Chapter 3 |REVISED|

268 8 4
                                    

Chapter Three

Angel

"Ang tagal naman ni Cait," reklamo ko. "Kanina pa tayo naghihintay dito, ah."

"Baka may LBM," sabi ni Jen.

Sumimangot ako and pressed my lips in a thin line. "Siguro nga," bumaling ako kay Jen. "Tara? Tingnan natin."

"Sige."

Naglalakad kami papunta sa CR nang may nabangga kaming babae. "Aray!" sigaw niya—teka, boses ni Cait iyon, ah.

"Cait?" tanong ko nang nakita ko siya.

"Ate Angel!"

"Ba't ang tagal mo? May LBM ka ba?" tanong ko sa kanya, completely worried.

"Ah? Ah, hindi, Ate. Naligaw lang ako..." sabi niya habang umiiwas ng tingin. Nanliit ako ng mga mata. She's lying.

"You're lying. May nangyari ba?"

Kung may nangyari kasi na ayaw ni Cait ay madalas nagsisinungaling siya at iiwas siya ng tingin.

"Wala, Ate."

"You sure?"

"Opo."

I shrugged. Ayaw niyang pag-usapan so I just said, "okay. Tara na nga."

Inilabas ko ang listahan ng mga kakailanganin. "Sa school supplies muna tayo."

Pumunta kami sa school supplies shop and as expected, marami nga ang mga tao dito. May bumibili ng notebooks, pens, art materials, and many more. Sinenyasan ko ang dalawa na bumili na lang kaya tumango sila and we parted ways.

Inuna ko ang mga notebooks ko. A notebook for every subject. Bumili din ako ng pang-take down notes ko. Then I went for pens. Kinuha ko ang mga black bolpen na gagamitin ko for seat works, home works, etc. tapos iba't ibang kulay naman para sa pagte-take down ng notes. Bumili din ako ng sticky pads for reminders.

Hindi na siguro kailangan ang mga art materials. May art materials pa naman sa bahay.

Habang papunta ako sa counter ay may bumangga sa akin. Ang babae sa train station kahapon. She frowned.

"Ikaw na naman?!" she shouted, making a scene. "Tss. You're studying here? As what? A scholar? Pfft. Poorita. Do you even have a talent?!"

Nakita ko namang napayuko ang mga kapareho kong scholar sa sinabi niya. Wow. She's doubting me? Eh mas mabuti nga kapag scholar ka or special recruit kaysa sa regular student, eh. At least may napatunayan ka.

"First of all," tumingin ako sa kanya. "I think hindi ako ang nakabangga sa inyo. Ikalawa, oo. Scholar ako. So I think I've proved a lot more than you expected."

She glared at me at napanganga siya. Nginitian ko siya linampasan. Pumunta ako sa counter para magbayad.

Nang nakabayad na ako ay agad akong lumabas sa store and I texted Jen and Cait na sa labas na lang kami ng store na magkikita-kita. Hininitay ko sila habang binabasa ang listahan.

Ilang sandali ang nakalipas nang may narinig kong may pumalakpak sa likod ko kaya napalingon ako. Si Jen. "Wow, Angel! Napanuod namin 'yung scandal—este scene kanina."

"Tapos?"

"Ang galing mo, Ate!" Cait complimented. Ngumiti ako.

"Thanks," bumaling ako kay Jen. "Siya 'yung babae sa train station kahapon."

Nalaglag naman agad ang panga ni Jen. "Ano?! Siya iyon?! Ah, no wonder ang pangit ng aura niya."

Umiling ako at natawa. "Tara na nga."

De la Cruz Academy (Buglythe, Harvelle, Kathniel and Nashlene FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon