Direwolf of Ice

20 0 2
                                    

Mamita sherann0588 pahiram muna ako kay Claude. Hehe

...

"Shit!" Napamura ako ng magalusan ang aking braso habang tumatakbo, kung kailan ba naman nagmamadali ako. Kailangan ko na naman tuloy magsuot ng leather jacket sa kainitan ng panahon, paano ko ba naman ito maipapaliwanag sa ka-gang ko?

"Ylanes!" Napatigil ako sa pag-takbo ng may tumutok na baril sa aking sintido. Kamalas-malasan nga naman!

"Akin na ang USB, Ylanes." pag-uutos niya, "Ibigay mo na, kung hindi ipuputok ko ito sa bungo mo." Dagdag niya pa. Napangisi na lamang ako sakanya atsaka tuluyang humagalpak ng tawa, akala niya ba matatakot niya ako sa pagtutok ng baril niya?

"Iputok mo." sambit ko na ikinagulat niya. "Iputok mo!"

"Gago ka ba?! Hindi ka ba takot mamamatay? Akala mo ika-aangas mo yang pagpapakabayani mo-" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil sinipa ko ang kanyang kamay na siyang ikinabitaw niya sa baril na kanina'y nakatutok sakin. Sinipa ko ang kanyang dibdib at tuluyang siyang napahiga.

"Paglilinaw ko lang, hindi ako nagpapaka-bayani, trabaho ko lang ang protektahan ang Master ko." Umupo ako sa harap niya at itinuktok ko sakanyang noo ang impormasyong nakalap ko na nakalagay sa USB. "Kung ano man ang laman nito, panigurado ikasisira ng reputasyon niyo."

"Sa tingin mo nanalo ka na Ylanes dahil napatumba mo 'ko?" Humagalpak siya ng tawa na ani mo'y isa siyang baliw na kumawala sa Mental. "Look at me Ylanes. Look at my face. This is the last face you've ever see before you die." Aniya

"It wont happen, unless I kill you right now." Inabot ko ang Dagger na kanina pang nakatago sa aking likuran at ipinusisyon ko para tuluyan na ang lalaki.

"Or I kill you, Ylanes the wolf." Narinig ko ang pagkasa ng baril sa likuran ko, napapikit na lamang ako.

Not again.

Sinuntok ko ang lalaking nakahiga at agad naman itong nakatulog. Mabilis akong umikot para sipain siya ngunit napahinto ako sa aking gagawin ng makita kong nakahiga na ang lalaki at mukhang nakatulog ito. Kasabay no'n ang paghatak sa akin ng isang babaeng may hawak na dos por dos.

"Bilisan mo!" Aniya. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya sa pagtakbo. Nang makalayo na kami, binitawan niya ang braso ko atsaka umupo sa gilid.

"Sino ka ba?" inis na tanong ko.

"Ganyan ka ba magpasalamat sa taong sumagip sayo?" Tumingin siya ng masama sa akin habang hinahabol ang kanyang hininga.

"Sino bang may sabing sagipin mo ko?"

"Paanong hindi kita sasagipin, eh papatayin ka na do'n!"

"Hindi naman ako mamamatay." Tinalikuran ko na siya para umalis.

"Hey, wait!" Mabilis siyang tumayo at sumunod sakin. "What do you mean? May powers ka ba kaya hindi ka namamatay?"

"Are you crazy? 'e di sana kanina ko pa sila pinatay kung may kapangyarihan ako-" Napahinto ako at sinapo ang aking noo.

"Malay ko bang katulad ka rin ni Goblin tapos ako yung bride mo." Narinig ko pang tumawa siya pero wala akong maintindihan sa sinabi niya. Naihilamos ko na lang ang aking palad sa mukha ng maalala ko ang nakalimutan kong gagawin.

Holy! I forgot to kill 'em.

Kung hindi sana ako hinila ng babaeng 'to, malamang wala na sa mundong ibabaw yung mga gagong 'yon.

"Anong you forgot to kill them? May balak kang patayin sila?" Walang tigil sa pagtatanong ng babaeng makulit sa akin.

"How did you-"

"You said it out loud!"

"Narinig mo naman pala-"

"Then why would you kill them?-"

"Shut the fuck up, will you?!" Natahimik siya at tumiklop ang bibig niya ng marinig niya akong sumigaw. Mabuti naman, tangina kasi ang ingay ingay! Ngayon lang ako nakakilala ng babaeng putak ng putak.

Kilala? Hindi ko nga siya kilala.

"Sino ka ba?" Inis na tinanong ko muli ang kanyang pangalan habang naglalakad.

"I am Ice. I mean, Icelle Kaydee." Ngumiti siya akin ng matamis habang ang kamay niya ay nasa kanyang likod, napauwang ang aking labi dahil ngayon ko lang napansin ang kanyang itsura. "You? Anong pangalan mo?" Napahinto ako at tumikhim muna ako bago ko siya tuluyang sinagot.

"I am direwolf."

"Direwolf?"

"I mean, Claude. Claude Ylanes." Maglalakad na sana muli ako ng marinig kong tinawag siya.

"Kaydee. What are you doing there?"

"Ken? Nothing! Sabay na ko sayo." Bumaling siya akin atsaka ngumiti. "Alis na ko Mr. Wolf! Bye!" Lumapit muna siya akin at ikina-kunot lalo ng aking noo. Naramdaman ko na lamang ang labi niya sa aking pisngi na siyang ikinalabog ng dibdib ko.

Napalingon ako sa kanya ngunit wala na siya sa harap ko, pati na rin ang kotse kanina.

Tangina, ano yon?

"Ice, huh."

Direwolf of IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon