Pagdating ko sa bahay nakita ko si Hannah na naka upo sa sala.Di ko alam kung alam na niya yung ballita.
"Hey Demo.How's the date?" So I guess di niya pa alam
"Wala na kami"
"Wait.What?"
"We broke up.I broke his heart."
"Why?!"
"I love him.But as A friend.Ayoko lang mapahiya siya sa maraming tao kaya ko siya sinagot"
"How stupid of you Demo!Pinaasa mo siya"
Wala na.Galit na rin siya sakin.
"Im sorry"
Tingin ko hindi pa sapat yung sorry ko.
"Sorry?! Ang dami daming babaeng nagkakagusto sa kanya tapos ikaw!Sinaktan mo siya!"
Alam ko.Simula pa nung una.Alam kong gusto ni Hannah si Nikko.
"Sorry Demo ha? Di ko mapigilan mainis sayo.Kita nalang tayo sa school"
Umalis na si Hannah sa bahay namin kaya dumiretso nako sa kwarto ko.Tinamad na rin ako kumain.
Sa ngayon gusto kong pumunta kay Daddy.Gusto ko siyang kausapin.Gusto ko isabi lahat sa kanya.
Simula palang kasi.Siya na ang mas close sakin kesa kay mommy.Pero dahil sa bwisit na car accident na yan.Kinuha ng maaga samin si Daddy.
At sa dami ng nangyari ngayong araw at dahil na rin sa pagod mabilis ako nakatulog.
"San ka pupunta?" tanong ni mommy.
"Sa sementeryo po.Dadalaw kay daddy"
"Nak may problema ka no?"
"Wala po.Namimiss ko lang po talaga si Daddy"
"Sige nak.Ingat ka.Gusto sana kita samahan kaso itong kapatid mo e ang daming pinapabili na gamit para sa project"
"Okay lang po Ma.Balik po ako dito before Dinner"
Kahit nung buhay pa si Daddy siya agad ang sinasabihan ko ng problema kahit hanggan ngayon. Kaya ganun agad ang naging reaksiyon kanina ni Mommy.
Bumili muna ako ng Bulaklak at kandila bago pumuntang sementeryo,Ang ipinagtaka ko lang nakita ko si Grey sa may bilihan ng bulaklak.Para kanino kaya niya yun ibibigay? Baka pupunta samin tapos ibibigay sakin.Joke.Asa pa me.
Pagkadating ko nilinis ko muna ang puntod ni Daddy at tsaka umupo ng naka Indian sit.
"Hi Daddy!Kamusta kana po diyan sa heaven?Miss na miss ka na po namin nina Mommy at ni Sky (nagiisang kapatid ni Demo)"
"Daddy.Sana nandito ka.Sana nanyan ka parin sa tabi ko habang nagsasabi ako ng problema.Gusto kita ihug ngayon daddy"
Di ko mapigilan ang luha kong pumatak.
"Daddy nakasakit ako ng kaibigan.Nagpaasa ako ng kaibigan Daddy.Ang sama sama ko.Nawalan ako ng kaibigan"
"Daddy samahan mo naman ako para alisin tong problema!! Di ko parin matanggap na iniwan mo kami Daddy!Araw araw iniisip ko na sana kasama mo nalang ako sa Car Accident na yan! Para masaya tayong magkasama.Pero hindi Daddy! Iniwan mo ako.Walang nagbibigay ng payo sakin tuwing may problema ako.Laging busy si mommy.Laging nakatuon ang pansin niya kay Sky! Daddy paano naman ako?Hindi ko kaya magisa!Daddy gustong gusto ko na uli maramdaman ang yakap mo! Miss na miss na kita Daddy.Miss na miss kana ng prinsesa mo.At yung pangako kong hahanap ako ng ng kasing tulad mo na magiging prinsipe sa prinsesa mo.Daddy walang papantay sayo! Walang wala daddy! Gusto mo ba akong tumandang dalaga?"
Napatawa ako sa sinabi ko.Pero hindi ko parin mapigilan yung mga hikbi ko.
"Daddy!Kahit isang yakap lang Daddy.Gusto kong maramdaman"
Tumaob ako at patuloy angg pagiyak.At naghihintay ng yakap ni Daddy.
Pero wala.
Bigo ako...
Lalong lumakas ang paghagulgol ko.
"DADDY! HINDI MO NA BA AKO MAHAL?! BAKIT YUNG KAISA ISANG HILING KO HINDI MO PA MAGAWA! DADDY! MISS NA MISS NA KITA"
"ISANG YAKAP MO LANG DADDY KAKAYANIN KO LAHAT NG DUMATING NA PROBLEMA SA BUHAY KO.DADDY.PLEASE.NAGMAMAKA AWA AKO"
Hindi pa ako tapos sa mga sinasabi ko pero umihip na ang malakas na hangin at gamit nung hangin na yon.Naramdaman ko ang yakap ni Daddy.
Totoo pala yun.Yung mga nababasa at napapanuod ko sa Tv.Naranasan ko.
"Thank you Daddy.Hanggang ngayon ang lakas ko parin sayo.Alis na po ako Daddy.Thank you po.I miss you and I love you Dad. Forever."
Habang naglalakad ako paalis ng sementeryo nakita ko si Greyna nakatitig sa harap nung isang puntod.
Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na lapitan at kausapin siya After 2 years.
Tumingin muna ako sa puntod na tinititigan niya at nagulat ako kasi kasing bata lang namin yung namatay.
"Ahhm.H-hi Grey"
Halata ang gulat sa mukha niya.Hindi kasi niya siguro ako pansin nung lumapit ako sa kanya.Naalala ko tuloy yung sinabi ko kanina tungkol sa bulaklak sa patay niya pala ibibigay.Deym.
"Hey"
"Ahm Grey sino siya?"
Kumunot ang noo niya.
"Ahh-h hehe.Sorry.Curios lang."
"Girlfriend ko since grade 5"
May mas nauna pa pala sakin magkagusto sa kanya.Pero sayang naman.Halatang inlove talaga si Grey sa kanya.
"Huh? Anong nangyari sa kanya?"
Muli.Kumunot at noo niya at siguro ay konti nalang huhusgahan niya na ako ng isang pagiging tsismosa.
"H-hehe.Sorry sige alis nako"
"Dahil sa Cancer"
"Ahh-h sige nakaka abala nako sayo.Bye."
Tumalikod nako at papaalis na sana ng
"I miss you."
Ano daw? Namiss niya ako?
Pero wala.Bigo na naman ako.Nag I miss you sa puntod na kaharap niya.Aasa pa ba ako? Fuck.
Iba talaga ang tama ko sayo Grey.Parang hindi na ako makakaalis kung ano man ang narararamdaman ko.
"Demo!"
Tama ba ko? Tinawag ako ni Grey.
"B-bakit?"
"May nahulog ka"
Fuck fuck fuck! Yung wallet ko nahulog ng nakabukas dahil sa kamamadali.Pero hindi naman yung pera yung iniisip ko e kasi wala naman yun laman.Ang laman lang nun is yung picture ni Grey na kinuhaan ko pa yun nung nakaupo siya sa may bench nung 2nd year high school kami.Fuck Demo! Why so clumsy?!
"Next time kung kukuha ka ng picture ko.Yung nakatingin ako sa camera at nakangiti hindi yung ganitong stolen"
"At oo nga pala.Wag mo namang kalakasan ang iyak mo.Nakakarindi e"
Walang ka expression expression yung mukha niya.Siguro sanay na siya sa mga ganito sa gwapo ba naman niya habang ako pulang pula na parang kamatis at parang mamamatay na dahil sa lakas ng tibok ng puso.
At tsaka ganun ba kalakas ang iyak ko kanina?
"Sorry" yun nalang nasabi ko at tsaka umalis palayo sa kanya.
Hanggang sa umuwi ako ng bahay hindi parin yon mawala sa isip.
Kinakabahan ako pumasok bukas.
Siguro ibang iba sa nakasanayan ko dati.
Hay nakakapagod tong araw na to