Chapter 1 |REVISED|

598 5 1
                                    

Angel

Pinunasan ko ang pawis ko na kanina pa tumatatak habang kinukuha ang mga tip na ibinigay sa akin ng mga kustomer sa cafe kanina. Inilagay ko ito sa alkansya ko tiyaka ako huminga ng malalim. Kaya mo 'to, Angel. Fighting!

"Angel, sigurado ka bang ikaw na lang maglilinis dito? Pwede naman kitang tulungan, eh," sabi ni Cassandra sa akin, na siyang ka-workmate ko dito. Magkapareho din naman kami ng edad, pareho kaming 18 at magko-kolehiyo na.

Umiling ako at ngumiti. "Huwag na, Cass, kaya ko na 'to. Ako pa! Tiyaka mas kailangan ka ng kapatid mo, 'no!" sabi ko sa kanya.

"Nandoon naman si mama, eh. Sige na," pagpipilit niya sa akin. Umiling ako.

"Sige na, Cass. Iba na 'to, tungkol sa pamilya mo na 'to."

Ngumiti siya. "Ang bait mo talaga, Angel. Anghel ka talaga," natawa ako sa sinabi niya. "Sige, una na ako, ah?"

"Sige ba!" nagpaalam na kami sa isa't isa at pagkatapos n'on ay kinuha ko ang walis at dustpan at nagsimulang maglinis. Doon ko itinutok ang atensyon ko hanggang sa natapos na ako. "Sa wakas..." bulong ko.

Agad kong pinalitan ang damit ko at dali-daling pumunta sa istasyon ng tren malapit sa cafe. Kinakalkal ko ang bag ko para kunin ang tap card ko nang marinig kong bumulong ang babae na nasa harapan ko.

"Aish, nakakainis talaga!"

Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Pagkatapos ng ilang segundo ay natagpuan ko din ito. Kontento akong tumayo para maghintay ng kung ano-anong gagawin naming mga pasaheros para sumakay sa tren. "Hey, you," nagulat ako nang biglang magsalita ang nasa harapan ko kanina. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatitig siya sa akin—or 'yung nasa likod ko? Tumingin ako sa likod ko. Wala naman, naglalakad silang lahat. Baka sa tabi ko? Wala din naman, palakad-lakad pa sila.

"Ah, a-ako?" tanong ko sa kanya.

Umirap siya. "Malamang! Sino pa ba, ha? Loser ka ba?"

Sumimangot ako. Siya na nga 'yung humihingi ng pabor dito, eh. "Bakit ba?"

"What the—excuse me, how dare you talk to me like that! Hindi mo ba ako kilala, ha?"

Mas lalo akong napasimangot. "Kahit sino ka man po, wala ka pa ring karapatan na pagsalitaan mo ako ng ganiyan. Tao pa rin po ako, nagkakamali. Ikaw na nga 'tong humihingi ng pabor dito, eh, ikaw pa ang may ganang bumastos."

***

"Grabe, Angel! Ikaw na talaga," sabi ni Jen sa akin pagkatapos kong ikwento sa kanya ang nangyari kanina sa train station. "Ilarawan mo nga siya."

Sumimangot ako. "Ano, may plano ka bang i-hunting siya at paganahin ang pagiging amazona mo?" tanong ko sa kanya.

"Hmm... siguro," ngumisi siya at ako naman, mas lalong sumimangot. "Sige na, Angel! Pangako, wala akong gagawin sa kanya. Sige na..."

"...'di ako naniniwala sa 'yo," sabi ko sa kanya.

"Aray ko. Angel naman, nakakasakit ka na, ah!" biro niya. "WAAAAH! NAKAKASAKIT NA SI ANGEL! HINDI NA SIYA ANGHEL!" iyak niya. Agad ko namang binatukan siya tiyaka ako pumunta sa kama ko.

Si Jen? Siya ang best friend ko ever since noong bata pa lang kami, pero isang taon din ang age gap naming dalawa. Siyempre, older siya kaya ate ko siya pero parang younger kasi sa akin kung mag-isip kaya pinabayaan ko na lang ang 'ate'.

Nakatira kasi kami ni Jen sa isang boarding house kaya umuupa lang kami ng isang maliit na kwarto. Dito sa kwartong 'to, wala na kaming kasama kasi maliit lang ang kwarto kaya ang nasa kwarto lamang ay ang isang double bunk bed na maliit (kung saan nasa top bunk ako habang si Jen ay nasa lower bunk), isang maliit na couch at table (doon na din kami kumakain), maliit na TV, ceiling fan at electric fan na pwede na para sa isang table, tiyaka cooking materials na 'yung common lang.

De la Cruz Academy (Buglythe, Harvelle, Kathniel and Nashlene FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon