I am a Monster

4 0 0
                                    


..

Matapos malaman ng Black Kings ang tinatagong kawalanghiyaan ng mga Imperial, hindi na rin sila nagtagal sa Ospital at umalis na upang makapag-isip. Marahil, sa nalaman nilang masamang balita mula sa impormasyon na aking nalaman. Hindi lang pala ang tatay ni Vinci ang balak nilang tugisin, pati na rin ang buong pamilya ng Gang namin na sangkot sa mga Estude noon.

Bakit nila ito ginagawa? Hindi ko rin alam. Maging ako nagtataka, kung bakit ganoon na lang kalaki ang galit nila sa pamilya namin.

"Claude," umayos ang kapatid ko sa pagkakaupo at tinitigan ako ng mabuti, "you're still hiding something."

"Wala na, why would I do that?" napatawa ako ng mahina bago umiwas ng tingin, tumingin na lamang ako sa bintana upang hindi siya makahalata. Halos mapamura ako sa bilis ng pakiramdam ng kapatid ko.

"Claude, kilala na kita simula pagkabata. Alam kong may tinatago ka pa, bakit kailangan mong itago sa amin? Kahit sa akin?" Nakatayo na siya mula sa pagkakaupo at inis na tumitig sakin.

Bakit ko nga ba itinatago?

Paano ko ba ipapaliwanag ang lahat, mula sa pag-gising ko may mga pagbabago na sa akin. Wala sa itsura at postura ng aking katawan, ngunit may kakaiba akong pakiramdam na wala ang iba. Mas luminaw ang aking mata, hindi lang basta normal na pag-linaw, kaya kong makita ang isang tao, hindi ko alam ang eksaktong metro ngunit hindi normal na layo--mas malayo kumpara sa normal na layong nakikita ng tao. Kung noon ay intuition lang ginagamit ko kung saan mahahanap ang mga kalaban mula sa impormasyon na nakukuha ko, ngayon ay tumalas ang pang-amoy ko at kaya kong hanapin ang isang tao sa pamamagitan ng amoy niya. At hanggang ngayon, naaamoy ko pa rin ang Black Kings na kanina pa umalis sa Ospital, at base sa amoy nila, alam kong papauwi sila.

Parang akong hayop na mabilis makiramdam. Hindi, ganito talaga ang pakiramdam ng isang hayop. Napapikit na lamang ako at napahawak sa aking noo ng kumirot ito.

"Claude? Tell me.." Malumanay na pagkakasabi ng aking kambal at taimtim akong tinitigan, "What are you hiding?" malungkot akong tumitig sakanya at umiwas muli. Huminga muna ako ng malalim atsaka ko napagtanto na may nakalimutan akong sabihin kanina.

"Blade, they saw me."

"What?"

"Noong nag-iispiya ako, napag-alaman nilang may nakapasok na hindi nila ka-miyembro," tumingin ako kay Blade at patuloy na nagkwento, "At doon nila ako nakita, kaya naman mabilis kong inagaw ang USB at tumakbo papaalis."

"Naabutan ka ba nila?"

"Oo, they know me. They know our family and what my position in our family--they know that I am the wolf." Napapikit na lamang si Blade at narinig ko ang iba't ibang mura na lumalabas sa bibig niya. "I'm telling you this, for you to be careful, Blade."

And there's also one thing that I haven't tell you, brother.

I am a Monster.

...

"Hoy bugok, hindi naman kailangan yan sa bahay! Tanggalin mo nga yan!" Inis na sigaw ni Yance kay Vinci, pinanlalakihan na niya ng mata ito ngunit para bang hindi siya nababahala sa binibigay na titig at aura na bumabalot sa ikalawang leader ng Black Kings. Naatasan kami ng kapatid ni Master Aisha na si Thalia mag-Grocery, wala naman kaming palag dahil under si Yance sa soon-to-be-girlfriend niya. "Tangina Galvez, wag kang maglagay ng pagkain na ikaw lang ang kumakain."

"Ihiwalay mo ang mga kinukuha niyan, mamaya ma-short tayo at wala pa tayong maipambayad," ani Rowan. "Siya ang pagbayarin niyo ng kinuha ng patay gutom na yan!"

"Dude kapag na-short naman tayo, nandyan ka para iligtas ang mga nabili natin." Nakangising sabi ni Vinci kay Rowan, "Ikaw ang ibabayad namin."

"Gago, expired na yan si Rowan, walang tatanggap diyan." Natatawang sabi ni Eugene na siyang ikina-hagalpak namin lahat.

"Ulol! Anak ako ng artista, kung sino man ang hindi ma-charm sa kagwapuhan ko may sayad sa utak yon."

"Nakaka-awa talaga si Mr. Wales, nagkaroon siya ng walang kwentang anak," pang-aasar ni Vinci na muling ikinatawa ng lahat, babatukan sana ni Rowan ang gago pero mabilis na nakaiwas ito.

Isang buwan na ang nakalipas simula no'ng na-Ospital ako, at sa awa naman ni Lord ay wala pang nagyayaring masama sa amin, sa mga Estude at sa pamilya namin. Naka-pila kami para magbayad ng mga bilihin sa Cashier, nag-aasaran pa kami ng biglang may narinig kaming putok ng baril, napahinto kami sa pag-aasaran at napalingon kung saan namin narinig ang putok ng baril. Napansin namin ang maraming tao na nagkakagulo at ang taong naka-bulagta, isang metro ang layo mula sa amin. Mabilis akong tumakbo sa crime scene, atsaka inexamin ang biktima.

"Tumawag kayo ng pulis!" ng ine-examin ko ang taong nabaril, may napansin akong papel na hawak nito. Kumuha ako ng panyo atsaka ko hinatak ang papel, binuklat ko ito at agad kumalabog ang puso ko.

Umupo sa tabi ko sa Vinci at may binulong sa akin, "Brad, hindi ka si Detective Conan, umalis na tayo dito."

Tumayo na kami, atsaka lumapit kay Yance. Binigay ko sakanya ang papel na siyang ikinataka niya.

"Nakita ko yan hawak ng biktima," binuklat ni Yance ang papel at napansin ko ang nagtagis ang bagang nito.

"Nagsimula na silang gumalaw," Aniya.

Muli kaming nakarinig ng putok ng baril at doon na kami nagsimulang tumakbo, inabot sa akin ni Yance ang papel bago tuluyan kaming naghiwa-hiwalay. Napahinto ako ng makaamoy ako ng gun powder na nang-gagaling sa papel at tila ba dinadala ako nito sa lugar kung sino ang may ari ng amoy na 'yon, mabilis kong sinundan ang amoy--palakas ng palakas ang amoy nito. Hahabakang sana ako pakaliwa ng may mabundol ako.

Shit!

Mabilis akong tumayo upang sundan ang amoy ngunit napahinto ako ng may humila sa akin pabalik.

"Wolf?" Biglang kumalabog ang dibdib ko ng mabanggit 'yon, walang nakaka-alam na ako ang wolf sa pamilya namin liban na lang sa mga Imperial, kaya naman agad akong lumingon. Bahagyang napauwang ang aking labi ng namukhaan ko kung sino ito.

"Ice.."

Direwolf of IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon