Chapter 1

7 2 0
                                    

Chapter 1
Transfer

Magdamag akong hindi nakatulog dahil sa eksenang nasaksihan ko kagabi. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malimut-limutan

What the fvck?

"Apo. Like something's bothering you." Napalingon ako kay Lolo Sebastian, papa ni mama.

Bahagya akong umiling. "Nothing po lolo. It's just that naninibago lang ako." Pagpapalusot ko. Ayoko kasing maging abala pa.

"Okay. I see. Kumusta naman ang pag-aaral mo?" Tanong niya.

"I'm good. But quite tiring because of my course Pol-Sci. May debates pa kami na aasikasuhin." Tanging naisagot ko. Kung alam n'ya lang kung paano ako araw-araw na makipag-debate sa mga magulang ng mga studyanteng nakaka-away ko.

Kasalanan ko bang sadyang mas maganda-- no rephrase that. Sadyang ako LANG ang maganda sa school kaya puro sila insecure sa akin?

"Suuss!! Araw-araw ka ngang nasa guidance office eh." Napalingon ako kay kuya na biglang sumabat. Langya 'to. Baka ilalag-lag pa ako sa lolo namin. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Hindi niya naman ito pinansin. "Ano 'yun? Ginagawa mong bakasyunan ang office?" Tatawa-tawa niyang sabi. Mabulunan sana siya.

At dahil nga sa lagi akong nag-didilang-anghel, ayun. Nabulunan nga ang napaka-galing kong kapatid.

"Ano? Buhay ka pa? Kung oo, mamatay ka na!" Sabi ko at inirapan siya. Bwisit!

Napalingon ako kay lolo na natatawa sa aming dalawa. Anong nakakatawa? Nakatira rin ata 'tong si lolo eh.

"You're so mean, Blaire." Tatawa-tawa nitong saad.

"Goodmorning everyone." Sabi ni mom na ngayon ay kararating lang. Bigla lang naman itong lumingon sa akin. "Blaire. Bilisan mong kumain dahil kailangan mo nang makapag-enroll today. Bukas ay papasok ka na." Napakunot ako ng noo. What?

Oh shit!

Tumango lang ako at tumayo na. Nawalan rin naman na ako ng gana. Nagpunta ako sa kuwarto at nag-dire-diretsyo sa terrace.

Kainis! Sila na naman ang nagdesisyon ng para sa akin! Parang isa akong baby ah!

Sumampa ako sa railings ng terrace. Kitang-kita ko ang buong syudad mula rito. Sobrang ganda nito.

Pumikit ako saka linanghap ang simoy ng hangin. Sana ganito rin ang hangin sa Manila. 'Yung walang polusyon.

"You saw that." Bigla akong napamulat nang nagulat ako at dahil doon ay nadulas ako kaya napapikit ako at hinintay na mahulog pero nakaramdam ako ng bisig na nakapulupot sa akin.

"What the fudge!" Bigla akong bumitiw nang mamulat ko ang mata ko at tumambad ang mukha ng lalaking kagabi ay nakikita kong nakikipaghalikan.

Kailangan kong magbabad ng 24 hours sa bath thub para mawala ang germs ng malanding lalaking ito sa akin!

"Wow. Thank you!" Sarkastiko niyang sabi. Napaismid ako.

"Your not welcome!" Ngumiti ako. Nakita ko ang pag-clench ng jaw niya. Halatang irita na siya. Oh how I love na makakita ng mga taong naiinis ng dahil aa akin.

"You're really something." Napataas ako ng kilay. Umiling pa ako. Mang-aasar na naman ako ngayon. Ito'ng damuhong na ito ang pagbubuntunan ko ng galit.

"No. I am not JUST SOMETHING. I am a SPECIAL THING." Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis. 'Yung mapang-asar. Ngunit mali pala ako dahil mukhang ako ang maasar.

Lumapit siya sa akin at biglang itinapat ang mukha niya sa mukha ko. Yumuko pa siya ng bahagya dahil nga sa kapre siya. Hindi ako pandak. Sadyang kapre lang ang asungot na ito.
Napaatras ako hanggang sa nakasandal na ako sa railings. Ikinulong niya ako sa pagitan ng dalawa niyang braso.

ThornedWhere stories live. Discover now