The Truth

11 1 0
                                    

Taka's POV

hindi ko alam. hindi ko alam kung bakit siya nandito ngayon. Bakit wala siya sa bahay? Di ba masaya na sila ni hiro? ano pang ginagawa niya rito ngayon? Nakakabakla man pero hindi ko mapigilan yung mga luha ko sa pagtulo. tsk! para akong tanga ngayon na umiiyak sa harap ng babaeng mahal ko. Nakakahiya man pero hindi ko mapigilan. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Parang tumigil sa pag ikot yung mundo ko nang yakapin niya ko. Ang sarap sa pakiramdam. pero bakit? bakit niya to ginagawa? si hiro? hindi ko alam pero mas lalo akong naiyak dahil sa yakap ni Sky sakin. Maya-maya ay humihikbi na rin siya at nararamdaman ko na rin na medyo basa na yung suot ko sa may bandang balikat. Umiiyak siya? pero bakit? Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya niyakap ko na rin siya pabalik. Nasasaktan ako pag nakikita ko siyang umiiyak. Ayoko ng ganito siya. Di bale nang ako na lang yung nasasaktan at umiiyak huwag lang siya. Makalipas ang 3 minutes ay medyo tumahan na si Sky. Magkayakap parin kami at parang ayaw ko na nga siyang pakawalan eh. I want to hug her in my arms forever. Pero nasasaktan ako pag naaalala ko si hiro. Anong klase akong kuya? Nakikipagyakapan ako ngayon sa babaeng mahal ng kapatid ko. Pero mali ba na kahit ngayon lang, kahit sa ganitong paraan lang, maging masaya ako? Mali ba yun? siguro nga, kasi sa mata ng iba parang inaagaw ko yung kaligayahan ng kapatid ko. Noon pa man lagi nang ako ang nagpaparaya para kay hiro. Mawalan na ako basta maging masaya lang siya. Ganyan ko kamahal yung kapatid ko. Kahit kaligayahan ko na ang nakataya, handa akong magparaya para sa kaniya. pero ngayon? magagawa ko parin ba yun?

Masakit man sa kalooban ko ay ako na mismo ang humiwalay sa pagkakayakap ko kay Sky. Nakitang kong nagulat siya sa ginawa ko. bakit? ayaw rin ba niyang humiwalay? tsk! nag aassume na naman ako at ang ending nito ay ako rin ang masasaktan sa ginagawa kong pag papaasa sa sarili ko. Tahimik lang kaming dalawa. Nakaupo na rin siya sa sahig kagaya ko. Magkatabi kami pero walang nagsasalita sa amin. Ang awkward nito. Anong gagawin ko?

"bakit ka nandito?" pagbasag ko sa katahimikan.

"bakit ka umiiyak?" balik na tanong niya sakin. Hindi ako makasagot. Ano bang dapat kong sabihin? na umiiyak ako kasi alam kong mawawala sakin yung babaeng mahal ko dahil sa kapatid ko? yun ba?

"kung ayaw mong sabihin okay lang. Naiintindihan ko" sabi niya.

"Sorry. Nakita mo pa kong umiiyak"

"Nah, don't be sorry. walang mali dun. Tao ka kaya natural lang na umiyak ka. Di ka manhid at alam kong may feelings ka"

"Thanks"

"Ikaw ba yung nagpadala nung sulat?" sabi niya kaya bumalik yung sakit na kanina ko pa nararamdaman.

"y-yeah"

"sabihin mo na. makikinig ako" sabi niya. tsk! as if naman magagawa ko pang mag confess ng feelings ko sa kaniya ngayon.

"alam kong nagdadalawang isip ka ngayon. Ganito na lang, isipin mong hindi nangyari kanina ang lahat ng to. Magsalita ka lang. Sabihin mo kung anong laman ng puso mo. Makikinig ako" sabi niya. Nagkalakas ako ng loob dahil dun. Huminga muna ako ng malalim at ginawa yung sinabi niya.

"I like you Sky. Since the first day I saw you naging interesado na agad ako sayo. I know it's creepy but madalas kitang titigan sa malayo. Makita lang kita masaya na ako. At hindi nagtagal, unti-unti na pala akong nahulog sayo. I don't knoe if I can call this love. Pero siguro nga love na ito kasi hindi naman ako masasaktan ng ganito kong hindi kita mahal diba? Ilang beses ko nang tinangkang umamin sayo pero wala eh, laging epic fail. Akala ko ngayong gabi na yung perfect timing para makapag confess ako sayo pero hindi naman pala. Oh well, ito na nga. nakaamin nga ako sayo ngayon pero epic parin eh. Balak ko sana na isurprise ka ngayong gabi pero mukhang ako ata ang nasurprise. Hindi ko akalaing ikaw rin pala yung gusto ni hiro. Parang gumuho yung mundo ko kanina pero ayaw kong ipahalata kasi ayaw kong mag alala kayo. Pero di ko na talaga kinaya kaya umalis na agad ako kanina. Nagtataka ka siguro kong bakit ako dito nagpunta matapos ang lahat. Alam mo kung bakit? kasi tanga ako. Isa akong malaking tanga na hanggang ngayon eh umaasa na darating ka. At dumating ka nga. And that's more than enough for me. Masaya ako na pinuntahan mo parin ako sa kabila ng lahat. Wala akong intensiyon na sirain kayo ni hiro. Pero sana hindi na makarating to sa kaniya. Ayaw mong masaktan yung kapatid ko. Alam kong magiging masaya ka sa kaniya at magiging masaya siya sayo. Dun lang masaya na rin ako. Makita ko lang na masaya yung dalawang taong importante sa buhay ko okay na ako. Oo, masakit yun sa part ko pero anong magagawa ko? wala naman diba? tsaka alam kong mamahalin ka talaga ni hiro ng buong buo kaya mapapanatag na rin ako. yun lang. salamat sa pag punta" sabi ko at tumayo na tsaka pinampag yung suot ko. Inabot ko yung kamay ko kay Sky para tulungan siyang tumayo. Nang makatayo na siya ay nagsalita akong muli.

"Thank you. Kasi sa wakas nasabi ko rin lahat nang to sayo" sabi ko at biglang may tumulong luha mula sa mata ko. Agad ko namang pinunasan yun at ngumiti kay Sky.

"sorry di ko mapigilan eh. Sige mauna na ako, baka hindi ko na mapigilan to at maiyak lang ako ulit eh haha" sabi ko habang pilit na tumatawa. Tumalikod na ako sa kaniya at nagsimula nang maglakad palayo. Pero hindi pa ako nakakalayo ay napahinto ako sa sinabi niya.

"oo, tanga ka nga. ANG TANGA TANGA MO!!!" sigaw niya sa akin. hindi ako makagalaw. hindi ko magawang lumingon ulit sa kaniya.

"ano aalis ka nang ganun na lang?! hindi mo manlang ba aalamin yung nararamdaman ko? hindi mo papakinggan kong anong masasabi ko?!" sabi niya.

"para san pa? wala na. tapos na" sabi ko. hindi na siya sumagot. sana tama lang tong ginagawa ko. Hahakbang na sana ulit ako paalis pero biglang may kamay na humila sa akin at pinaharap ako sa kaniya, si Sky. Halata yung inis sa mukha niya ngayon. Pero labis kong ikinagulat yung sunod niyang ginawa.















*blaaaag!*

napaupo na lang ako sa sahig. Wait, let me replace that. Bumagsak ako sa sahig dahil sa ginawa niya!

s-sinapak niya ako?!

napahawak ako sa labi ko at nakaramdam ako ng sakit. Shit! dumudugo yung labi ko! Ang lakas ng sapak niya!

"siguro naman ngayon natauhan ka na?!"

"ano bang problema mo?!" inis na sabi ko. shet yung labi ko talaga! tsk!

"ikaw! ikaw yung problema ko! bwisit ka! ginugulo mo isip ko!" sabi niya at lumapit sakin sabay hawak sa magkabilang kwelyo ko para itinayo ako sabay sinapak ulit ako. this time, sa kabila naman! takte! bubugbugin ba niya ako?! di na lang ako pumalag. siguro galit siya sakin. di ko naman siya masisisi eh.

"Paano mo nasabing ilang beses mo nang tinangkang magconfess? Ito yung una sa pagkakaalam ko" sabi niya.

"Sa rooftop. Binigyan din kita ng sulat nun para makapagkita sayo sa rooftop pero hindi ko nagawang puntahan ka that time kasi nagkaproblema" sagot ko.

"What? Rooftop?" Nagtatakang tanong niya.

"Let's talk again next time. I need to confirm something" dagdag pa niya at umalis na habang ako parang tangang nakatulala doon at hindi alam ang gagawin. Hayss bahala na!








































End of chapter 16!

#MoriTakaHiro-OOR

When a Rock star falls in love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon