Twenty-nine
Malik's POV
Its been three days when Issay and his kids went back in Paris. Pero para sakanya parang ilang taon na niya itong hindi nakikita.
Kahit pa nga araw araw niyang nakakausap ang mga ito sa telephone o kaya naman sa facetime, hindi pa din sapat ang mga ito. gusto niyang makita at mahawakan ang mga ito. Gusto niyang mayakap at mahalikan ang mag-iina niya.
Ang gusto niya nasa tabi lang niya ang mga ito at hindi nasa malayo.
"Urgh....."napasabunot pa siya sa sarili niya sa sobrang frustration niya.
Kakatapos lang nilang mag-usap ng kanyang mga anak sa facetime. At nagsusumbong ang mga ito na pictorial daw ang ina ng mga ito na daring.
Pinagsabihan kasi niya ang mga anak na bantayan si Issay at sasabihin sa kanya ang bawat trabaho ng kanilang ina. Kaya naman alam niya ang bawat ginagawa ni Issay dahil sa mga anak niya.
"nababaliw ka na naman ba bro?"biro sa kanya ni Marco.
Hindi niya namalayan na pumasok na pala ang kaibigan niya sa opisina niya. tinapunan lang niya ng tingin ang mukha nito.
"Anong kailangan mo?"tanong niya ditto.
"Well, magpapaalam lang ako sayo bro, pupunta ako ng Paris"sabi nito ng umupo sa harapan ng table niya.
"Hep hep, ako ang unang aalis sa inyo"singit naman ni Jake.
Napakunot naman ang noon niya sa mga kaibigan niya. Uunahan pa pala siya ng mga ito sa pagpunta sa Paris.
"At sinong nagsabi sa inyo na kayo ang pupunta sa Paris. Ako ang pupunta doon ngayon. Aba puro kayo lakwatsa for the past six years ako naman ngayon"reklamo ni Benjamin.
Napataas naman ang kilay niya sa sinabi ng huli.
"What did you say Benj. Pupunta ka ng Paris? For what?"nagtatakang tanong niya ditto.
"Para kay Ana my love"walang kagatol gatol na sagot naman ng kaibigan niya.
"Whoa!!!!!"sabay sabay naman na react nilang tatlo.
"Wait, are you serious Benj. Si Ana, as in si Anastasia Reyes. Ang kapatid ni Issay?"pagka-klaro niya sa mga sinabi nito.
"Oo, bro. at wait din, Anastasia talaga pangalan niya. whoa...lakas maka-Christian Gray"exaggerated na sagot naman ni Benj.
"Don't you dare, hindi pwede si Ana. Bata pa yon bro, and hindi basta basta papaya sila Issay sayo. Lalo pa alam ni Issay ang ugali mo. Kita mo nga itong dalawa hanggang ngayon hirap pa din mapaamo ang mga kaibigan ni Issay, isang sentence pa lang sinabi ni Issay noon sa kanila 'ingat kayo syan mga playboy yan' that's what Issay told the two girl back then"naalala pa siya ang mga sinabi ni Issay noon sa kanya kaya naman ang mga kaibigan nito ay mailap sa mga kaibigan niya.
"No, bro were a change man"reklamo naman ni Jake.
"I know about that. Kakausapin ko si Issay regarding dyan"sagot naman niya kay Jake.
"Nah, wag na bro. patutunayan nalang namin yon sa mga girls. Kaya bukas aalis ako para naman masimulan ko na ang pagkuha sa Forever ko"nakangising singit na salita ni Marco.
"Who told you na aalis kayong tatlo, no one will leave this company"maauthoridad niyang utos sa mga ito.
Laglag ang mga balikat ng mga ito na tumingin sa kanya. Para pa ngang mga kawawang bata ang mga ito na naagawan ng candy ng mga kalaro ang itsura.
"Bro, ang harsh"mo nakapout na react ni Benj kalaunan.
Bumuntong hininga siya sa mga pinapakita sa kanya ng mga kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
My Playboy Boss
RomanceSexy, matalino, maganda , mayaman, at higit sa lahat VIRGIN. Yan ang standard ni Malik isang certified playboy sa Babaeng makakapagpatino sa kanya. "Once I got a Virgin, I will Settle then. " Yan ang madalas na sabihin niya sa mga taong nangu...