Kabanata 8

8.3K 37 1
                                    

Nagising ako dahil sa sigaw ng kundoktor, dahil papasok na kami sa lungsod ng kamaynilaan. pagmulat ko palang ng aking mga mata bumungad sa akin napaka-daming sasakayan at malalaking gusali nasa TV ko lang napapanuod. Hindi na ito katulad ng dating luntiang berde nakikita ko sa aming bayan nakakapaso na rin ang init ng araw at may kasamang usok na din ang hangin. Kaya totoo na nga ito na ako sa dating kong pinanggaliganan.

"Iyong mga baba ng baliktawak paki-punta nalang po dito sa harapan" sigaw ng kundoktor

Tumigil sandali ang bus naming para ibaba ng mga iilang pasaherong baba. Tuminggin ako sa paligid nakakahanga dahil sa dami ng tao na hindi mo mabilang dahil hindi mo alam kung saan-saan nanggagaling.

"Anak, ayusin muna ang gamit mo at baba na tayo" saad ni Nanang dahilan para mapukaw ako sa kanya, Simula ng umalis kami ni Nanang napansin ko na malungkot na si Nanang at tahimik hindi ko alam kong bakit siya malungkot at tahamik, hindi ko alam kong anu ang dahilan kung bakit siya malungkot, ayoko din naman mag tanung kung bakit. Kaya ipinukaw ko lang ang sarili ko sa mga naglalakihan na gusali at train na dumaraan sa gitna ng kalsada at inayos ko nalang ang lahat ng gamit na pinadala niya sa akin ni Nanang, Para handa kong baba na kami.

"Magsi-handa na po kayo last na baba na po natin cubao terminal" sigaw ng kundoktor.

Nang makarating na kami sa terminal sumakay agad kami ulit ng isang bus na naka-lagay sa signage SM MOA, at bumaba sa Guadalupe at sumakay ulit ng Jeep patungo naman sa Village ng aking Tiyahin.

Punto ala-una dumating na kami sa village ni Nanang, bumaba kami ng tricycle sa isang kulay asul na bahay na bagong pintura pa yata dahil sa hindi kupas ang pintura ng bahay. i-sakto pagbaba namin ni Nanang atsaka pag-lumabas naman nang aking tiyahin na may dalang bayong.

"Caring"anas ni Nanang sa babae.

"Lolita ikaw ba yan" sabi ng babae na parang na mamalik-mata.

Nang lumapit na si Nanang sa tiyahin ko atsaka para na tauhan ang tiyahin ko na hindi siya makapaniwala nasa harapan niya ang kababata niyang kapatid. Yumakap ito ng mahigpit na parang ngayon lang nagkita.

"Sino iyang kasama mo Lolita?" tanung ng tiyahin ko.

"Anak ko nga pala Caring"

"Dios ko, ito naba yung anak ni Chow" sabay hawak ng tiyahin ko sa aking balikat. Animo'y parang nakakita ng multo nang nakita ako.

"Ang ganda babae naman pala, Iha anung pangalan mo?" tanung niya sa akin

"Alessia po"saad ko

"Ang ganda ng pangalan mo bagay na bagay sayo" biro pa niya

Pinapasok kami ni Chang Caring sa loob ng bahay, hindi naman ito kalakihan sakto lang daw ito sa kanya iisang anak na lalaki. Wala na rin ang kanya asawa dahil namatay ito sa gyera sa basilan.

"Simula ngayon Alessia Chang Caring nalang ang itawag mo sa akin" anas niya sa akin

"Sige po Chang".

"Caring pwede ba kitang makausap na tayong lang dalawa" singit naman ni Nanang

Nilisan nila Nanang at Chang Caring ang sala para lumabas para doon sila magusap ng masinsinan. Narinig ko umahagulgul si Nanang mula sa labas hindi ko alam kung bakit siya humahagulgul. Mga limang minuto yata sila nagusap atsaka bumalik sa loob. Pinunasan pa ni Nanang ang kanya mga mata para hindi halata na umiyak siya pero hindi mawawala ang mugto ng mata niya dahil sa pag-iyak.

"Anak, lumapit ka sa akin may sasabihin ako sayo" doon na nagsimula nagpaliwanag si Nanang na dito na ako maninirahan sa tiyahin ko.

Nang pinaliwanag niya halos mapaluha ako dahil hindi ko na makakasama si Nanang simula ngayon.

"Anak, iiwan na kita dito sa tiyahin mo, susulat nalang ako para minsan makamusta kita"halos pigil ang pagluha ni Nanang habang nagpapaalam siya sa akin. pinagmamasdan ko siya hanggang pagsakay niya nang tricycle. Halos bumuhos ang lahat ng luha ko sa paglisan ni Nanang sa akin.

Apat na taon ang lumipas nang simula dito na ako nanirahan sa maynila nakapag-tapos na rin ako ng pag-aaral kahit 2 years course lang dahil pinag-aral ko ng Chang Caring hindi naman sila mahirap pakisamahan dahil mabait naman ang mag-inang Jerome. Lalo ha si Jerome na naging matalik kong kaibigan kahit tagilid ang pagigint lalaki nito dahil pusong mamon din pala. tumutulong lang ako sa mga gawain bahay para kahit papaano makakatulong ako kay Chang at para maibsan ang gwain niya.

Halos tatlo buwan bago dumating ang sulat ni Nanang para kamustahin ako ang lagi saad niya sa sulat pagpasensyahan ko dahil hindi siya maka-dalawa sa akin kahit sa graduation ko hindi siya naka-attend.

Pagka-graduate ko nag-apply agad ako sa isang agency para sa aboard ako makapag-trabaho sabi kasi ni Chang mas maganda daw sa ibang bansa kaysa dito sa Pilipinas kaya sumangayon nalang ako.

Dahil tatawag nalang ako ng agency kapag pasok ako sa qualification kumpanya pagtatrabahuhan ko sa ibang bansa. Nang pauwi na ako nakita ko isang babae na nagpapaskil ng karantula sa tapat ng bahay nila na Wanted kasambahay, Kaya nakapag-isipan ko mag-apply para kahit paano may pera ako sa darating na tawagan ako ng agency.

Nakiusap ako kay Chang Caring kung pwede ako i-refer sa kapitbahay niya naghahanap ng kasamabahay, Una hindi sana ako papayag ni Chang pero sa huli pinayagan din niya ako.

Kaya ngayon nagttrabaho bilang kasambahay sa Pamily De Una.

AlessiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon