Chapter 2
FriendsNakakaboring. Nakakabagot. Wala akong ibang ginawa kundi ang magbasa ng magbasa ng mga mystery books ko. Tsk.
Naglalakad-lakad ako ngayon sa field ng school na ito. Unang araw ko ngayon sa HA at parang hindi ko ata kakayanin ang tumagal rito dahil ngayon pa nga lang na first day ko ay sobrang bagot na ako.
"Yeah yeah. I know." Napairap na lang ako sa pangungulit sa akin ni mom na umuwi ng maaga. Magkakaroon raw ng welcome party sa bahay namin. Psh.
"Okay. I'll wait for you." Ibinaba ko na at umupo sa isang bench sa ilalim ng puno.
Nagmasid ako sa paligid at nakita ko ang iba't-ibang uri ng estudyante.
Mga nerds, ordinaries, mga tinitilian, mga wala lang. At iba-iba pa. Pero iisang tao lang ang nakakuha ng atensyon ko.
Isang lalaking pinagkakaguluhan ng mga babae. Napakunot ang noo ko nang tumingin siya sa may banda ko.
Saka ko napagtanto na parang pamilyar siya. Saan ko nga ba s'ya nakita? 'Di ko matandaan pero parang nakita ko na siya noon. 'Yung mata kasi niya ay pamilyar.
Tumingin ako sa wristwatch ko at nalaman kong 30 minutes nalang ay umpisa na ng unang klase ko.
By block ang sistema rito. It means na bawat estudyante ay may sari-sariling schedules at kada klase ay iba-iba ang classmates mo.
Tumayo na ako at nag-umpisang naglakad nang may humawak sa kamay ko kaya't napatingin ako roon.
Tila ba parang nag-slowmo. Psh. Ang corny. Pero parang ganu'n nga ang nangyari. Unti-unti kong iniangat ang tingin ko at humarap sa akin ang mukha ng lalaking kanina lang ay tinitingnan ko.
Napataas ako ng kilay at idinako ulit ang paningin ko sa kamay niyang nakahawak pa rin sa kamay ko. Tila ba napansin niya iyon kaya agad naman siyang napabitaw.
"Ah... Hello." Tila nahihiya niyang bati dahil napakamot pa siya sa batok niya. Itinaas ko lang ang kilay ko. Then? Ano naman? Kailangan ko pa ba'ng sumagot ng "hi"?
"Ahm... S-saan ang room mo?" Tanong niya habang nakayuko. Ilinibot ko ang tingin ko sa mga estudyanteng nakatingin sa amin. Napakunot ako ng noo. 'Yung mga babae naman ay sobrang sama ng mga tingin sa akin.
"Room 356." Marahan kong tugon. Bahagya siyang nagulat at ngumiti. I found it cute. Wait-- what? Cute? Yes. It's cute buy don't give any malicious thing about it.
"Uhh. Doon rin ang next class ko. Pwedeng sabay na tayo?" Tumango lang ako at nag-umpisa nang maglakad habang pinapaulanan ako ng mga matatalim na tingin ng mga babaeng nakakasalubong ko.
"Mygod! Ang gwapo! Papable! Kaso may girlfriend. Pero mas maganda naman ako kaya kayang-kaya ko'ng agawin 'yan nuh!" May narinig akong bulong- kung bulong ba ang tawag roon sa hindi kalayuan kaya naman napalingon ako roon saka nakita ko'ng sa'kin siya nakatingin. Kumunot ang noo ko. Matatanggap ko pa na sabihin niyang gwapo ang katabi ko dahil gwapo naman talaga ito pero 'yung sabihin niyang mas maganda siya kaysa sa akin ay hindi na!
Lumapit ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "What did you just say?" Kalmadong tanong ko pero may bahid ng pagka-inis.
Nakita kong umayos siya ng tayo at hinarap ako.
"Na mas maganda ako sa'yo at kaya kong agawin ang boyfriend mo!" Lumingon siya sa tabi ko saka ko napagtantong katabi ko pala siya. Lahat naman ay naghiyawan. So naniniwala silang maganda ang babaeng ito? Ewan. Lalaki ba siya? Di ko malaman. Nakakalito. Mukha kasi siyang bakla dahil sa make-up niya.Ngumisi ako. Mali siya sa desisyong sinagot niya pa ako ng pabalang.
"Hey! Thank your for your compliment na maganda ako. Nagustuhan ko 'yun. Ang hindi ko gusto ay 'yung sabihin mong mas maganda sa akin. Hoy half-maldita full chakang hindi malaman kung babae o lalaki dahil sa mukhang bakla ka dahil d'yan sa makapal mong make-up, sasabihin ko lang sayo na ni hindi ka pa umabot sa kalingkingan ng bawat hibla ng buhok ko. Kaya 'wag kang magsalita na mas maganda ka sa akin hah? Kasi baka makita mo na lang na kick-out ka na dito. Bawal kasi ang mga orranggutan dito. No offense hah? Nagsasabi lang ako ng totoo." Sabi ko at nagtawanan ang lahat. Sobrang pula na rin ng mukha ng babaeng ito dahil sa kahihiyan. Bago pa siya makasagot ay iniwan ko na siya roon.
