Sapphire Aria Mae's Pov.
Uyy girl dun tayo sa boutique na yun oh parang andaming magagandang damit oh parang yung mga damit ng mga kpop idol's sa Korea. Sabi ni Shaneya sabay turo dun sa isang boutique na may pagka Korean style na store.
Wait lang naman kasi noh tumitingin pa ako dito ng mga school stuffs tapos damit naman ang hanap mo jan eh madami ka na niyan eh. Kung ito inaatupag mo noh edi sana may nagagamit ka sa school di yung puro pahingi at pahiram ka jan, kayaman yaman niyo eh! Sabi ko sabay lagay ng mga ballpen, pencil, papel, etc. sa mini cart.
Ehhhhh! Dali na kasi konti lang promise. Pagmamaktol pa niya.
Sigi na nga parang matitiis pa kita ano? Sabi ko sakanya.
Yehey! you're the best Panda ni Drexler. Patalon talon pa niya.
Ano ba toh nakakahiya andaming taong nagtitinginan ang ingay kasi netong babaeng toh eh.
Oo na wag ka na munang maingay jan babayaran ko nalang muna toh, ang mabuti pa lumabas ka na muna at hintayin mo na lang ako dun, okie??
Tanong ko sakanya.Okie!!! Sigaw niya.
Shhhh! Saway ko sakanya ingay eh.
___________________________________
Sapphire Aria Mae's Pov.Beh naman eh kanina ka pa paikot ikot sa mall para namang bibilhin mo na lahat eh di mo naman masusuot ng isang suotan yan eh. Pagmamaktol ko sa kanya.
Wait lang last na toh, PROMISE!! Sabi pa niya.
Kanina pa yang last mo eh. Sabi ko ulit.
Wait wait wag ka maingay may natawag. Sabi niya sakin kaya tumahimik nalang ako.
Hello? Oh? Ahhhhh sige pauwi narin naman na ako eh. Bye. Sabi niya sa kausap niya.
Ayyyy beh uwi na pala ako ahhh kailangan ako sa bahay eh bayaran ko nalang muna toh tapos sa susunod naman ulit. Sabi niya ng nakangiti pa.
Napabuntong hininga nalang ako. Haaay salamat natapos din yung lagikot namin waaaaah!
Oo na sigi na uwi na uuwi narin ako. Pagtataboy ko sakanya.
Grabe tinataboy? Sabi pa niya.
Di naman pinapalayas lang. Sabi ko ng naka-poker face.
Ayyy! mas grabe pa yun eh!!! Sigaw niya sakin.
Oo na alis na nakakabingi ka. Sabi ko pa.
Sigi byyeeeeii! Ingat sa paguwi! Sigaw niya.
Kaingay talaga nun andun na sa may exit tapos ang layo ko na sakanya dinig parin sigaw niya, di na nahiya grabe tsk tsk tsk.
At dahil wala na akong kasama mag-gagala muna ako ng kaunti pang oras.
Dinala ako ng mga paa ko sa Department Store.
Ano kayang mabili dito? Tanong ko sa sarili.
Bahala na nga. At naglakad na ulit ako.
Paikot ikot lang ako ng may makita akong t-shirt na kulay navy blue at may designs na Panda.
Ito nalang kaya? Tanong ko ulit sa sarili ko.
At dahil may Panda na design yun at gusto ko pagsuot niya yun ako ang maiisip niya kaya binili ko nalang.
Pagtapos kong bilhin yung t-shirt naglakad na ako ng may ngiti sa labi at para makauwi narin.
Lakad lang ako ng lakad ng may makita akong isang familiar na tao. Hindi ako pwedeng magkamali. Ang lalaking yun. Sino siya? Tanong niyo? Edi sino pa eh di si Drexler ahahaha pero bakit siya nandito, ang sabi niya kanina di niya ako masasamahan dito sa mall ngayon kasi may pupuntahan daw siya. Dapat talaga kasi siya ang kasama ko eh dahil sa may pupuntahan daw siya "kuno" si Shaneya nalang ang inaya ko.
Tatawagin ko na dapat siya ng may lumapit na familiar din na babae.
Ayyy hindi naman ata yan si Drexler ko eh. Ako lang mahal nun noh!
Di niya ako kayang lokohin dahil MAHAL NIYA AKO.
Dahil alam kong di siya yun dahil di niya ako kayang lokohin naglakad na ako para umuwi.
___________________________________
Sapphire Aria Mae's Pov.( NEXT DAY )
Andito ako ngayon sa hallway naglalakad. Hinahanap ko kasi si Drexler eh bigla bigla nalang umalis nagtaka pa nga ako eh kasabayan niyang lumabas si Nathalie, baka nag cr lang diba?
Lakad lang ako ng lakad ng makita ko si Drexler, naka civilian?
Hindi naman totally na civilian naka t-shirt siyang pang taas at uniform na pangbaba.
Bakit parang familiar yung suot niya?
Ng bigla akong may naalala.
Hala! Wag naman sana.
Drexler! Tawag ko sakanya.
Lumingon naman siya sakin.
O bakit? Tanong niya.
Wala may ibibigay lang sana ako. Sabi ko sakanya pero di ko muna binigay.
Ano naman yun? Tanong nya.
Ahhhh wait may itatanong muna ako. Sabi ko naman.
Sige, ano? Balik niyan sabi sakin.
Errrr saan mo nakuha yang t-shirt mo? Tanong ko.
Ahhhh e-eto b-ba bigay ni N-Nathalie bilang pasasalamat sakin nung sinalo ko siya. Di mapakali niyang saad.
Ahhhh, sayang ganyan din sana ibibigay ko sayo naunahan na pala ako. Bulong ko.
Ano sabi mo? Di ko kasi narinig. Takang tanong niya.
Ahh wala wala! Sige una na ako. Sabi ko.
Pagtapos nun lumakad na ako palayo, di man lang ako pinigilan ano bayan?!!
Feeling ko tuloy hindi na ako yung Panda niya kundi si Nathalie na, ganun na ganun kasi yung t-shirt niya sa t-shirt na binili ko na para sana ay kay Drexler.
May feeling talaga ako jan sa Nathalie na yan eh nakakainis siya buset!
Ang mas nakakainis pa NAUNAHAN NIYA AKO! AKO DAPAT YUNG NAGBIBIGAY NG GANUN HINDI SIYA DAHIL HINDI NAMAN SIYA ANG GIRLFRIEND KAINIS!!!!!
___________________________________
How's Chapter 4???Maganda ba???
Naiinis na ba kayo kay Nathalie??
Sige basahin niyo pa tapos update din ako para masaya diba??
Byeeeeiii
- BabykoPanda
BINABASA MO ANG
The Pretend
Fiksi RemajaRead mo muna para maganda ahahahahaha Kayo bahala kung babasahin niyo muna or you'll just leave the story?