CHAPTER 5

5 1 0
                                    

~CHLOE~

Alam kong matutulungan ako ni Nicole. Naniniwala ako don pero sana hindi ako pahirapan ng puso ko

Siguro oras na para isip naman ang gamitin ko

Oras na rin para maging matatag. Di na ko magpapaloko

Kailangan ko ng magbago para sa kapakanan ko

At naniniwala akong magtatagumpay ako sa tulong ni Nicole

Sana lang pag nagkaharap na kaming tatlo nila Vhone, sana kayanin ko

Nakauwi na rin ako. Hindi ako hinatid ni Vhone. Hindi kami nagkita ngayong oras. Hindi nya ako sinipot sa exit gate

Pero sanay na ako don. Minsan nalang nya ako ihatid

Bago ako humiga sa kama ko, napagmasdan ko ang mga litrato na nasa dingding. Nakakatawa. Puro litrato namin ni Vhone ang naka- dikit dito. Mga litrato namin mula nung naging kami

~Flashback~

"Chloe..... Will you be my girlfriend?"

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ang crush kong si Vhone, gusto akong maging girlfriend?

"Ah Vhone, ang aga naman ata. Di ka pa nga nanliligaw e"

"Edi manliligaw ako. Chloe, bibigyan mo ba ako ng permiso para manligaw?"

Okay. So manliligaw nga sya!

"Oo naman Vhone."

So ayon, nanligaw si Vhone for 7 months. And ayon, pinakita naman nyang deserving sya

"Vhone... Sinasagot na kita."

"T-talaga Chloe?"

"Oo Vhone."

"Thank you! Ipinapangako ko Chloe hindi kita lolokohin. Mamahalin kita ng tunay I Love You"

Naramdaman ko na lamang ang yakap nya matapos nyang sabihin ang katagang "I Love You"

Hindi ko naiwasang maluha sa sinabi nya

"I Love You too, Vhone."

~End of Flashback ~

Oras na para gumising ako sa kabaliwan ko

Tinanggal ko ang mga litratong naka- dikit sa dingding. Pero hindi ko ito sinira dahil mahalaga pa din ito para saken

Unti- unti kong na- realize na nabulag ako sa katotohanan dahil sa pagmamahal

Ayoko na.

Kinuha ko ang cellphone ko at minessage si Vhone

Me- Vhone, sunduin mo ako bukas sa exit gate ha. May pupuntahan tayo :)

Vhone- Okay babe. Dala fuds and money ah! :*

Me- Okay. See you

Okay. Witness na kayo ah! Dun sa "fuds and MONEY"

Ayoko na talaga. Ititgil ko na 'to. Last time ko ng sasabihin sayo 'to Vhone....

I Love You....
----------------------

~GEO~

Anong problema ni Ms. Herman ay Nicole?

Bat parang di nya ako naalala eh samantalang naka- chat ko na sya?

Huhuh sama :'(

Miss ko na si Emma. Di kami nagkita kahapon nung break eh. Dami kong ginagawa. Huhuhuh aabangan ko sya sa caf. mamaya

THIRD WHEELWhere stories live. Discover now