"DEMOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO"
(Ang bigkas sa 'Demo' is 'Dhi-mow")
Nagulat ako sa kaklase ko na kung makasigaw parang wala ng bukas.
"Bakit ba?"
"Si ANO."
Diniinan niya pa yung pagkakasabi ng ANO.Para siyang kinikilig.
Pero more like Naiihi or Natatae.But parang kilala ko kung sino yung tinutukoy niya.
"Happy 1st Monthsary Babe
" May dala siyang Cake with matching Flowers and Baloons.
Tsk.Nakalimutan ko. Anong gagawin ko?!
"Nakalimutan mo no?"
Sa ngayon wala akong maisagot.Ganon ba ako kahalata na nakalimutan ko.
"Its okay babe.Alam ko kasing first boyriend mo ako kaya di mo pa alam na nagcecelebrate ng Monthsary"
What?!Duh.
Di naman ako tanga para di malaman yon.
Pero okay lang kasi parang siya narin gumawa ng Excuse ko.Nagpapaasa ba ako ng tao?Halos isang buwan ko na pala siyang boyfriend.Pero ni katiting wala manlang ako maramdaman sa kanya.Kung natuturuan lang ang puso tuturuan ko ang puso ko magmahal kay Nikko.
Pero HINDI.May gusto na ko talaga na iba.Matagal ko na siyang gusto....
Noong 1st year High school pa
"Babe?"
"Hmm?"
"Next time ha.Wag mo nang kakalimutan monthsary natin?" with full smile pa.Deym.
"Sorry..."
"Its okay"
Ikaw nalang kasi sana Nikko....
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah"
Parang kilala ko kung sino yung tinitiliian ng mga kaklaseng kong babae.
Si Grey.
Napatingin siya samin ni Nikko.Actually kay Nikko lang at sa Cake,Bulaklak at Lobo.
Nagtataka siguro kung anong meron.Pero ni sulyap sakin wala.Buset.Parang ilang beses lang niya ako tinitingnan. Tuwing napapahiya at nabubully lang ako.Looks like he's not interested to my beautiful face.Face lang pala,Dont mind the beautiful.Nagjoke ako.
Si Nikko ang lagi kong kasama.At mas kilala ko kesa kay Grey na walang pakialam sakin.
Bakit ako nagkagusto kay Grey?
-Flashback-
1st year highschool palang ako suki na akong mabully.At dahil katratransfer ko lang,Ako ang napapagtripan nila.
"Hoy pandak na maraming alaga sa mukha"
Di ko sila pinapansin akala ko hindi ako yung tinatawag nila.
"Hoy babaeng nakaheadband na parang sungay.Malayo pa halloween"
Napatingin ako sa parang rabbit kong headband
"Pst.Tingin ka naman.Nagmamaganda ka."
Ayoko ng away.Please..First day na first day of school.
Marami pa akong panghuhusga na naririnig kesyo,pangit,maliit,madaming nakatanim sa mukha.
Alam ko naman yun e.Pero nung oras na yun gusto ko ng umiyak.Wala naman akong ginagawa sa kanila.Hindi ko na nga sila kinakausap para di nila ako pinapansin.
Araw araw nila akong binubully at araw araw narin akong umiiyak sa isang lugar sa school na kakaunti lang ang pumupunta.
Habang nasa likod ako nung building ng school at doon umiiyak.Nagulat ako ng biglang may lumaglag na panyo sakin out of nowhere.Napatingala ako ng makita ko si Grey na nakatingin sakin at umalis na walang ekspresyon sa mukha.
Kaya kinabukasan kinausap ko siya at sinabihan na salamat sa panyo.
Di niya ako pinansin at biglang umalis.
May biglang kumirot sa puso ko.Kasabay ng mga tawanan ng kaklase ko.
Halos buong year ganon ang gawa ko iiyak lang ako sa likod ng building at kadalasan may nahuhulog na panyo galing kay Grey na di manlang ako kinausap.Kaya iniipon ko nalang ang mga panyong galing sa kanya at ibibigay ko sa kanya balang araw.
Pataas na ako ng building ng bigla nalang may humigit sakin.
"Wag kang magpapatalo sa kanila.Wag kang papayag na buong pagpasok mo sa school na to ikaw lagi ang kinakawawa.Ayoko laging may naririnig na umiiyak sa likod ng building na to.Ayokong maistorbo ang tulog ko at Malapit nako maubusan ng pasensya at Halos ubos na rin ang mga panyo ko"
"Isasauli ko lah-"
"No need.Basta humanap ka ng kaibigan mo.And please dont cry.Nakakairita"
"Thanks Grey"
"I dont want to talk to you again Ms.Maria Demo Ramos.Goodbye"
Alam niyo yung feeling na parang may nakakaappreciate sayo?
Di ko lang alam kung sa paanong paraan.
Narinig ko na halos wala palang kinakausap si Ace.
Nung narinig ko yun pakiramdam ko special ako.OO ASYUMERA AKO NG TAON.
Tuwing nasa classroom,Tuwing binubully ako ng mga kaklase ko di man niya ako kinakausap.Pero lagi niya akong tinitingna na parang sinasabi na wag ako magpatalo.
Kaya habang tumatagal parang gusto ko na lagi mabully para lagi niya akong tingnan.Haha.Bish
.Pero dumating ang 2nd year at 3rd year.Nagkabarkada si Ace at Nagkabarkada na rin ako.Minsan nalang ako mabully kase naging matapang nako at pinangako sa sa sarili ko na hindi ako iiyak ng dahil sa kanila.Nawala na pangbubully sakin,Nawala narin pakealam sakin si Ace.Pero teka?May pakealam nga ba?
