STAY
Nais kitang sabihan na manatili ka lamang sa aking tabi, at kahit kailan hindi mawalay sa akin. Manatili ka magpakailan pa man..
Ngunit ngayong wala ka na sa aking tabi wala na akong magagawa kundi manalangin na ika'y bumalik sa akin.
Bakit ka umalis sa aking piling? Bakit ka lumayo sa akin? Bakit mo ko iniwan? Bakit? Sinabi mo sa akin na ang ating pagmamahalan ang siyang mangingibabaw. Bakit ika'y nawalay kung iyong sinabi na ang panaginip ay kasing saya ng katotohanan, ng realidad.
Bakit? Hindi ko labis maisip kung bakit kinailangan mong lumayo sa akin. Bakit? Hindi ko mawari na mawawala ka sa akin. Bakit? Hindi ko labis mahinuha ang iyong sinabi na ang ating pagmamahalan ang siyang mangingibabaw sa lahat. Bakit? Lilisan ka rin pala.
Gusto kong bumalik sa nakaraan. Bumalik ka ulit sa aking tabi. Bumalik tayo sa saya ng nakaraan. Bumalik tayo sa nakaraan na andito ka pa. Hinihiling ko na sana bumalik ka ulit sa akin.