"Sana ay hindi mo na pinatulan." Pangangaral sa akin ng kasabay kong pumasok. 4th floor pa kasi ng Building A ang room namin. Wala pang elevator dahil for teachers lang iyon. Tsk. Hustisya! Nagbabayad rin kami dito! Saka pinapasweldo pa nila ang teachers! Psh.
"Tsk." Umirap ako. Kanina pa siya sabi ng sabi na dapat ay hindi ko na raw pinatulan. Ano? Papayag na lang akong may magsasabing mas maganda sila sa akin kahit hindi naman? Oh c'mon. Inililigtas ko pa nga sila sa kasalanan na pagsisinungaling eh.
"Baka balikan ka nu'n at kung ano pa ang mangyari sa--," tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Rinding-rindi na ako.
"Ano ba?! Kanina ka pa ah?! Sino ka ba?! Binging-bingi na ako sa'yo ah! Iritang-irita na ako sa'yo! Pwede ba? 'Wag mo akong pakialaman dahil dahil naman iyon sa'yo! Kung hindi ka sumama-sama sa akin e'di sana hindi ako napaaway!" Panunumbat ko. I know it's below the belt. Pero kasi totoo naman eh.
Nakita ko ang pag-yuko ng ulo niya. Parang nakonsensiya ako.
"S-sorry." Nakayuko niyang tugon. Bakit parang naiinis ako sa sarili ko?
"Ah. What I m--"
"S-sorry talaga. Sige. Hindi na ako sa'yo magpapakita pa o kakausapin. Sige. Una na ako." Sabi niya at nauna nang maglakad. Naiwan akong tulala dahil hindi pa sa akin nag-sisink-in ang lahat. Ohkay? What did I just do?
Nakabalik lang ako sa huwisyo nang biglang may tumapik sa akin.
"Hey. Okay ka lang?" Tanong sa akin ng isang babaeng naka-nerdy glass.
"A-ah. Yes." Tugon ko saka umalis roon. Pero nakaka-sampung hakbang palang ako ay bigla akong nakarinig ng isang boses.
"Ano!? Sabihin mo na kasi!!" Impit na sigaw ng isang babae. Para bang may inaaway.
"'Wag, Blaire. Hindi mo kailangan na maging hero ulit." Pangungumbinsi ko sa sarili ko. Bakit ba ang dali ko'ng maawa? Dahil ba katulad rin ako ng mga naapi dati? "No. No, Blaire. Aish! Bakit kasi ako na naman!?" Dahan-dahan akong bumalik at saktong pag-harap ko sa pinang-gagalingan ng boses ay isang malutong na tungog ng sampal ang bumungad sa akin. Sht naman oh!
"Ano?! Malandi ka kasi!" Agad na nag-init ang ulo ko. Isa pa sanang sampal ang dadapo sa babaeng kanina lang ay tinanong ako kung okay lang ba ako ngunit agad akong kumilos at tumayo sa harap ng sasampal at gamit ang kanan kong kamay ay pinigilan ko ang kamay na iyon at gamit ang kaliwa naman ay isang 360 degrees slap ang ibinigay sa kanya.
"Aw!" Bigla niyang sigaw.
Ngumisi ako at liningon ang dalawa pa nitong kasama. Tinaasan ko sila ng kilay kaya napa-atras ang mga ito.
"Sa susunod, alamin mo muna kung sino ang malandi. Baka kasi mapahiya ka at malaman mo na lang na sarili mo pala ang sinasabihan mo. And that slap is for hurting her." Bigla ko ulit siyang sinampal sa kabila naman para pantay. "And this is for disturbing me." Sabi ko.
Medyo matagal pa siyang maka-recover sa sampal ko bago pa niya ako hinarap ng maayos at sinamaan ng tingin.
"Mali ka ng kinalaban, bitch. You'll pay for this." Inis niyang sabi.
"Ohh... natakot ako. Sige. Hihintayin ko 'yan. Basta sa susunod, siguraduhin mo'ng dadapo na 'yang kamay mo sa pisngi ko. Nga pala. Hard face. Papel-de-liha na ang kailangan d'yan or steelwool. Ipakuskos mo na." Sabi ko at hinatak na ang babae saka umalis doon. Narinig ko pa ang sigaw niya. Napailing na lang ako.
First day, so many enemies agad. Ilan na ba ang kinalaban ko? Aish.
"Thank you." Rinig kong sabi ng babaeng hatak-hatak ko. Tumigil kami sa harap ng room ko. Bakit ko nga pala siya dinala rito?
Tinguan ko lang siya. I don't want to be rude with her pero nasanay na ako sa ganitong set-up ng ugali ko. Napataas ako ng kilay nang marahan siyang tumawa.
"You're so mean like what I've heard about you. But can I make a request?" So sikat na pala ako rito kahit first day ko palang rito? Napangisi lang ako sa aking naisip.
"Spill." Tanging naisagot ko. Ewan ko ba? Parang magaan ang loob ko sa kanya. Dahil ba parang ako siya noon?
"Can we be friends?" Tumahimik lang ako. "Silence means yes? So friends na tayo! Yes! Friend na kita ah! Bye!" Huling sabi niya at pumasok na sa katabing room ng room ko. Okay?
I finally have a friend and I am contented with it.