SONGS🎼🎶🎧🎤

3 0 1
                                    


TIME MACHINE

Sariwa pa sa aking isipan kung paano naging TAYO.. mga oras, araw, buwan na nagkasama tayo.. antagal nating nagkasama at hindi inaakala na tayoy makakagusto sa isat isa.. at hinihiling ko na SANA.. sana maulit muli ang tamis ng ating pagmamahalan.. sana andito ka ulit sa aking tabi.. kung kaya ko lang ibalik, binalik ko na.. kung dumating man ang araw na makakapiling kita muli pinapangako ko hindi na tayo magkakalayo.. sana..
Gusto kong bumalik sa kung ano ba talaga tayo noon. Gusto kong maramdaman ang iyong matatamis na labi na sumisilay sa akin.. ang iyong balat na dumadapo sa akin.. gusto kong bumalik noong kaya pa kitang tawaging AKIN.  Ang iyong mapupungay na ngiti at masasayang alala.. kung mayroon lamang na time machine na pwede tayong ibalik sa saya ng nakaraan.
Kailngan kita na parang hangin.. na hindi ako mabubuhay kung wala ka..  Ikaw ang pinakamagandang parte ng umaga at ng aking gabi. Kung kaya ko lang ibalik ang mga sandali na kapiling ka, ginawa ko na. Kung kaya lang kitang pabalikin muli sa akin, ginawa ko na. Gusto kitang makasama.. makapiling.. kung mayroon lamang ng time machine na pwede tayong ibalik sa saya ng nakaraan.
Gusto kong bumalik sa nakaraan.. na masaya pa tayo sa piling ng isat isa.. na magkasama pa tayo sa hirap at ginhawa. Na nariyan tayo para damayan ang isat isa. Na nagmamahalan pa tayo.
Kung naririnig lang kita.. kung nakikita lang kita.. kung mahawakan ko lang muli ang iyong mga kamay..... gagawin ko ito SA IKALAWANG PAGKAKATAON..
Gusto kong bumalik sa kung ano ba ang ating nakasanayan noon.. yung mahal mo ako at mahal kita. Yung mayroong TAYO..

Music Is Life🎶🎤Where stories live. Discover now