Kabanata 3

12.4K 58 0
                                    

POV OF LIEZEL

Maganda ang gising ko parang nabawasan ng limang-taon ang edad ko iba talaga kapag nadidiligan ka, pinagmasdan ko ang asawa ko ang gwapo niya tignan habang natulog halatang na pagod sa matinding pagsasanib naming dalawa kagabi. Naamoy ko naman ang isang masarap pagkain niluluto mula sa kusina kaya bumangon na ako at hindi ko muna ginising si Ian dahil sunday ngayon wala siyang pasok.

Nag-tungo ako sa kusina na datnan ko si Alessia, Na nagluluto ng almusal naming mag-asawa, binati ko naman siya at kinamusta ang pagtulog niya. Baka kasi namahay ito at hindi naka-tulog.

"Kamusta naman ang tulog mo Ale" tanung ko sa kanya, habang naghihilamos ako ng mukha.

"Mabuti naman po" sagot niya sa akin habang hinahango ang itlog na pinipirito niya.

"Namahay kaba?" Napansin ko kasi ang mga mata niya parang nangingitim at malaki ang eye bag halatang nagsisinungaling si Alessia sa akin na maayos ang pagkatulog niya kagabi.

"Hindi naman po ako namahay Ma"am Liezel sa katunay nga po napa-aga ang gising ko dahil sa maaga ako pagka-tulog" tugon niya sa akin.

"Halata nga agad mo" sabay ngiti ko sa kanya.

Umupo ako sa dining table kung saan niya inihain ang mga niluto niyang umagahan para sa aming mag-asawa,

"At nga pala Alessia tawagin mo nalang ako Ate Liezel wag nang Ma'am parang ang taas ko naman lagi naman kita makakasama sa bahay kaya ate nalang at sayo naman anu ang itatawag ko sayo masyado kasing mahaba ang pangalan mong alessia" sabay ngiti ko sa kanya

"Sia nalang po dahil iyun ang tawag nila sa akin"

"Sige, Sia nalang ang itatawag ko sayo" bigkas ko sa kanya nang hindi ko napansin nasa likuran na namin si Ian

"Ang sarap naman ng niluluto ninyo, Nagising tulog ako dahil sa amoy" singit nito at sabay unat ng kamay

"Hindi naman ako ang nagluto Hon kundi si Sia ang nagluto" sabi ko,

"Wow, masarap pala mag-luto ni, Anu nga pala ang pangalan mo ulit?" Tanung niya

"Alessia po pero, tawagin nalang po ninyo Sia" sabay ngiti niya sa Mister ko,

Kumuha ng sinangag na kanin si Sia at inihain sa lamesa, habang si Ian naghihilamos at umupo sa sige ng table kung saan umupo ang padre de pamilya sa lamesa. Habang kumakain kami napansin ko hindi mapakali ang mata ni Ian lagi ito naka-tingin sa kay Sia

"Kuya Ian, Coffe po" alok ni Sia

"Sige" sagot ni Mister sa kasambahay namin, napansin ko din ang pagpapatimpla ng kape ni Ian sa dalaga dahil simula ng nagsama kami hindi pa ito nagpatimpla ng kape sa akin, kaya na iistock lang ang kape sa cabinet dahil hindi ito kadalasan na gagamit,

"Sir, ito na po ang kape inyo" nilapag na ni Sia ang kape, napansin ko ang bigla pagkatitig ni Ian sa hita ni Sia. Naka-sexy short lang kasi ito kaya labas ang bilugan at makinis na hita nito sa tingin ko naman hindi naman ito naakit sa dalaga kasambahay namin. O baka humahanga ito dahil magaling ito magluto.

Masarap kasi ang luto ni Sia kahit sinagag na kanin lahat, Malalasahan mo talaga iba ang pagkaluto niya

"Ang sarap ng sinagag mo Sia, napa-dami tuloy ang kain ko" biro ko, ngumiti lang siya sa akin habang patuloy si Ian nalantakan ang natitira.

Tumunog ang doorbell, alam ko na kung sino ang parating walang iba kundi GD kaibigan ni Ian dito sa village namin, tuwing sunday pumupunta iyon dito para ayain si Ian na magbasketball.

"Sia ako na ang magbubukas" sabi ko tumalima naman siya na ako magbubukas ng pintuan.

POV OF ALLESIA

Kinakabahan ako, dahil ako at si Kuya Ian lang ang naiwan sa kusina at baka sitahin niya ako sa nakita ko kagabi.

Pinakaramdam ko lang siya kung sisitahin niya ko para maihanda ko ang sarili ko sa mangyayari, unang trabaho ko ito at ayaw kong mawala habang naghihintay ako ng tawag ng ahensya inaapplyan ko papunta sa Japan para maging isang factory worker.

Nang hindi sinasadya magtama ulit ang mga mata namin ni Kuya Ian, kaya lalo hindi ako napakali dahil sa tingin na iyon. Nawala nalang ang pagtitingin namin ng dumating na si Ate Liezel at may kasama itong lalaki,

Ipinakilala ko ni Ate Liezel sa lalaki na may dalang bola ng basketball inaaya kasi niya si Kuya Ian na magbasketball sumangayon naman si Kuya Ian na sumama ito na magbasketball.

Natapos na kumain, kumain na rin ako pagkatapos ko kumain niligpit ko na ang pinangkainan namin at hinugasan pinggan at nilinis ko na din ang lahat ng sala, kusina, banyo at ang kwarto nila mag-asaw at anak niya pati na rin anh aking kwarto at bawat kwarto ay kinuha ko ang mga damit na madudumi at nilagay sa labahan para bukas malabhan na, Umalis kasi si Ate Liezel para mag-withdraw ako nalang ang naiwan sa bahay, napag-luto na rin ako ng tangalian para kapag dumating sila may kakain na sila,

May nag-doorbell kaya nag-tungo agad ako sa pintuan para tignan kung sino, isang bata nasa walo hanggang sampu ang edad ang pumipindot ng doorbell. Kaya pinuntahan ko para tanung ang kailangan niya parang naman nagulat dahil nakita ako, tumakbo naman ang bata papunta sa taxi kung saan may kinakausap.

Tinanaw ko kung sino kinausap ng bata si Ate Liezel pala may bitbit ito ng mga plastik na puno ng grocery kaya pinuntahan ko para tulungan.

Bigla naman tumawa si Ate Liezel dahil akala ng anak niya na magnanakaw ako, ipinakilala naman ako ni Ate Liezel sa anak niya na ako ang bago nilang kasambahay.

Simula noon maganda naman ang unang araw ko bilang katalung sa Pamilyang De Una hindi ako gaano na hirapan.

AlessiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon