya na kamukha ng archery idol este yung idol nya na si Katniss Everdeen ng Hunger Games tapos nakaglasses sya tapos cap. Swagger pala. (srsly, I was judging myself -xo-candy)

"Easy lang yun. It's just nothing." sabi ni Leila na nagmukhang girly.

"Ah. Yun lang pala. Easeh." sabi ko at ni-rub yung mga kamay ko sabay tango ng ilang beses. Is this a challenge?

"Do you take, Kiara Allysa Sta. Maria as your lovely weaded wife?" tanong ni Ely na hawak hawak pa yung papel. May kopya eh, di nya alam pano maging pari.

"Yes?" ano ba. Sht. Dream come true eh! 

"Suot mo yung ring!" bulong ni Bam. Ayun, sinout ko yung ring na paper clip na finlip lang.

Sinuot ko kay Kiara yung ring tapos sinuot nya sakin yung hawak nya.

"You may now kiss the bride!" sigaw ni Ely sa mic na hawak ni Keith.

*MWAH*

O.O

Teka. KISS ba yun?!?! 

Kaya lang.. sa cheeks lang eh. 

Kiniss ako ni Kiara sa cheeks.

Wag na kayong magtaka kung sino ako! Hey Turquoise, sa mga nakakilala sakin, I salute you! :)

[One-Shot] Wedding BoothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon