Chapter 2 |REVISED|

335 6 3
                                    

Chapter Two

Nate

"Uy, ugok. Ano na?" impatient na tanong ni Blake. "Hindi pa ba tayo pupunta?"

"Bakit? Gusto mo na bang pumunta eh naglalaro pa tayo?" sabi ko sa kanya.

"Grabe, p're!" sabi niya habang ibinababa ang controller at tumingin sa akin. "Kasi naman, para sa girlfriend mo pa 'to. Ikaw pa 'tong nag-aya! Hindi ba't—"

"Mamaya na iyan..."

Napakamot siya sa batok niya. "Ano ba'ng mas importante, dota o ang—"

"Aish!" sigaw ko. Natalo na kami. "Tsk. Ikaw kasi, eh! Tara na nga!" tiyaka ko kinuha ang mga gamit ko at lumabas.

"Ako pa?!" sabi niya nang nahabol niya ako. "Kanina pa kita pinipilit, ha! Tapos kasalanan ko pa?! Hindi ba't gusto mong bigyan ng regalo ang girlfriend mo?!"

Bigla namang kumulo ang dugo ko. Nakakainis talaga. Tsk. Lumingon ako sa kanya at tumigil ako kaya naman ay napatigil din siya. "LUMAYO KA NGA!" sigaw ko.

Agad naman siyang natigilan at tumingin siya sa akin. Tiningnan niya ako sa mata pero iniwas ko lamang ang mga mata ko. Through my peripheral vision ay nakita ko siyang tumungo. "Okay..." tiyaka siya dali-daling umalis.

UGH! Ang bakla! Tsk.

Ginulo ko ang buhok ko tiyaka ako sumimangot. Ano ba naman 'to. Ang bakla talaga n'ong lalaking 'yon! Grrr!

Kainis ha.

Inayos ko ang sarili ko tiyaka ko kinuha ang mga gamit ko, lumabas, sumakay sa kotse ko at nagmaneho papunta sa boutique ng Tita ko.

Dana

"Best friend! Wake up ka na! Fast!" naramdaman ko ang pagkalog ng kama ko. Sumimangot ako tiyaka mas lalong sumiksik sa kumot ko. "Dana!"

"Kate naman, eh..." bulong ko.

"Best friend! I'm so excited na nga, eh! It's school shopping sa bagong school ko, right? And you have to join me! You're also studying there naman, 'di ba? Hindi ka ba napa-paranoid?!" sabi ni Kate in a dreamy tone. Tsk. Naramdaman kong naalis ang kumot sa katawan ko. Tsk. "DANA!"

Bumangon ako kaagad. "Ano ba naman, Kate! Hindi naman tayo mauubusan, eh!"

"But, Dana, the best products might be wala na! We could be mauubusan with the products with the best services!" sabi niya in a whiny tone habang nakanguso pa.

Kainis. "Oo na! Labas!"

"Okay, best friend! Thank you~"

Tiyaka naman siya lumabas. Tsk.

Kinuha ko ang bathrobe ko tiyaka ako pumasok sa CR at bumabad sa bath tub na may lukewarm water nang nakahanda para sa akin. I turned the TV on tiyaka itinuloy ko ang pinapanuod kong K-drama, Dating Agency: Cyrano.

Habang nanunuod ay naliligo ako. Usually dala-dalawa kong papanuorin ang mga episodes kaya minsan nakakaabot din ako sa isang oras.

Habang suot ko ang bathrobe ko ay dumiretso ako sa walk-in closet ko tiyaka pumili ng damit. In the end, isang off-shoulder na long-sleeved shirt ang kinuha ko along with my jeggings and Nike rubber shoes. I tied my hair into a messy bun tiyaka ako lumabas at kinuha ang mga gamit ko na nasa kama.

I turned to Kate. "Tara na."

I noticed one of her eyebrows lifted, pero agad din iyong bumaba. "Wait, let me just change my clothes. I don't really feel comfortable in... these," sabi niya, pointing at her dress.

De la Cruz Academy (Buglythe, Harvelle, Kathniel and Nashlene FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon