Long Distance Relationship: Joy & Adrian

4.8K 69 59
                                    


“If I never met you, I wouldn't like you.

If I didn't like you, I wouldn't love you.

If I didn't love you, I wouldn't miss you…

but I did, I do and I will.”

Ako si Adrian at si Joy and babaeng pinakamamahal ko. Miss na miss ko na si Joy pero wala naman akong magagawa kaya binuksan ko na lang yung laptop ko. Pagkabukas ko, siya agad ang sumalubong sakin. Nasa malayo na kasi si Joy at ito lang ang tanging paraan para makita ko siya. Kumaway siya sakin kaya’t kinawayan ko rin siya pabalik. Nakangiti siya. Miss na miss ko na yung ngiti niya. Gusto ko siyang yakapin pero alam kong hindi yun maaari kaya kinuntento ko na lang yung sarili ko sa ganito. Nagkwento siya sakin tungkol sa mga nangyari sa kanya. Ako naman, wala masyadong nakwento. Ang boring kasi ng buhay ko pag wala siya. Ilang araw ko na rin ‘tong ginagawa. Kailangan ko nang masanay sa ganitong set-up.

Kinabukasan, dinala ko yung laptop ko sa isang restaurant. Nakabukas lang yung laptop sa harap ko habang kumakain ako. Si Joy naman, kumakain din. Sa ganitong paraan, para na rin kaming sabay na kumakain sa isang lugar. Tiningnan ko siya ng maigi. Ang ganda ng suot niya. Bagay na bagay sa kanya. At ang mga mata niya, nakakatunaw pa rin. Nakikita ko pa rin ang saya sa mga mata niya.

Pagkauwi ko, sabay kaming nag-toothbrush ni Joy. Oo, dinala ko yung laptop sa loob ng CR para lang makita siyang nagsisipilyo rin. Laging ganito pag gabi. Hanggang sa pagtulog, sabay kami ni Joy. Iniiwan kong bukas yung laptop sa tapat ko para nakikita ko siya. Nag-good night na siya sakin sabay flying kiss. Sinalo ko yung halik niya at ginantihan ko rin siyempre ng halik. Pumikit na siya. Tinitigan ko lang siya. Mukha siyang anghel na nakayakap sa unan. Inisip kong ako yung unan na yun at inisip ko rin na siya yung unang yakap-yakap ko ngayon. Hinigpitan ko pa lalo yung pagyakap sa unan ko. Hanggang kailan ko kaya kakayanin na wala siya?

Ngayong araw, lumabas ako para bumili ng ice cream. Paborito kasi ‘to ni Joy at siyempre, dala ko yung laptop ko. Pumunta ako dun sa park na lagi naming pinupuntahan nung magkasama pa kaming dalawa. Pagkabili ko ng ice cream, umupo ako sa favorite bench namin. Sabay kaming kumain ng ice cream. Tuwang tuwa siya habang kumakain pero nakita ko yung lungkot sa mga mata niya. Kahit pa nakangiti siya, hindi niya yun matatago sakin. Malungkot na si Joy.

Birthday ko ngayon pero wala siya sa tabi ko. Kahit anong hiling ko na sana nandito siya ngayon, alam kong imposible yung mangyari. Wala na kong ibang nagawa kundi buksan yung laptop ko para makita siya. Kinantahan ako ni Joy. May hawak pa siyang cake na may kandila. Nakangiti siya habang kinakantahan ako ng Happy Birthday. Pagkatapos niyang kumanta, nag-wish muna siya tapos hinipan niya yung kandila. Pero pagkahipan niya, biglang dumilim. Tumigil na pala yung video.

Ngayon dapat ang araw ng kasal namin. Pumunta ako sa simbahan na nakadamit pangkasal dala ang huling CD na hindi ko pa nabubuksan. Umupo ako sa bandang harapan, malapit sa altar. Binuksan ko yung laptop ko at nilagay yung CD sa loob. Nagsimula nang mag-play yung video. Nakita ko si Joy na suot ang kanyang traje de boda. Ang ganda niya, pero mukha na siyang mahina. Wala na akong makitang saya sa mga mata niya. Siya pa rin ang Joy na nakilala ko, na nakasama ko, na minahal ko ng lubusan. Ngunit hindi na siya ang Joy na laging masaya.

“I’ve been waiting for this moment ever since we started dating. And you know I would definitely say ‘yes’..” She paused for a while and looked at the ground. “..if I was still around.” Then she looked back at me.

“Kung pinapanood mo ang video na ‘to, isa lang ang ibig sabihin nun – hindi naging successful ang operation ko. I’m so sorry. I couldn’t keep my promises. Sinabi ko sa’yong babalik ako pero hindi ko yun nagawa.” She frowned. “Baby, I hope my videos have kept you company. And I regret that I could only do so many. Sana kahit papano, napasaya kita sa ganitong paraan. I will not allow you to rewatch my videos. I want you to bury them by my grave. And please, delete all my messages. I want you to move on.” She started crying. “Gusto kong pasayahin mo ang ibang tao tulad ng ginawa mo sa akin. Mahal na mahal kita, Adrian. Always have, always will.”

Doon natapos ang huling video ni Joy para sakin. Hindi ko na napigilang umiyak dahil alam ko, pagkatapos nun, hindi ko na ulit siya makikita. Ngayon lang nag-sink in lahat sa akin. Wala na si Joy. At kahit kailan, hindi ko na siya mayayakap. Hindi ko na siya mahahalikan. Hindi ko na mahahawakan ang kamay niya. Hindi ko na masasabing mahal ko siya.

Pagkatapos ng ilang araw, pumunta ako sa sementeryo para dalawin si Joy. Ito ang unang beses na dadalaw ako. Siguro dahil ngayon lang ako nagkaron ng lakas ng loob na harapin siya. Dinalhan ko siya ng paborito niyang bulaklak. And as she asked, I burried the CDs by her grave.

“Joy, I’m sorry. I rewatched some of your videos. I couldn’t help it. I just miss you so much. I love you, baby.” Sinabi ko sa kawalan. Alam kong hindi niya yun maririnig, pero umaasa pa rin ako na somewhere, someday, magkikita kami ulit. At kapag nangyari yun, hinding hindi na kami magkakahiwalay.

__________________________________________________________

Copyright © 2012 by EmpressDreamer07

P.S. This was inspired by a short film I watched months ago. Sana magustuhan niyo :) Vote and comment please! ♥

Disclaimer: Joy's lines that are in English were taken from the short itself. But the rest of the words are mine. If you want to watch the short, feel free to leave a comment and I'll send you the link ;)

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now