Dang it, I lost him!

6 0 0
                                    


..
..

"You!" dinuro ako ni Ice habang mahigpit na hinawakan ang aking braso.

"Me?!" nagtatakang saad ko, hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang reaksyon niya ngunit wala akong oras makinig sa kung ano man ang problema niya sakin.

"Yes you-" pinutol ko agad ang sasabihin niya at nagsalita, "Ice, I don't have time for this. Kailangan ko ng umalis." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin, at mabilis na tumakbo.

Shit!

Hindi pwedeng makatakas ang gagong 'yon.

Sinundan ko ang amoy ng misteryosong lalaki na nagpaputok ng baril, ngunit habang tumatakbo ako palayo sa mga kaibigan, unti-unti namang nawawala ang amoy ng lalaking 'yon.

Tangina!

Mas binilisan ko pa ang aking takbo hanggang sa tuluyan ng nawala ang amoy. Goddamn it! Kahit mas may advantage ako na mahuli sila, wala pa rin akong nagawa. Fuck! Fuck! Fuck! Naisipa ko na lamang sa kawalan ang aking kaliwang paa dahil sa frustrations na nararamadaman ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagpapakalma ng sarili ko ng may humawak sakin,

"Gurabeh..bilis..mo..talaga..tumakboh. Hoh!" aniya na nakahawak sa dibdib at tila ba'y nahihirapan sa pag-hinga.

"Ice?"

"Hindi ka man lang hiningal? Samantalang ako nahihirapan ng huminga. Hah." Iniayos niya ang kanyang sarili sa pagkakatayo, nakapameywang siya at tila nahihirapan pa rin.

"Kailangan natin mag-usap," aniya.

"For what?"

"Kasalanan mo ang lahat ng ito. Ang mga nangyayari sakin!" What is she talking about? Anong kasalanan ko? Sa pagkakaalam ko siya ang may kasalanan sa akin. Una, kung hindi siya dumating noong nakikipaglaban ako sa isang pinagkakatiwalaan ng mga Imperial, eh di sana wala na sa mundong ibabaw. Pangalawa, ninakawan niya ako ng halik. Pangatlo, umepal na naman siya sa harap ko ng may importante akong hinahabol.

"Kabote ka ba?" Seryoso kong tanong, dahil bigla na lang siyang sumusulpot sa kung saan saan.

"Hoy! Hindi mo ako madadaan sa pick up lines mo. Ako si Icelle Kaydee Lee, hindi ako marupok--wait." Huminto siya sa pagsasalita at agad hinablot ang aking kamay. "What the--paanong--wala akong makita--why?" saad niya na 'tila ba naguguluhan siya.

"The hell are you doing?"

"Wala akong makita! Ngunit bakit?!! Paano?!!"

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo Ice. Ano ba! Pakitanggal na ang pagkakahawak mo sa akin." Naiirita na talaga ako dahil bigla na lang niya ako hinahawakan.

"Pero--" hinablot ko ang kamay ni Ice na kung saan ay hawak ko rin ang papel na may threat ng Imperial.

"Ice, ano ba!"

And then, she passed out.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Direwolf of IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon