~EMMA~
Proud ako kay Niks. Proud na proud ako sa pagiging brave nya, matiyaga, mabait, at mapagpakumbaba
Kaya lahat ng suporta ibinibigay ko sa kanya bilang bestie nya, pero lablayp di ko padin sya matulungan. Mataray kasi eh. Pero alam kong merong may gusto sa kanya eh, si Nathan, Nathan Gomez. Alam ko highschool palang gusto na nya si Niks. Mula ata nung nanalo si Niks sa pageant nung grade 8 kami
Nakakapagtaka nga eh, famous ang bestie ko nung hayskul pero wala pa din talaga syang partner :'( hays ang nagagawa nga naman ng katarayan. Anyways, yung flashback story ni Niks kahapon, totoo yon. Well wala naman akong sinabing isipin nyong mali yung sinabi nya pero nakakaawa talaga yung naging karanasan nya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit pa nya naisipan yang pagiging third na yan eh. Naloloka na ata sya
Ngayon ko lang na- realize na, male- LATE NA AKO! aish -_-
Dali-dali kong kinuha ang bag ko at sakto naman ang pagdating nung shuttle bus namin papuntang school. Oha! Susyal! Char syempre praybeyt school eh
"Emma?"
Di naman sa nagulat ako pero, may biglang nagsalita sa tabi ko. Sya lang pala -,-
"Ang snob mo namam Emma, nagha- hi lang naman eh"
Wow. Nag ha- hi daw! Eh samantalang ang sinabi nya ay "Emma?" Wow san yunh HI dun?!
"Sige ah ganyanan na ah! Sige wag mo kong pansinin"
Tinignan ko lang sya at tinaasan ng kilay
"Sige tarayan mo ko!"
Inirapan ko sya. Ang saya nya asarin the more kasi na napipikon sya, lalo ko pang inaasar. May pagka- isi bata kasi eh. Geo Cortes nga pala ang pangalan nyang isip bata na yan
So ayun, matapos ang mga 10 mins. na panga- asar kay Geo, nakarating na rin ako sa school este University. Pag school daw kasi parang elementary
Pagkadating ko sa room kabadong- kabado ako dahil baka mapagalitan ako dahil late, pero di naman pala dahil wala ang prof. namin so, safe ako
Pinagpawisan ako ng bonggang- bongga dun ah!
Teka.... Asan yung scarf ko?!
Naiwanan ko ata sa bus! Asdfghjkl! Aish -_-
Pumasok kaya si Niks? Hindi kasi kami magkaklase eh. Magkaiba kami nh course. Sya Culinary tas ako, Education
Buti nalang sabay dismissal namin. Nagkakasabay kami pauwi :D
Wahhh 2 hrs. vacant! Wooh! Break time na din :D
Di ka tatamadin na pumunta ng caf. kasi malawak 'to. Sobra parang buong ground na ata ng isang elem. school ang laki nito eh
Mahaba ang mga table dito para syempre maraming makaupo. Sa gilid puro pang dalawahan ang table pero walang solo
Umupo ako dito sa usual spot ko na sa may bandang likod. Buti nalang walang nagtatangkang umupo dito
Nang sa biglang....
"Hi Emma! :D"
Wow! Panira ng kain -_-
"Anong problema mo?!"
"Wag ka galit babe, uuwi na ko. Wahahahaha"
Di ko nalang pinansin 'tong Geo na 'to. Masyadong epal
"Hays aalis na nga ko! Tinabihan ka na nga ayaw mo pa" at sya pa yung umirap. Iba ka tol
"Bakit sinabi ko bang tabihan– teka lang, panyo ko yan Hoy!"
Panyo ko yon! Bakit nasa bulsa nya!
"Hoy panyo ko 'to wag kang feeler babe :*"
"Babe mo 'to. Akin na yang panyo ko!"
"Hindi nga iyo 'to kulet mo, pero kung gusto mong kunin ito ibibigay ko. Sa isang kundisyon, KISS MO MUNA KO :*"
"BAHALA KA NGA JAN! KISS MO MUKHA MO! MAKUKUHA KO RIN YAN!"
Aish! Makukuha ko din yang panyong yan Geo, humanda ka sakin arghhh! Di ko manlang napansin na nakatingin na yung mga ibang studyante sakin. Nakakahiya, para kong bata :(
Sa sobrang hiya at inis ko bumalik na ko sa room kahit di pa tapos break time at hinintay nalang na magklase uli
~TIMESKIP~
Uwian na din. Agad akong dumiretso sa may meeting place namin ni Niks pag uwian at yon ay sa labas ng Music room. Bakit don? Kasi pag free time daw nila, dun sya tumatambay
Mga 5 mins. lang naman ako naghintay at dumating na si Niks
"Hi Emma! Ohh bat parang badtrip ka. Anyare? Tara bugbugin ko?!"
"Easy ka lang uy. Di lang maganda nangyari sakin today"
Itong si Niks ang lakas ng loob nyang sabihan akong OA eh sya rin naman. Pero at least she cares
"Anyare ba Emma?"
"Si Geo kasi epal. Ayan nagmukha kong bata kanina sa caf."
"Geo? Wait... Geo..... Ah! Si Geo yung kaklase mo mula elem hanggang highschool?"
"Yes captain obvious"
"Anong ginawa nya Emma? Hahampasin ko sya"
"Wala yaan mo na. Tara uwi na tayo"
So ayun di ko nalang pinalawak kasi baka mas mabadtrip ako sa kanya. Nilibre nalang ako ni Niks ng ice cream para di na daw ako galit. And ayun, na- appreciate ko naman yung care nya at isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya :)
Nakakagaan ng loob yung makasama mo bestie mo pag may problema ka palaging nandiyan para i- comfort ka :">
So eto, naihatid ko na si Niks sa bahay nila and nakauwi na din ako
Nagulat ako ng may biglang bumulaga sa may gate namin
"Hi Emma!"
"P-pano mo n-nalaman bahay ko?"
"I have my ways babe ;)"
Hay nako. Ano nanaman bang trip neto ni Geo?! Napahiya na nga ko kanina dahil sa kanya eh!
"Sorry na Emma :'( wag ka na galit"
"Tsk. Bat mo pa kasi kinuha"
"Basta. Oh eto na sorry uli bye! Baka matrapik pa ko :)"
Wow. This time seryoso si Geo. Omay anong nakain nya? Pero buti nalang binalik nya :)
-------------------
~GEO~Sana mapansin nya.......
--------------------------
A/N: Hi guyss! Another UD! Obviously, di ako marunong sa mga Cliff hanger bwahahahah sorna po :'( wag na kayo galit. Joke. So ayan update uli :D inspired eh wahahaha enjoy! Mwuah :*