~NICOLE~
"OTW na ko Mika ok? Wag ka na umiyak"
"Okay. Please bilisan mo"
Hays problema nanaman -_-
Si Mika, sya yung tinutulungan ko ngayon, classmate ko sya. Humingi sya ng tulong sakin para sa boyfriend nyang walang kwenta
Biruin mo yon, si Mika pa yung nangligaw dun sa lalake. Tas walang ibang ginawa si boy kundi awayin si Mika. Ilang beses ko na ngang pinagsabihan si Mika pero di sya nakikinig sakin eh.
"Mika, ano nanaman ba nangyari sainyo?"
"As usual, inaaway nanaman ako. Naghihinala nanaman sya. Akala nanaman nya may iba ako" ani Mika na tumigil na sa pag- iyak
"Ayoko na Nicole, ayoko na. Ititigil ko na 'tong kalokohang 'to. Di ko na kaya" aniya
"Dapat lang Mika, masyado ka ng nabulag sa kanya. Abuso na sya. Ano na balak mo?"
"Makikipag- break na ko. Naloloka na ko eh bahala sya sa buhay nya. Anyways, thank you Nicole ah. Thank you sa lahat lahat ng naitulong mo. Kahit na walang kwenta. Sorry kung di ako nakikinig sa mga warning mo sakin non. Sorry, ngayon ko lang na-realize na mali 'tong ginagawa ko. Sorry talaga naabala pa kita" medyo naluha sya habang nag speech sya sa harap ko
"Ok lang yan Mika, tama lang yang ginawa mo. Hayaan mo na sya ok? Focus ka nalang sa studies mo. ;)"
So yun na nga, nagising na din si poor Mika. Naaawa ko sa kanya kasi di na sya naka-focus sa studies nya, ang iniintindi na lang nya lagi ay ang solusyon sa away nila ni Kyle (si walang kwentang boyfie)
Well, fail 'tong mission na 'to
Sign na rin 'to na makakapag- pahinga naman ako
Pahinga as in wala kong pinoproblemang problema ng iba -_- puro aral lang at bonding with mah bestie
Habang naglalakad ako palabas sa school kong 'to, may biglang bumungad ng batok sakin -_-
"Hoy Nicole! Bat parang saya mo today? May love life ka na? Sino?" With matching batok pa
"OA mo Emma! Masaya ako dahil naka leave ako sa work kong walang sahod!" Sabay tawa :D
"Bakit? Happy ending ba lablayp nila Mika and Kyre ba yun?" Aniya
"Kyle kasi diba. And wala eh, chupalpal. Lam mo na yun" chupalpal ang term na gamit ko pag fail ang mission ko
Ang swerte ko sa bestie ko. Why? Kasi kahit na minsan di na kami nagkikita dahil may date ang client ko (pil na pil ang pagiging 3rd wheel shet xD) hindi sya nagagalit. Anyways, sya nga pala si Emma Dianne Piñeda
"Mag resign na kaya ko Emma?" Bigla syang napatigil sa pagkain ng local na ramen lol
"At kanino ka naman magreresign?" Bigla nya akong inirapan at bumalik sa pagkain ng local na ramen
"Oo nga pala, walang kwentang trabaho nga pala 'to. Pero seryoso na, tigilan ko na kaya ang maging third wheel?"
"Bahala ka Niks, buhay mo yan. Kung gusto mo na magka- lablayp, tigilan mo na yang trabaho mong walang boss ay sahod!" Sabay irap nanaman
"Aish bahala na nga Emma. Bahala na si batman"
"Dinamay mo pa si batman kumain ka na nga lang" inabot nya saakin yung isa pang bowl ng local na ramen at isang lata ng root beer
Habang naglalakad kami ni Emma, ang dami naming nadadaang mag syota na nagha- harutan. PDA! PDA! maygad di na nahiya -_-
Lagi akong hinahatid ni Emma sa bahay na parang baby. Malapit lang naman bahay nya kaya ok na yon
"Niks, stay muna ko sa bahay nyo. Oops! I mean sa bahay mo"
Siguro nag- taka kayo kung bat nya binawi noh? Sana nag-taka kayo joke
Kasi, mag- isa lang ako sa bahay. Wala na kasi akong mga magulang at kapatid. Why? Kasi namatay sila noong grade 6 ako. Nagkaron ng sunog dito samin non, nasa school ako nung nangyari yon. Yung kapatid ko na 3 taon ang bata sakin, kasama ng magulang ko non. Tulog sila mama nung time na yon kasi mag- hapon klase namin kasi private tas nagpa- practice pa kami para sa graduation. Tas yung kapatid ko, wala daw nagawa kundi gisingin sila mama nung umabot na yung sunog sa bahay dahil syempre grade 3 palang sya. Sa sobrang gulat daw ni papa, inatake sya sa puso, and si mama at Miko? Ayun nilamon daw ng sunog sa loob. Kwento yan ng mga kapitbahay namin. Wala talaga akong alam sa totoong nangyari pero sabi nila totoo daw yon. So ayun na nga namatay silang lahat dahil don. Paguwi ko, naiyak ako ng sobra dahil sunog na yung bahay namin, hinahanap ko sila mama pero nalaman ko nalang na wala na sila. Nakita ko yung tita ko(Father's side) umiiyak sya. Lumapit ako sa kanya at imbis na tanungin ako kung ok lang ako sa mga nakita at nalaman ko, nagalit sya sakin. Di ko naintindihan dahil na shock ako ng sobra nung nakita ko yung katawan nila mama. Nung mailibing na sila, nagalit sila sakin. Both sides na yun ah. Ako yung sinisisi nila sa pagkamatay nila mama which is di ko alam kung bat ako? Bakit daw hindi ako umuwi agad edi sana daw nailigtas ko sila, pano ko uuwi ng maaga? Bakit alam ko bang magkakaron ng sunog? At ayun sunod sunod na sila. Di ko nalang pinansin tas ayun, di nila ko kinupkop pero puro pera binigay nila kahit na not to brag about it, mayaman kami :'(. Hinayaan ko nalang at ayun, grade 6 palang magisa na kong bumubuhay sa sarili ko.
Haba ng kwento ko noh? Kaiyak :'( pero move on na ko sa ginawa ng mga kamag- anak ko. College na ko, meaning nakayanan kong mabuhay mag- isa
Pero syempre may konting tulong padin from prends and mah bestie
Pero minsan naisip ko, ang sama ko naman ata, kasi never akong naka feel ng guilt about sa nangyari sa family ko
Siguro dahil hindi ko talaga kasalanan yon? Aish ewan ko. Kaya eto, nagaaral ako ng mabuti para makapag-trabaho sa kumpanyang may sahod! Joke
At wala akong panahon para sa lablayp
Ayan! Di porket mayaman ako, masaya na buhay ko :'( ano bang magagawa ng pera, right?
---------------------------------
A/N: So ayan guys! Mwahahaha unang chapter palang may mahabang speech na agad lol. Yaan nyo na madrama ako huhuhuh anyways, advance thankies sa magbabasa! Mwuah :*