Elsa's Syndrome

8 1 0
                                    


---

"Kaydee!" Huh?

"Kaydee, kapit lang! Malapit na tayo sa ER." Rinig ko ang bawat sigaw ng pamilyar na boses habang humihikbi, hindi ko alam kung bakit ngunit iminulat ko ang aking mata para makita kung sino ito. Malabo ang aking paningin dahil sa mga ilaw ngunit agad kong nakilala ang babaeng nakayuko sa akin.

"Yu..ko" Nanlaki ang mata ni Yuko na para bang hindi makapaniwala sa pagbanggit ko ng pangalan niya.

"Holy Jesus, Kaydee! Magiging okay rin ang lahat, maging ikaw." Aniya kasabay no'n ang pagpatak ng tubig sa aking mukha. "Wag mo kaming iiwan." Hinawakan niya ang aking kamay, ngunit agad ring bumitaw dahil may mga pumigil sakanya.

Bakit?

..

Napahawak ako sa aking labi ng maalala ko ang nangyari kanina. Ba't ko ba hinalikan ang estrangherong iyon? Siguro nasanay lang ako, dahil ganoon ang pagpapalaki sa amin ni Kenny ng aming ina.

Pero ba't ko hahalikan ang taong hindi ko naman kilala?

"Kyaaah!"

"Shit!" Agad nai-hinto ni Kenny ang sasakyan na siyang ikinasubsob ko.

"Kaydee! Wag mo nga ako ginugulat!" Inis na bumaling sa akin si Kenny. Napanguso na lang atsaka siya tinarayan. Bakit ba naman kasi ang sungit sungit ng kasama ko!

Kamusta na kaya si Mr. Wolf?

Wala naman na sigurong humahabol sakanya, hindi ba?

O baka bumalik ulit siya para tapusin ang buhay ng mga goons na iyon? Oh noes!

Napapikit na lamang ng maisip ko 'yon. Pinaglaruan ko na lamang ang radio ng sasakyan para may mapaglibangan ako. Hindi naman siguro babalik si Mr. Wolf doon, bakit ba kasi siya hinahabol ng mga 'yon?

Hindi kaya...

"Omg! I kissed a Murderer!" Napaayos ako ng upuan at tumingin kay Ken na ngayo'y na sakin ang atensyon. Nakakunot ang noo nito at nakatingin sa akin na para bang isa akong baliw. Napatikhim na lamang ako at pinatay ulit ang radyo bago sumandal sa upuan. Mahirap na, baka idiretso ako ng kapatid ko sa Mental.

"Kaydee." Tawag sa akin ng Kapatid ko. Kinilabutan ako, dahil mas malamig pa sa nyebe ang boses nito. "Check your seat belt."

"What?!" Napaawang ang aking bibig sa sinabi niya. "K-Kuya?"

"Just check it Kaydee, damn it!" Mabilis akong kumilos atsaka ininspeksyon ang seatbelt kung may sira ba ito.

"O-okay naman. Kuya, ano ba meron? Sira ba ang preno?"

"No, someone's following us." Kumalabog ang dibdib ko, sa sobrang lakas nito tila ba kakawala na ito. Napatingin ako sa likod at mayroon ngang itim na kotseng nakasunod sa amin.

"Get the life size teddy bear and Hug it Kaydee." Sumunod naman ako sa utos ni Kenny. At maya-maya'y bumilis na ang takbo ng kotse.

Sheez.

"Kuya?"

"Calm down, makakauwi tayo ng maayos Kaydee." Saglit itong bumaling sa akin atsaka ngumiti.

Sana nga. Sana nga.

Pinatakbo ni Kenny ang kotse ng mas mabilis kaysa kanina kaya't napayakap ako ng mahigpit sa Teddy Bear. Kasabay no'n ang pagputok ng isang gulong sa Kotse ni Ken. Nagpaikot-ikot kami, tumama ang ulo ko sa gilid atsaka bumangga sa puno.

I look at my brother and check if he's still alive. May dugong tumatagas mula sa kanyang ulo pababa, nakasubsob ang mukha nito sa Airbag.

"Kay..dee." I heard him called my name and my eyes went black.

"KUYA!" Mabilis kong inimulat ang aking mata, ramdam ko ang malalakas na tibok ng aking puso para bang galing ako sa isang masamang panaginip.

Panaginip?

Nilibot ko ang aking paningin atsaka ko napagtanto na nasa ibang lugar ako. Hindi ito ang aking kwarto.

Tatayo sana ako ngunit agad akong natigil dahil naramdaman ko ang hapdi sa aking pulso na para bang may nakaka-kabit rito. Aakmang tatanggalin ko na ito ng may biglang pumasok sa kwarto kung nasaan ako.

"Kaydee? What are doing?!"

"Ate Yuko.."

"Ba't mo tinatanggal ang mga yan? Pero mabuti nama't gising ka na." Lumapit ito sa akin at niyakap ako.

"Si Kuya?"

"He's okay." Ngumiti siya sakin at hinawakan ang aking pisngi. "Mabuti na lang, at naging maayos kayo. Pinag-alala niyo ako." Tumulo ang kanyang luha pero agad niya rin ito pinunasan.

"Ate, gusto kong lumabas." Tumingin muna ito sa akin bago tumawag ng doktor. Pinayagan naman akong magpahinga sa labas ng Ospital, nakaupo ako sa wheel chair dahil hindi pa ako makakilos ng maayos. Ngunit sa paglabas namin sa Kwarto, may kakaiba akong naramdaman. Pakiramdam ko may nagbago sa akin, tinanong ko si Ate Yuko kung may nagbago sa aking itsura pero wala naman daw.

Pero may mali talaga.

May mali sa akin,

Lalo na nung may hawakan akong isang tao. Naging malamig ang aking pakiramdam, kasing lamig ito ng nyebe. Tumingin ako sa mata ng taong kaharap ko at doon ko nalaman na may mali sa akin.

"Blade," sambit ko.

"Huh? Pano mo nalaman pangalan ko?" Agad niyang binitawan ang aking kamay at tumitig sa akin. "Ang weird ng kamay mo, mas malamig ka pa sa bangkay." Aniya at umalis siya ng may pagtataka.

I saw it.

I saw what kind of person he is.

Pero bakit ako may ganito?!

"Blade! Nasan na yung pagkain ko."

"Ito na, nilagyan ko pa ng lason."

"Gago!"

"Pero Claude, ano bang nangyari sayo?"

"Wala."

Agad ako napatingin sa mga lalaking nagkukumpulan para mag-asaran, akala siguro nila nasa Club sila kaya ganiyan sila umasta. Napatingin muli ako kay Blade na ngayon ay nakatalikod na sa akin, naaalala ko sakanya ang lalaking nakilala bago kami maaksidente.

"Wow, Lasagna! Penge ako!"

"Patay gutom ka talaga Galvez!"

"Tangina, kayo ba si Claude? Kayo ba ang na-Ospital?! Akin na nga yan!" Claude? Lumingon ako muli sa mga lalaking nagkukumpulan at hinanap ang nagmamay-ari ng boses na iyon ngunit wala na sila.

Kung hindi ko siya iniligtas, wala na siya ngayon.

Kung hindi ko siya iniligtas, malamang hindi rin kami naaksidente ng kapatid ko.

May kinalaman ba sayo ang taong sumusunod sa amin? Ikaw ba ang dahilan kung bakit nangyari yon? Ikaw nga ba ang dahilan..

"Wolf?"

Direwolf of IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon